Briel POV "Mommy siya po si Briel, siya po ang boyfriend ko na sinasabi ko sa inyo." Napalunok ako nang makita ko ang kakaibang titig na binibigay sa akin ng ina ni Briel. Ito kasi ang unang humarap sa amin at mukhang hindi maganda ang nabunggaran nito. Sino ba namang hindi? Ikaw ba naman na ina na haharap sa inaakala mong boyfriend ng anak mo na inaasahan mo pang magbago. Tiyak natural lang ang reaksyon nito. At nauunawaan ko naman ito kahit na kulang na lang ay bumulagta ako sa sobrang talim ng mga titig nito. "Mommy naman! Huwag mong takutin jowa ko! At isa pa hindi mo ba kami papapasukin?" Pabebeng sambit ni bakla na kinabuntong hininga ng nanay nito. At syempre nakaramdam din ako ng relief dahil sa wakas nawala na 'yung masama at matalim na pagtitig ng nanay nito sa akin. "Ke