"Sorry po mommy, hindi ko lang mapigilan ang sarap kasi ng wine niyo rito." 'Yun na lamang ang nagawa kong sabihin dahil parang nagmumukha akong tanga sa mga ginagawa ko. Kahihiyan talaga! Ano ba itong ginagawa ko? "Alam mo siguro ay stress ka lang, paano kaya kung sumama ka na lang bukas kila Rohws? Isa pa, bukas ay aalis rito si Kenneth kaya kila Rohws ka na lang sumama. Para naman mas malibot mo ang lugar." Napalunok ako at hindi sinasadya ay napatingin ako kay Rohws na matamang tinititigan ako. "Ahm pwede naman sumama na lang sa akin si Briel mommy, kaya—" "Ano bang problema? Ayaw mo bang maglibot iyang jowa mo? At nang mag-enjoy naman? Isa pa, minsan ka na nga lang umuwi at unang beses mo na nga lang dinala rito si Briel ay ganiyan ka pa kung umasta! Hayaan mo naman na makita niya