At dahil sa tagal ngang dumating ng Bride na si Alexa ay di na rin napigilan ng mga magulang nina Kharvin at Sheena na lumapit sa kanila upang magtanong.
" Bakit natagalan Ang bride mo iho? " Tanong ng mommy nina Kharvin at Sheena na si Mrs. Melinda Torres.
" Dapat ay nandito na Siya dahil five minutes nalang ay 9:00 am na at magsisimula na Ang kasal." Wika na rin Ng Daddy Nina Kharvin.
At Ang mga magulang Naman nina Alexa ay nag- aalala na rin Ang mga ito. Hindi na rin mapakali si Mrs. Ofelia kung bakit di pa dumating Ang kanyang anak na ikakasal Ng Araw na iyon. At napansin din nilang Hindi pa rin dumating si Arriana. Kinuha ni Mrs. Ofelia Sanchez Ang kanyang cellphone upang tawagan niya sana si Alexa subalit Biglang may naunang tumawag sa kanya. Tiningnan iyon nito kung sino at nagtaka ito na number ni Arriana Ang naka register na tumawag rito.
Mabilis iyong sinagot agad ni Ofelia Ang tawag ng Isang anak.
" Oh yes Anak Arriana? bakit ba Ang tagal niyo ng ate mo? alam Kong magkasunod lang kayo. Malapit na Ang time at magsimula na Ang kasal ." Wika ni Mrs. Ofelia sa bunsong anak sa kabilang linya.
Ngunit nagtaka si Ofelia nang biglang umiyak Ng malakas sa kabilang linya Ang bunso nilang anak.
" Arriana??? why? " Kinabahang Tanong ni Mrs. Ofelia Sanchez.
Namilog Ang mga mata ni ofelia nang marinig niya ang kasunod na sinabi ng kanilang anak na si Arriana. Namumutla Siya at nanginginig Ang mga kamay at agad nabitawan Niya Ang cellphone na hawak. Nang Makita ni Mr. Damian Sanchez Ang reaksyon Ng Asawa ay mabilis itong lumapit at agad na hinawakan at inalalayan Ang asawa.
" Ofelia, bakit? Anong nangyari? sino ang tumawag??" kinabahang Tanong rin ni Mr. Damian Sanchez.
At si rin napigilang lumapit si Kharvin at Ang buong pamilya nito kung Ano Ang nangyari st kung bakit ganoon Ang reaksyon ni Mrs. Sanchez.
Nagtaka Ang lahat na naroon pati na Ang mga bisitang dumalo sa church nang biglang umiyak Ng malakas si Mrs. Ofelia Sanchez dahil sa masamang balitang natanggap nito mula sa anak na si Arriana.
" Damian!!!" Malakas na iyak ni Mrs. Ofelia.
Hindi rin maipaliwanag ni Kharvin Ang kabang naramdaman Ng mga sandaling iyon dahil natitiyak nitong Isang masamang balita Ang natanggap Ng mommy ni Alexa.
" Why tita Ofelia? Ano ba Ang nangyari?" pigil hiningang Tanong ni Kharvin at kahit si Sheena ay kinabahan na rin ng mga sandaling iyon.
Ang mga magulang Naman ni Kharvin ay naghihintay sa kasagutan ni Ofelia.
" Bilisan natin Damian ! At Kharvin! may masamang nangyari Kay Alexa!! kaya Hindi pa Siya dumating dahil may nangyari sa kanya!!" Malakas na wika ni Mrs. ofelia na ikinagulat ng lahat Lalo na si Kharvin.
" No! that's not true!!" Sigaw na sambit ni Kharvin.
" Ofelia Ano bang mga pinagsasabi mo??" Parang Galit na tanong pa ni Mr. Damian Sanchez.
" Jusko!! Si Alexa.. nadisgrasya Ang sasakyan niya! at ni rescue at dinala na Siya ngayon ng ambulansya sa hospital!!! Jusko!! Damian!! Kharvin, dinala si Alexa ngayon sa hospital!! kaya bilisan natin, Ang anak ko! Ang anak ko!" Parang mababaliw na wika ni Mrs. Ofelia Sanchez.
Parang binagsakan Ng langit at Lupa si Kharvin sa narinig. Hindi na matutuloy Ang kasal nila ngayon ni Alexa dahil sa nangyari rito. Awang - awa Ang mga bisitang naroroon sa pamilya ni Alexa at Lalo na sa groom. Hindi nakarating Ang bride nito dahil sa nangyari rito.
Parang nakalutang si Kharvin sa hangin Ng mga sandaling iyon habang Wala na siyang pakialam na tumakbo palabas Ng simbahan at tinungo Ang kotse upang puntahan agad si Alexa kung saang ospital ito ngayon dinala. Nakasunod naman sa binata Ang mga magulang ni Alexa at pati na Ang Kapatid nitong si Sheena at Ang mga magulang din nina Kharvin.
Si Arriana Ang nakapagturo sa kanila at muling tumawag kung saang hospital dinala si Alexa. Isang private hospital iyon. Ayun pa Kay Arriana ay nakasunod lang daw Ang kotse nito sa bridal car na sinakyan Ng ate Alexa nito. Kaya nasaksihan nito ang mga pangyayari. Malakas na Sumalpok daw Ang sinakyan nina Alexa sa Isang Bus. At Ayun sa mga police agad na nag- imbistiga ay wala daw'ng preno Ang sasakyan Nina alexa kung kaya't nadisgrasya ang mga ito. Dead on Arrival Naman Ang Driver ni Alexa. At si Alexa Naman ay fifty- fifty Ang kalagayan nito kung mabuhay ba ito o hindi na.
Pagdating nila lahat sa private hospital ay inasikaso na ng mga Doctor si Alexa. Hindi umuwi si Kharvin hangga't hindi nalalaman kung Ano na Ang takbo Ng pag- aasikaso Ng mga Doctor sa kalagayan Ng babaeng mahal. Pati na Ang mga magulang ni Alexa ay Hindi mapakali kung Ano na Ang kalagayan Ng kanilang anak. Si Arriana Naman ay kinabahan.
Sa isip nito ay sana ay malinis Ang pagkakagawa Ng kanyang inutusan. Hindi parin siya makapaniwala na kaya niyang gumawa Ng ganoong kasamà na balak at sa kanyang ate pa niya iyon ginawa. Pero pinagawa na nga niya Ang kasamaan niyang binabalak kaya Wala nang atrasan at sana ay tuloyang mawala na Ang kanyang ate at di na ito maka recover sa sitwasyon nito ngayon.
" Good bye ate.. sorry, pero kailangan ko rin Kasi sa Lugar mo." Aniya sa sarili na mukhang nabaliw.
At kung Wala na talaga Ang kanyang ate ay Saka na Siya magsisi at humingi Ng tawad sa itaas. At Hindi na Siya gagawa pa Ng masama, yun lang. At Ang susunod na mangyari ay mapupunta na sa kanya si Kharvin dahil wala na Ang kanyang ate Alexa. At siya nalang ang pagtuonan ng pansin Ng kanyang mga magulang.
Halos di matanggap ni Kharvin Ang lahat na nangyari Kay Alexa. Dahil sa kalagayan nito ay nasa ICU ito ngayon at lumalaban ito upang mabuhay.
" Sweet Alexa, mahal ko. lumaban ka. . huwag mo aKong iiwan." Umiiyak na dasal ni Kharvin.
Akala nilang dalawa nito ay malapit na silang maging ganap na lumigaya pagkatapos Ng
kanilang kasal pero ito Ang nangyari.
" Panginoon, buhayin mo pa ang babaeng mahal ko..Huwag mo siyang tuloyang kunin sa akin lord please." Dagdag na Sabi ni Kharvin.
" Kharvin, Sana ay makaligtas Ang anak ko.. sana ay makaligtas Siya sa kanyang kalagayan. Bakit ba Kasi nangyari to sa anak namin .. bakit sa Dinami-rami ng tao sa Mundo, bakit Ang anak pa namin? Marami namang makasalanan diyan, Marami namang mas deserve sa kalagayan ngayon ng aking anak. Bakit Kay Alexa pa ito nangyari? sobrang saklap Ng nangyari dahil sa Mismong araw pa sana Ng kasal niyo nangyari ito sa kanya.." Patuloy na umiiyak na wika ni Mrs. Ofelia Sanchez.
Walang tigil Ang pag- iyak nito simula pa kanina.
****
Sobrang sakit Ang nangyari Kay Alexa. Naagapan Naman ito Ng mga Doctor. Buhay ito subalit Ang nakakalungkot lamang ay Comatose ito dahil sa pinsalang natamo nito sa ulo. Kapag walang duty si Kharvin ay ito MISMO ang nagbabantay Kay Alexa sa hospital.
Tumulo ang mga luha ni Kharvin habang pinagmasdan Ang kasintahan na patuloy na lumalaban sa Under ICU at patuloy na pagcomatose nito. Mga Isang buwan na itong comatose. At Ang nakakalungkot ay Ayun ng mga Doctor na nag- aalaga nito ay prayer na lamang daw Ang mas higit na kakailnganin ngayon ni Alexa dahil Hindi nila alam Kung makakarecover pa ito sa Comatose na nangyari rito.
Umiiyak na hinawakan ni Kharvin Ang Isang kamay ni Alexa at kinakausap ito at Nagmamakaawa.
" Alexa, napakasakit para sa akin na nangyari ito sa atin. Lagi Akong nagdarasal na sana ay bumalik kana , na sana ay magising kana.. hinihintay kita mahal ko." Sabi ni Kharvin.
Minsan din ay dumadalaw din si Sheena sa Hospital Kay Alexa. Pati ito ay laging nagdarasal na sanay makalaban si Alexa sa Comatose na nangyari rito.
Lagi din nagpupunta si Arriana sa hospital para pa as if na sobrang nalulungkot din ito sa nangyari sa ate Alexa nito. Minsan pa nga ay magkasama pa Sila ni Kharvin na nagbabantay Kay Alexa sa hospital.
*****
Akala ng mga magulang ni Alexa na maka recover si Alexa sa Comatose at Lalo na si Kharvin subalit dumaan nalang Ang mga buwan ay patuloy itong nanatili sa ICU at patuloy itong Hindi nagising sa coma na nangyari rito. Malaki na Ang gastos Ng pamilya ni Alexa at pati na Ang pamilya ni Kharvin at mismo si Kharvin dahil sa kalagayan ni Alexa. ngunit Hindi parin ito nagising sa Comatose nito. Subalit Hindi nawalan Ng pag-asa si Kharvin na muling magising Ang babaeng mahal niya upang maipagpatuloy nila Ang kanilang naudlot na kasal.
"Kharvin iho, Hanggang kailan ganito Ang lahat? Hanggang saan hahamtong Ang nangyaring ito sa anak namin? " Wika ni Mrs. Ofelia sa binata.
Parang ubos na Ang luha nito at Wala na itong mailuluha dahil sa nangyari sa anak na si Alexa.
" Hindi parin Ako nawalan ng pag-asa tita kahit mag one year na si Alexa sa kanyang comatose. Patuloy ko paring ipinagdasal na magising Siya Isang Araw.." Tumulo na Naman Ang luhang Sagot ni Kharvin.
" Ganoon din kami Kuya Kharvin, Hindi parin Kami nawalan Ng pag-asa na magising Si ate.." Sabad pa ni Arriana.
Kasama ito ni Mrs. Ofelia na nagbantay sa hospital Ng mga sandaling iyon. Hindi sumagot si Kharvin. At nakatuon lang Ang pansin Ng binata sa natutulog na si Alexa.