Ikalawang Basket

2132 Words
PUMUNTA na si Ricky sa una niyang klase at nakita niya si Roland na nasa labas ng silid na kanyang pupuntahan. May kinakausap itong babaeng estudyante at ngiting-ngiti ito habang nakasilip naman sa bintana mula sa loob sina Andrei at Mike na sa tingin niya ay nakikinig sa usapan ng nasa labas nilang kaibigan.   Napatingin sa kanya si Roland nang makalapit na siya rito at sumulyap na rin ang babaeng kausap nito sa kanya.   “Girlfriend mo Roland?” tanong ni Ricky habang nakatingin sa mata ng kaibigan. Sinusubukan niya ito at gustong malaman ang isasagot. Ang mga kaibigan naman niyang nasa loob ay napatalikod na lang na parang ayaw nang pakinggan ang sasabihin ng kanilang katropa.   “Nope! Friend ko siya!” wika kaagad ng babae na nakatingin kay Ricky nang oras na iyon. Makikita pang may hawak itong sobre na may pandikit na puso.   Si Roland ay napatawa na lang nang bahagya na sinundan ng pag-akbay kay Ricky. “Gago! Taga-hanga mo iyan,” wika nito at napaatras nang kaunti si Ricky. Ang babaeng nasa harapan nila ay nakangiti sa kanya at iniangat ang kamay nitong may hawak sa tila love letter na nasa sobre.   “R-ricky Mendez... May nagpapabigay!” bulalas nito at ang dalawa ay nagkatinginan. Si Ricky, seryosong napatingin kay Roland na kasalukuyang nagpipigil ng tawa. Biniro lang pala nito siya, ayaw naman niyang magkaroon ng taga-hanga na magbibigay ng sulat nang personal, pero may kaunting paasa kasi ang sinabi sa kanya ng kaibigan niya na tumakbo na lang nang mabilis sa loob ng kanilang silid.   Naiwanan ang dalawa sa labas at napatawa na lang si Ricky. Sumulyap siya kay Andrei at parang kinabahan siya dahil ate nito si Andrea.   “P’re, kunin mo na! No problem iyan,” ani Andrei at tila nag-usap sila sa mata ni Ricky.   Kinuha nga ng binata ang sulat at doon na nga ngumiti ang babae.   “K-kanino ito galing?” tanong ni Ricky sa babae na hindi naman siya nagawang sagutin, bagkus ay nag-thumbs up lang ito at nagpasalamat. Kasunod noon ay umalis na ito sa kanyang harapan. Si Roland nga ay mabilis na humangos palabas.   “Yen? Sabay tayo mamaya,” pahabol ni Roland at pinamulahan na sinundan ng kantyaw mula kina Mike at Roland mula sa loob. Ang dalaga naman ay nginitian ito at tumango bilang tanda ng pagsang-ayon. Si Ricky nga ay natawa na lang sapagkat ngayon lang niya nakita ang kanyang kaibigang ito na may kakaibang kinang ang mga mata.   Pumasok si Ricky sa loob at binati kaagad siya ng mga kaklase niyang nasa loob na rin. Parang nahiya na nga lang siya dahil naging sentro siya kaagad ng atensyon. Umupo kaagad siya sa tabi ng mga kaibigan niya at pagkatapos ay parang na-excite silang mabasa ang laman ng sulat na iyon.   “Hindi mo ba talaga alam kung saan galing ito Roland?” tanong ni Ricky na tinitingnan ang sobre. Baka raw may pera kaya bahagya siyang naitulak ni Mike dahil sa naisip nito.   “Hindi, ayaw kong tanungin si Yen. Hiya ako,” mahina namang winika ni Roland at si Ricky ay napailing dahil doon.   “Okay lang ba pre? O itatapon ko ito?” paalam muna ni Ricky sa kanyang kaibigang si Andrei. Alam niyang kapatid ito ni Andrea kaya parang nag-aalangan siya rito.   “Gago ka pre, basahin na natin ang laman. Kung wala ka namang ginagawang cheating, ay okay lang iyan. Normal lang pati ang ganyan lalo’t sikat ka na. Hindi na ikaw iyong normal na Ricky Mendez,” ani Andrei na sinundan naman ng dalawa pa niyang kaibigan ng tango ng pagsang-ayon. Dito na nga nila sinimulan ang pagbubukas sa sulat na iyon mula sa kung kanino.   Si Ricky ay hindi nakaramdam ng kagalakan sa kung ano ang nakasulat doon, pero ang tatlo niyang kaibigan ay makikitang atat na atat nang mabasa iyon. Si Mike nga ay hinablot na ang papel at sinabing siya na raw ang magbabasa ng nakasulat doon.   Mabilis namang pumayag si Ricky, lalo pa’t hindi siya talaga interesado sa laman noon. Slight lamang kung tutuusin.   Sinimulan na nga ni Mike na basahin iyon. Hindi kalakasan ang kanyang boses, at sapat na upang marinig ito ng mga kaibigan niyang kasama.   “Dear Ricky Mendez...”   Si Roland, umakbay kay Mendez at si Andrei naman ay isiniksik ang ulo sa tabi ni Mike na may hawak ng papel na amoy pabango.   “Isa mo akong taga-hanga. Napanood ko ang mga laro mo sa CBL at sa inter-barangay. Ang galing-galing mo. Gusto ko nga sanang makipagkilala sa iyo, kaso nahihiya ako. Hindi ako maganda, katulad ng babaeng palagi mong kasama. Pero, sa tuwing napapanood kita, napapangiti ako. Kakaiba ka. Alam ko namang may girlfriend ka na, kaya hanggang tingin na lang ako sa iyo. Kahit hindi ka interesado sa kung sino ako ay sana’y mabasa mo pa rin ito. Itapon mo ito pagkatapos mong mabasa. Sana galingan mo pa sa mga magiging laro mo.”   “Hindi mo man marinig ang cheer ko... Nasa likuran mo lang ako bilang taga-hanga at supporter mo!”   “Ang iyong secret admirer... Miss Satsuki Momoi,” wika ni Mike at napatingin siya kina Roland nang mabasa ang huling sinabi ng sumulat kay Ricky.   “Ano raw? Satsuki Momoi? Ano ito? Intsik?” tanong ni Roland at nagkatinginan ang tatlo. Habang si Ricky ay kasalukuyan nang nagbabasa ng isang libro mula sa kanyang bag. Narinig niya ang nakasulat doon, pero hindi pa rin siya interesado sa kung sino ang nagpadala noon. Nagbasa na lamang siya ng isang Education books na patungkol sa kanyang kurso.   “Uy! Ricky, pinakinggan mo ba ang pagbasa ko?” tanong ni Mike sa binata nang makitang busy ito sa ibang bagay.   “P’re, may girlfriend na ako. Siguro kung wala, baka nagkainteres pa ako sa sumulat niyan,” mahinang wika ng binata at napangiti naman si Andrei nang marinig iyon. Pagkatapos noon ay dumating na nga ang kanilang professor para sa una nilang klase.   *****   HAPON na at nagmadaling lumabas si Ricky mula sa loob ng classroom na pinagganapan ng kanilang huling klase. Nagpaalam na nga siya sa kanyang mga kaibigan at nagkangitian na lang sila. Napatingin na lang ang tatlo sa kanilang kaibigan na kung dati ay kasabay nila ito paglabas at paggala sa bayan bago umuwi sa kanilang bahay, pero ngayon ay iba na. May meeting ito sa kanilang varsity team at bilang isang player ay ayaw ni Ricky na mahuhuli sa oras na pinag-usapan nila.   Pagdating niya sa kanilang covered court ay napansin niyang may ilang mga estudyante sa palibot ang nakatambay pa at hindi pa umuuwi. May ilang mga grupo rin ng kalalakihan ang nasa isang tabi. Wala naman silang practice ngayon pero tila marami na nga talagang interesado sa team nila na mag-aaral dito. Dahil na rin sa pag-abot nila sa Final Four last year at isa na rin ay ang matunog na pagre-recruit ng kanilang team ng mga manlalaro para sa mga nagsipagtapos na nilang manlalaro noong isang taon. Matunog din ang paglipat ni Rommel Alfante sa paaralan at ang sinasabing dahilan nito ay ang sumali sa kanilang varsity team.   Nakita na nga niya ang pagdating ni Coach Erik na nakasuot ng kanilang P.E. uniform. Mabilis siyang lumapit dito at napangiti kaagad ito sa kanya.   “Ricky! Long time no see!” masayang wika ni Coach sa binata. Pinagmasdan niya rin ito at naalala niya ang kanyang mga napanood na laro nito sa inter-barangay. Kahit hindi siya nakakapunta sa mismong venue ay nanonood naman siya sa telebisyon habang ginagawa ang kanyang mga paper works na kailangan sa kanyang propesyon.   “Coach! Magandang hapon. Excited na akong maglaro sa CBL!” masayang wika naman ni Ricky at maya-maya pa ay nagdatingan na nga ang kanyang mga kasamahan sa Flamers. Kasabay noon ay ang dahan-dahang pagdami ng mga nakaabang na estudyante sa paligid ng kanilang court.   Si Coach Erik nga ay hindi akalaing ganito ang mangyayari sa hapong ito. Dati ay hindi naman ganito ang pagtanggap ng mga nag-aaral sa CISA sa kanilang koponan, pero iba na ngayon. Dahil sa magandang ipinakita nila noong nakaraang taon ay tila napukaw nito ang atensyon ng kanilang mga mag-aaral. Alam niya na ang mga kasaling paaralan sa CBL ay nagpapalakas din para sa pagpasok ng panibagong school year. Maraming hindi inaasahang pangyayari noong isang taon at isa na roon ay ang biglang paglakas ng kanilang koponan. Pero ang kanilang ace player na si Romero ay wala na sa team, at base sa napanood niyang laro ni Mendez sa huling liga nitong sinalihan...   “Nakita ko na ang papalit kay Macky Romero,” nakangiting winika ni Coach sa sarili habang nakatingin sa masayang si Ricky dahil sa pagdating mga kasamahan niya. Narinig din nga niya ang paglipat ni Rommel Alfante upang dito ipagpatuloy ang pag-aaral. Bahagya rin naman siyang nagulat doon, pero kung sasali ito sa kanyang team ay malugod niya itong tatanggapin. Isa rin sa nais niyang mangyari ay sana isa sa mga gustong mapasama sa Flamers ay may sipag at tyaga rin na kagaya ni Mendez. Wala sa kanyang problema kung hindi shooter o hindi flashy na manlalaro. Ang gusto niya ay mayroon itong kagustuhan maglaro ng sports na ito.   Ang team ay nag-usap-usap at sa harapan ng mga manonood ay inanunsyo nila ang magaganap na try-out para sa mga nais sumali sa team. Bukas na bukas din ay gaganapin ito. Hindi sinabi ni Coach Erik kung ilan ang kanyang kukuhanin, pero, posibleng tatlo ito.   “Para sa kapatid mo Reynan ang unang slot,” wika ni Erik sa sarili na napangiti sa masayang kwentuhan ng kanyang mga manlalaro matapos ang kanilang muling pagkikita.   Naglakad na nga si Ricky nang matapos iyon at nagmadali na siyang lumabas habang nagcha-chat kay Andrea. Subalit sa pagmamadali niyang iyon ay bumangga siya sa isang estudyante na hindi niya namalayang nasa harapan na pala niya sapagkat nakapokus siya sa pagtingin sa screen ng kanyang phone.   Para siyang bumangga sa isang pader. Ni hindi niya iyon napaatras, bagkus, ay siya ang napaatras at nang tingnan niya ito ay napalunok na lang si Ricky ng laway. Pamilyar sa kanya ito at parang nanliit siya nang oras na iyon dahil sa tangkad ng taong iyon.   Ang sama ng titig nito sa kanya habang nakapamulsa.   “Boss Jin!” bulalas naman ng dalawa pang mga lalaki na estudyante mula sa likuran ng nabangga niya. Kung titingnan ang dalawang iyon ay parang mas lalong kinabahan si Ricky dahil nakasukbit sa balikat ng dalawa ang kanilang mga polo shirt. Mga malalaki ang braso at napansin niya ang maliit na kumikinang na aritis ng dalawang iyon mula sa isa nilang mga tainga.   “S-sorry p’re,” nasambit ni Ricky. Ilang hakbang na lang siya sa para marating ang gate ng school pero heto pa ang nangyari. Hindi naman daw siguro siya mapapaaway rito, kaso, hindi talaga maganda ang tingin sa kanya ng nakabangga niya. Ang makapal nitong kilay ay magkasalubong at tinayuan lang siya nito at hindi umaalis sa pwesto.   “B-boss Jin! Si Ricky Mendez!” bulalas ng isa sa mga kasama ng 7-footer na lalaki at napangisi ang mga iyon habang nakatingin kay Mendez.   Lumunok na naman ng laway si Ricky at inihanda niya ang kanyang sarili. Bumwelo siya at pagkatapos ay mabilis na tumakbo para lumayo sa mga iyon. Kaso, ang bisig ng lalaki sa kanyang harapan ang pumigil sa kanya.   “S-saan ka pupunta?” Isang nakakatakot na boses ang maririnig mula sa bibig ng lalaki at si Ricky ay napakuyom na nga lang ng kamao nang akbayan siya nito na naging dahilan para mapatigil siya.   “S-sorry talaga p-pre. Hindi k-kita nakita... S-sorry,” ani Ricky at pagkatapos noon ay lumuwag ang pagkakaakbay sa kanya ng lalaking iyon.   “Ricky Mendez...” winika ng lalaki at ang sunod na sinabi nito ay sandaling nagpahinto sa pagnanais ni Ricky na takasan ang mga ito.   “Ano ba ang dapat kong gawin para mapasali ako sa varsity team ninyo? Hindi ako marunong maglaro, at ito ang unang beses kong susubukan ito...”   “Gusto kong maging basketball player para makilala ako ng babaeng gusto kong pormahan!”   Pagkasabi noon ng lalaki ay ang pagngiti ng mga kasamahan nito na parang nalungkot sa kagustuhan ng kanilang tinatawag na Boss Jin. Kilala nila ang kanilang pinuno na palaging nire-reject ng babae. Maraming beses na itong nanligaw at ni isa sa mga iyon ay hindi siya nagustuhan. Siguro, dahil sa nakakatakot nitong itsura. Pwedeng dahil siguro sa makapal nitong kilay? O baka dahil sa hindi makinis nitong mukha. O baka dahil sa makapal nitong labi? Hanggang sa nitong huli, bago magpasukan sa CISA... Isang babae ang nakita niya nang hindi inaasahan at kanyang narinig na ang gusto nitong maging boyfriend ay isang, basketball player.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD