bc

Kinben III

book_age16+
1.8K
FOLLOW
35.0K
READ
student
comedy
twisted
sweet
serious
kicking
ambitious
captain
realistic earth
school
like
intro-logo
Blurb

Please read Book 1 and 2 before opening this book.

*****

CISA basketball team will be back in action in the collegiate league, not as a winless team, but as a strong contender for the championship trophy this year. Ricky will also be facing different consequences in this book, and it will affect his willingness to play the sports that he loved the most; Basketball.

chap-preview
Free preview
Unang Basket
SA KANYANG paglakad sa tapat ng basketball court na malapit sa kanyang bahay ay naririnig na niya ang tunog mula sa pagtalbog ng bola na nagmumula sa loob noon. Nakasuot siya ng plain black shirt at pants nang sandaling iyon. Nakasuot din sa kanya ang school ID niya at ito na muli ang unang araw ng pasukan para kay Ricky Mendez. Ikatlong taon niya na rin ito sa CISA at isa siyang future educator.   Pero sinong mag-aakala na ang lalaking ito na tatawaging sir ng kanyang mga estudyante sa hinaharap ay isang magaling palang basketball player.   Sa paglampas nga ni Ricky sa court ay narinig kaagad niya ang tawag mula sa mga maagang naglalaro roon at hindi naman siya nag-alinlangan na lingunin ang mga iyon. Isang ngiti ang bumungad sa labi niya sa pagtingin sa ilang mga tambay at mga matatanda na naglalaro roon nang ganitong oras.   “Ingat sa pagpasok lodi Mendez!” bulalas ng mga naroon at sandaling huminto si Ricky. Naroon nga rin si Manong Eddie at katabi nito si Kuya Kaloy na nakasuot ng tsaleko nitong asul na ginagamit sa pamamasada bilang isang tricycle driver.   “Ricky boy! Pasukan na naman pala, ingat ka sa pagpasok,” wika ni Manong Eddie. Si Kuya Kaloy naman ni Ricky ay mabilis na lumakad papunta sa tricycle nitong nakaparada sa tabi ng court.   “Kanina pa kitang hinihintay, sa akin ka na sumakay Ricky!” masigla naman nitong winika na mabilis na umupo sa kanyang sasakyan matapos buhayin ang makina nito. Natawa na nga lang si Ricky nang marinig iyon at agad din naman siyang sumakay sa loob noon.   Bago pa man umalis ang tricycle ay may isa pang pasaherong humabol nang sandaling iyon. Mula sa loob ng court ay mabilis na humangos ng lakad papunta sa sasakyan ang dalagang si Mei na nakasuot ng isang simpleng blouse na pink at black pants. Nakasuot din ito ng ID sa kanyang pinapasukan at sa Minscat iyon.   “Kuya Kaloy! Pa-wait!” ani ng dalaga at isang ngiti naman mula sa drayber ang isinagot nito sa kanya.   “Ayos, dalawa ang buena mano ko,” nakangiting wika ni Kaloy na dahan-dahan nang pinaandar ang pampasaherong tricycle papunta sa bayan. Bumusina pa nga ito sa tapat ni Manong Eddie bago tuluyang pumasok sa mismong kalsada.   Humalimuyak naman sa loob ng tricycle ang mabangong amoy ng dalaga at si Ricky ay nagulat sa pag-upo ni Mei sa tabi niya. Napaisod siya ng upo at ang mga braso nila ay sandaling naglapat kaya mabilis na lumayo ang binata mula rito.   “Hi! Nandito ka rin pala Ricky!” bati ni Mei na nakangiti at mas nagpa-cute dito.   “Kaya nga. Pasukan na naman,” ani naman ni Ricky na sandaling tumingin sa kanyang orasan sa kaliwang braso niya.   “CBL na uli, goodluck sa team mo,” wika ng dalaga na tumingin na lamang sa labas habang umaandar ang kanilang sinasakyan. Alam niyang may girlfriend na si Ricky at ang pagka-crush niya rito ay hanggang doon na lamang. Siguro raw ay dapat na lang niyang i-entertain ang mga nanliligaw sa kanya sa pinapasukan niya. Ngumiti na lang siya at inisip na isa itong magandang panimula ng pasukan, ang makasabay sa loob ng tricycle ang kanyang hinahangaang binata.   “Salamat,” sagot naman ni Ricky na may ka-chat sa phone nang sandaling iyon. Si Andrea iyon na sinabing nasa CU na nang mga oras na iyon.   Nakarating na si Ricky sa CISA at sa pagpasok pa lang niya sa gate ng paaralan ay pinagtitinginan kaagad siya ng mga estudyanteng pumapasok doon. Lalo na nga ang mga freshmen. Parang hindi tuloy siya mapalagay sa ganitong pangyayari sa kanya. Hindi niya akalain na iba na ang mararanasan niya sa unang araw ng pasukan kumpara noong nakaraang taon.   Walang nakakapansin sa kanya noon. Lalong dire-diretso lang siya palagi sa pagpunta sa una niyang subject kung saan ay sigurado siyang nag-aabang ang tatlo niyang makukulit na kaibigang sina Mike, Roland at Andrei. Ni minsan nga ay hindi siya aabot sa ganitong senaryo. Napakalaki ng nagbago mula nang araw na tinamaan siya ng bola sa mukha noong isang taon.   Dumaan na nga siya sa tapat ng court ng school. Isang basketbolan na hindi tulad ng sa mga malalaking kolehiyo sa Calapan na may dingding at may mga mauupuan. Bahagya pa nga siyang nagulat dahil, alas-syete pa lang ay may mga naroon na kaagad. Marami-rami na ring mga estudyante ang nakapalibot sa lugar na iyon. Dati nga ay si Macky Romero ang humahakot ng mga kababaihang nag-aaral sa paaralan, siguro naman daw ngayon ay wala nang ganoon. Naisipan nga muna niyang sumilip kung sino ba ang naroon. Mula rin sa isang bakanteng espasyo ay doon na siya dumiretso sa court at sa pagpasok niya ay lahat ng mga mata ay kaagad na napatingin sa kanya.   “Si Ricky Mendez! Siya ang inaabangan ko!” bulalas ng isang grupo ng mga kalalakihang mga second years. Sa kabilang panig naman ay may isa ring grupo na kumakaway sa kanya.   “Napanood ka namin sa inter-barangay! Ang galing mo lodi!” Mga fourth years iyon kung hindi siya nagkakamali at sa likuran naman niya ay may ilang mahinang tili ang kanyang narinig. Kinabahan agad siya at napaisip dahil baka ito na iyong naramdaman ni Romero noon, ang tilian ng mga babaeng fans.   Huminga si Ricky nang malalim at kumalma.   “Nandiyan na si Captain Kier! Ang pogi niya! Naka-clean cut siya!” sinabi iyon ng mga babaeng nagtititili mula sa kanyang likuran. Si Ricky ay napangiti na nga lang nang pilit dahil nang oras na iyon, ay naging isa siyang malaking asyumero. Sa loob ng court ay naroon na kaagad sina Troy Martinez at Rodel Zalameda. May ilang estudyante rin doon ang nakikisambot sa bola at tumitira paminsan-minsan. Tila ba interesado ang mga ito na mapasali sa koponan dahil ang ilan dito ay nakasuot pa ng jersey. Makikita nga rin doon ang isang matangkad na lalaking mas mataas pa kay Rodel. Napaseryoso nga ng tingin si Ricky roon at kinabahan dahil ang sama ng titig nito sa kanya.   Magkasalubong ang makapal na kilay ng lalaking iyon na naka-military cut. Kung susukatin ang taas nito ay sa tantiya ng binata ay nasa 7 footer ito. Pero ang ikinalunok ng laway ni Ricky ay ang titig nito sa kanya. Makikita rin na medyo marami itong taghiyawat at bahagyang makapal ang labi. Pero hindi iyon pinansin ni Ricky bagkus ay napansin niyang halos kasing katawan na rin ito ni Zalameda. Mas matangkad nga lang ito kumpara roon at ang kamay nitong nakahawak sa bola, parang nanliit iyon dahil sa lapad ng palad nito.   Lumapit na si Ricky sa kanyang mga kakampi at si Kier ay tiningnan siya nang seryoso sandali bago batiin.   “Kumusta Mendez?” tanong ni Kier na ibinaba sa gilid ang dala niyang bag at hiningi mula sa isang nasa loob ang bola. Mula nga sa pwesto niya ay isang mabilis na pasa ang kanyang ibinato sa direksyon ni Ricky.   Si Mendez ay nabigla na lang dahil gusto niya iyong sambutin kaso, napansin niyang hindi iyon para sa kanya.   Lumampas sa binata ang bola at isang lalaking nasa likuran niya ang sumalo noon. Umalingawngaw ang pagsambot nito sa paligid at ang mga nasa paligid ay nagulat nang makilala kung sino iyon. Kilala nila kung sino ito, at hindi sila maaaring magkamali sa pangalan nito.   Isang magaling na manlalaro rin ito sa CBL. Ang bola ay pinatalbog nito at nang lingunin ito ni Ricky ay parang nabigla siya nang makilala ito.   “Masaya ba talagang maging kakampi ang isang player na kagaya mo... Ricky Mendez?” tanong ng lalaking iyon na mula sa pwesto nito ay pinakawalan mula sa mga kamay niya ang bola. Umarko iyon patungo sa basket at ang labi ni Mendez ay pasimpleng ngumiti.   “K-kung ganoon... D-dito ka na papasok?”   “Rommel Alfante?”   Ang basket ay nahalit sa pagpasok ng tira ng lalaking iyon. Kasunod noon ay ang sandaling pagpasok ng hindi kalakasang hangin sa loob ng maliit na court ng CISA. Napakuyom nga si Ricky ng kamao nang oras na iyon at naramdaman niya ang atmospera ng sports na gustong-gusto niya.   “Pasukan na nga... Simula na muli ng pag-aaral ko... at ng paglalaro ko ng basketball na gusto nating lahat!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
63.0K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.2K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.2K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
177.1K
bc

A Trillionaire in Disguise

read
12.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook