CHAPTER NINE

1627 Words
Galit na kinalas Ni Kharvin Ang mahigpit na mga braso ni Arriana na nakayakap sa kanya. " K- Kharvin..why?? Hindi mo ba nagustohan na virgin Ako at Ikaw Ang nauna?" Malambing pang tanong ni Arriana sa binata. " Ayoko nang mauulit pa ito Arriana sobrang nakonsensya Ako sa nangyari sa atin ngayon. At sana tumupad ka sa usapan na huwag mo na akong kukulitin! naiintindihan mo??" Nanlilisik Ang mga mata ni Kharvin sa Galit. Galit Siya dahil sa isiping tinraydor ni Arriana Ang ate nito habang ito'y nasa ICU na patuloy paring lumalaban sa coma na nangyari dito. At pati Siya ay nagkakasala na rin sa ate nito. Pati Siya ay na guilty na rin dahil sa nangyari sa kanila ni Arriana. Kahit sabihin pang parang Wala ng pag-asang magising ito dahil Running six years na nga ito sa ICU. Umiiyak si Arriana habang nakatingin Kay Kharvin. Ginawa na niya Ang lahat pero talagang Napakahirap paibigin ni Kharvin. Habang isinuot ni Arriana Ang kanyang damit ay patuloy Ang kanyang pag- iiyak. Nakikita Kasi nito ang Galit at nanlilisik na mga matang nakatingin sa kanya si Kharvin. **** Mula noon ay parang Natakot si Arriana sa binata. Ang ginawa nalang nito ay laging iniisip Ang nangyari rito at ni Kharvin. Ramdam na ramdam niya Ang sarap sa piling nito. Ang galing Pala nito sa kama. Ngunit nang parang matauhan ito ay nagalit ito Kay Arriana. Nakita at nabasa ni Arriana sa itsura nito na na guilty ito sa nangyari at nakonsensya sa panloloko Kay Alexa. Dumalaw si Kharvin sa Hospital Kay Alexa at sa pagkakataong iyon ay umiiyak Ang binata habang hinawakan Ang Isang kamay Ng kasintahan. " S- sorry.. I'm so sorry.. h- hindi ko napigilan Ang tentasyon. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang Akong nawala sa sarili at dinala sa motel Ang Kapatid mo. Alexa, niloko kita.. may nangyari sa amin ni Arriana.. at.. at Ako pa Ang unang nakagalaw sa kanya. Ako Ang naka virgin sa Kapatid mo. Sh*t!! Hindi ko na alam kung Anong gagawin ko.. sweet Alexa. Mahal na mahal kita. . patawad." Hindi na napigilan ni Kharvin Ang tuloy- tuloy na pag- iiyak dahil sobrang na guilty ito sa pagpatol nito Kay Arriana. *** Lumipas Ang dalawang buwan Mula nang may mangyari kina Arriana at Kharvin. May napansin Ang mga magulang nina Alexa at Arriana sa biglang pagbabago Ng katawan ni Arriana at nagtataka pa Sila dahil sa lakas Kumain ng anak nila ng Manggang hilaw. Isang Umaga ay handa na Ang kanilang almusal. At dumulog na si Mrs. ofelia Sanchez upang Maagang Kumain at pupunta na sa hospital. Naroon na rin ang ama nina Alexa na si Mr. Damian. Maaga rin lagi itong magising at naghanda para sa Office nito. Si Mrs. Ofelia naman ay kailangan niyang palitan muna ang nagbabantay roon sa hospital kay alexa na katulong nila dahil may balak pa itong umuwi sa probinsiya dahil sa pagkakasakit din daw Ng nanay nito. Paparating na rin si Arriana sa mesa upang dumulog na rin sana ngunit nang makita nito ang nilutong nilagang baka na nakahain ay bigla itong tila maduduwal at nagtatakbo pa Cr. Natigilan Ang mag-asawang Sanchez sa nakita nilang iyon sa kanilang anak na si Arriana at nagkatinginan ang mag-asawa na may Pagdududa sa mga mata. " Ofelia, sundan mo Ang anak mo at kakausapin Siya!" Galit Ang mukhang wika at utos ni Mr. Damian Sanchez sa Asawa. Agad namang tumalima si Mrs. Ofelia na sundan Ang anak na si Arriana. Grabe Ang pagduduwal ni Arriana sa Cr nang maabutan ito ni Ofelia. " Arriana?? What happened to you? Are you preggy? Tell me!" Nagbabanta Ang malaking Galit na tanong ni Ofelia sa anak. Namutla Naman si Arriana nang malamang sinundan Pala Siya Ng Mommy nila. Ang pansin Kasi ni Arriana noong nakaraang linggo pa ay Hindi na siya dinalaw Ng kanyang Menstruation kaya pati siya ay nagdududang buntis siya at Ang ginawa niya ay bumili siya Ng PT kaya namangha Siya nang malamang positive na siya'y buntis talaga! At Wala nang ibang ama niyon kundi si Kharvin! "Ano?? Arriana? Bakit di ka makasagot ha? Buntis kaba!?" Galit na muling Tanong ni Ofelia sa anak. " Y- yes mommy.." Humahagulhol na Sagot ni Arriana. Nanlaki Ang mga mata ni Mrs. Ofelia Sanchez sa narinig na sagot ng bunsong anak. " What!!?? Sino ang ama ng binuntis mo?? Sino!? kailangan ka niyang pakasalan!!" Galit na galit at malakas na Ang boses na Singhal ni Ofelia. At dahil doon ay narinig Naman Sila ni Mr. Damian Sanchez kaya lumapit Naman ito sa Aswang at bunsong anak. " Sagutin mo agad ang tanong Sayo Arriana! sino ang ama Ng binuntis mo!?" Wika ni Mr. Damian Sanchez na inulit Ang Tanong na iyon ng asawa sa kanilang anak. " D- Daddy.." Nanginginig na sambit ni Arriana. " Sabihin mo agad!!! dahil kailangan ka niyang pakasalan bago mo isisilang Ang batang iyan! mapapahiya Ako dahil madudungisan Ang pangalan Ng pamilya natin kapag hindi ka mapapakasalan ng lalaking nakabuntis Sayo!" Parang naha- high-blood na wika ni Mr. Damian. " Daddy , mommy.. I'm so sorry.. pero alam kong mas magalit kayo kung Malaman niyo kung sino ang ama nito . " Umiiyak na Sagot ni Arriana at takot na takot ito sa Ama. "What!?? bakit , sino ang ama ng batang dinadala mo??" Naningkit Ang mga matang tanong ni Damian sa anak. " Bakit Arriana?? sino ang ama ng binuntis mo??" Kinabahang Tanong ni Mrs. Ofelia. " DAddy, mommy, S- si Kharvin Ang ama ng binuntis ko.. sorry!!!!" Humahagulhol na wika ni Arriana. Shocked Ang mga magulang ni Arriana at Alexa dahil sa narinig. Kapwa namilog Ang mga mata Ng mga ito sa Sagot Ng bunsong anak. Isang malakas na sampal Ang dumapo sa pisngi ni Arriana galing sa ama. " Mga taksil kayo sa Kapatid mo!!" Malakas Ang boses na asik ni Mr. Sanchez sa bunsong anak. " Arriana!! bakit nagawa niyo ito Kay ate Alexa mo!? Bakit!? dahil ba ay Hindi na Siya Nagising kaya ginawa niyo nalang Ang panloloko niyo sa kaawa- awa mong kapatid!?" Pati si Mrs. Ofelia ay nagimbal sa katotohanang si Kharvin Pala Ang ama Ng binuntis ni Arriana. " Kailangan Kong makausap ngayon din si Kharvin!! Wala na Tayong magagawa pa ofelia, buntis na si Arriana at si Kharvin Ang ama kaya dapat ay pakakasalan niya si Arriana!!" Namumula Ang mukhang wika ni Damian. " But Damian! Si Alexa, paano na lang kung sakaling magising si Alexa!? Ano nalang ang mangyayari??" Hindi sang- ayon na wika ni Ofelia. " Pero Ofelia, buntis na si Arriana!. At isa pa, nawalan na tayo ng pag-asa na magising pa si Alexa. Wala na tayong magagawa, kailangang panagutan ni Kharvin si Arriana dahil buntis ito at siya ang ama!" Matigas na wika ni Mr Damian Sanchez. Parang nanlumo si Ofelia. Para bang ito Ang nasaktan sa nangyari sa kanyang panganay na anak. Mag six years na nga itong coma at heto pa ngayon Ang nangyari. Pero Tama din Ang Asawa na Wala na silang magagawa dahil buntis na si Arriana sa anak nito at ni Kharvin. Di mapigilan ni Mrs. Ofelia na Magalit sa Anak na si Arriana at Kay Kharvin kung bakit nagawa Ng mga itong lokohin si Alexa. Dahil sa pagdadalantao ni Arriana ay pinatawag nga ni Mr. Damian si Kharvin at nagulat pa Ang binata nang bigla nalang itong suntukin ni Mr. Damian. " T-tito, bakit?" Maang na tanong ni Kharvin habang gulat na napahawak sa pisnging nasuntok Ng Ama Nina Arriana at Alexa. Parang muling na high blood Si Mr. Damian Sanchez nang makaharap na Ang binatang kasintahan Ng kanyang na coma na anak. Kaya di nito napigilang masuntok Ang binata. Dagdagan pa sana ni Mr. Damian Ng Isang suntok si Kharvin ngunit napasigaw si Arriana habang umiiyak at sabay humarang. " Daddy!! Tama na. Ako Naman Kasi ang nagpupumilit Kay Kharvin eh, kaya huwag mo na siyang saktan!" Umiiyak na parang ni Arriana. " Tama na Damian, Sabihin mo nalang Kay Kharvin kung Ano Ang problemang pinasok nila ni Arriana!" Sabi pa ni Mrs. Ofelia. " Bakit?? A- Anong problema?" Na guilty na tanong Ng binata dahil nahinuha niyang Alam na Ng mga magulang nina Alexa at Arriana na may nangyari sa kanila ni Arriana. " Kharvin! kailangang panagutan mo si Arriana dahil buntis siya sa anak niyo!" Nanlilisik parin Ang mga matang wika ni Mr. Damian Sanchez. Nayanig si Kharvin sa narinig na buntis si Arriana. " W- what?? no.. hindi totoo yan!" Napailing-iling sa Sagot ni Kharvin. " Kharvin, buntis Ako. Nabuntis Ako sa Isang beses na may nangyari sa atin..".Patuloy na iyak at Sabi ni Arriana. " Bakit nagawa niyong lokohin si Alexa Kharvin !?ni hindi kayo naawa sa kanya. Hanggang ngayon sa mahigit na limang taon na comatose niya ay patuloy na lumalaban parin siya ngayon.. pero nakakalungkot dahil nagawa niyo siyang lokohin sa kanila Ng kanyang kalagayan, kayo ni Arriana! pero Wala na kaming magagawa pa At kailangan mong panagutan si Arriana Kharvin!!" Mahabang wika ni Ofelia. Tumulo Ang mga luha ni Kharvin. " I'm so sorry.. tita. Naging marupok Ako!" Parang biglang tumamlay na wika ni Kharvin. " At sa ayaw at sa gusto mo Kharvin ay kailangan mong pakasalan agad si Arriana!" Muling Saad ni Mr. Damian Sanchez. " O- okay.. Wala na akong magagawa. . nangyari na 'to." Malungkot na tugon Ng binata. At na flash Bigla sa isipan nito ang kalagayan ni Alexa sa Hospital. Hindi naiwasang tumulong muli Ang luha ni Kharvin dahil sa labis na konsensya niya para sa kanyang Kasintahang na coma. Kahit pa sabihing parang Wala Ng pag- asang magising ito pero nakokonsensya talaga Ang binata para sa kanyang Kasintahan. Mahal na mahal niya si Alexa at Hindi na iyon magbabago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD