Muling Namang nagka bonding Ang mag bestfriend na Alexa at Sheena. Simula Kasing naging magkasintahan sina Alexa at Ang Kapatid nitong si Kharvin ay bihira nalang Ang mga itong magkabonding dahil Ang kuya Kharvin na Ng kanyang kaibigan Ang lagi niyang Kasama at okay lang din Naman si Sheena dahil nag-enjoy na rin ito sa Bagong boyfriend nito.
" Kumusta na kayo ni kuya Kharvin besh??" Tanong ni Sheena sa kanya.
" Okay lang kami besh. Napaka swerte ko Sa kuya mo.. pareho naming mahal na mahal Ang isa't- isa at balak namin na kapag makagradute na Tayo ay agad kaming magpapakasal. " Sagot niya rito.
" Wow, sana mapadali na yan besh. Gusto Kong kayo na talaga ni Kuya baka Kasi maghanap ka Ng iba at ipagpalit mo ang Kapatid ko Sa iba, kawawa Naman.. sobrang seryoso niya Sayo at mahal na mahal ka ng Kuya Kharvin ko." Sabi pa nito na ikinapanlaki Ng kanyang mga mata.
" What?? hindi Yan mangyari beshie, Hindi na Ako maghahanap pa Ng iba dahil naisuko ko na lahat sa kapatid mo ang nasa akin.. kaya bakit pa ba Ako maghahanap Ng iba? kung saan Ako nadapa doon Ako babangon. At Malaki Ang tiwala namin sa isa't isa." Sabi niya rito.
Umaliwalas Naman ang Mukha ni Sheena sa kanyang mga sinasabi.
" Wow, talaga?? Grabe naman.. umaapaw na pagmamahal sa isa't isa." Matamis na wika ni Sheena at halatang natuwa ito para sa kanilang dalawa ni Kharvin.
Samantalang si Arriana Naman ay parang di na makatiis sa sobrang inis nito Kay kharvin. Ilang ulit na kasi nitong pinapakitaan Ng motibo ni Arriana subalit Hindi ito pinapatulan ni Kharvin. At Ang mga ginawang pang- aakit ni Arriana ay Hindi iyon ipinaalam ni Kharvin Kay Alexa dahil umiiwas lang si kharyna baka kung Anong masamang iisipin ni Alexa kaya nanatiling Hindi talaga alam ni Alexa Ang mga ginawang pang- aakit ni Arriana sa boyfriend nito.
" Oh, bakit mo ba Ako gustong kausapin?" Tanong pa ni Yanny na kdibigan ni Arriana.
Sinadyang niyaya talaga ni Arriana Ang kaibigan nitong si Yanny na Kumain sa labas upang makakausap niyo Ang kaibigan at Kababata.
" Malaki Kasi Ang problema ko Yanny. Nainis na talaga Ako sa sitwasyon ko eh. " Sabi pa ni Arriana rito.
" At bakit Naman?" Tanong din ni Yanny rito.
" Yanny, sabihin mo nang nababaliw na siguro Ako pero.. Hindi ko Kasi sinasadyang magkagusto Ako Ng ganito ka tindi sa Boy friend ng ate ko." Sabi pa ni Arriana na ikinagulat ni Yanny.
" Oh my goodness!! Are you out of your mind? Sa Dami Ng lalaki ay Ang boy friend pa Ng ate mo ang gusto mo? Magpakatino ka nga Arriana.. Ang bait pa Naman Ng ate Alexa mo at mahal na mahal ka pa tapos ganyan ka lang." Pairap na sabi ni Yanny Kay Arriana.
" Hoy, best friend ba kita o Hindi??" Galit na wika ni Arriana sa kaibigan.
" Syempre, best friend mo Ako kaya pinagsabihan kita." Sagot ni Yanny.
" Alam mo Yanny, Hindi mo lang Kasi Ako naiintindihan eh. Palagi nalang kasing Bida si Ate Alexa. At pakiramdam ko ay lagi siyang maswerte .. Matalino Siya, Maganda, Mahal na mahal din siya Nina Mommy at Daddy at ngayon ay nagkakaroon pa Siya Ng guwapong boy friend at may narating sa Buhay na labis siyang minahal. . kaya di ko tuloy mapigilan Ang mainggit sa kanya. Ang Ganda siguro kapag Ako Ang nasa kalagd
kalagayan niya." Mahaba na wika ni Arriana sa kaibigan.
"Ate mo Naman Siya, bakit kailangan mo pang mainggit sa kanya at isa pa maganda ka din Naman at di rin patatalo yang beauty mo sa kanya." Sabi Ng kaibigan.
"Wow, really?" Sabi pa ni Arriana na natutuwa sa papuring iyon Ng kaibigan.
" Pero may naiisip Ako Yanny. . Kailangang agawin ko Kay ate si Kharvin. Gustong - gusto ko na rin Kasi si Kharvin eh. At mahihirapan Akong makahanap Ng lalaking tulad niya.. kaya agawin ko si Kuya Kharvin Mula Kay ate Alexa.." Gagawa Ako Ng paraan.
Muling nanlaki Ang mga mata ni Yanny sa sinabi ni Arriana.
" Sarili mong kapatid at ate ay tatraydorin mo??" Manghang Tanong nito sa kanya.
" But I have no choice Yanny! Hindi ko makukuha si Kuya Kharvin habang nariyan pa si Ate Alexa.." Sabi ni Arriana at sabay napangiti Ng matamis. kitang kita sa expression Ng Mukha nito na may maitim itong balak sa ate nitong si Alexa.
" What!? A- Arriana, what do you mean??" Parang natatakot na nagtanong ni Yanny Kay Arriana.
" Basta Yanny, kaibigan kita. kaya need ko Yung support mo okay? At huwag kanang komontra pa sa gusto ko. nabubuwisit na rin kasi Ako Kay ate Alexa eh ! At dahil maswerte Siya sa Buhay ay Gawin Kong dimalas Ang Buhay niya.." Matigas Ang anyong wika ni Arriana.
" Huuhh?? a- anong gagawin mo?" Tanong nito sa kanya na parang di makapaniwala.
" Basta, malalaman mo later ." Tugon ni Arriana.
Hindi nalang nakaimik Ang kaibigan ni Arriana.
****
Nang makauwi si Arriana ay naabutan nitong Nagkausap Ang mga Magulang nila Ng ate Alexa nito at Ang kasintahan nitong si Kharvin. Saglit na tumigil sa paghakbang si Arriana na nakamasid sa Masayang pag- uusap Ng mga ito Sa Salas nila.
Si Kharvin agad ang sentro Ng mga mata ni Arriana. Sobrang guwapo nito at napatikas paxnh pangangatawan Ng binata at napakasarap sigurong matikman nito. At Ang kanilang Mommy Ofelia Naman Ang unang napapansin sa pagdating ni Arriana.
" Oh Arriana anak! nandito kana Pala! halika join ka dito sa amin!" Malawak Ang ngiting Tawag ni Ofelia sa bindong anak nila.
Napadako Naman Ang tingin lahat Kay Arriana kaya pilit nalang itong ngumiti Ng matamis sa lahat upang ipakita Nito sa pamilya na okay na okay lang talaga ito. Ngunit si Kharvin ay natigil nang makitang dumating na si Arriana. Alam na Kasi Ng binata na Malaki Ang pagkakagusto rito Ng bunsong kapatid Ng kanyang kasintahang si Alexa. Dahil ilang ulit Siya nitong inakit subalit di Siya nagpadala sa dalaga dahil mahal na mahal niya si Alexa. at ayaw niyang magkahiwalay Sila dahil lang Kay Arriana. Di rin maiwasan Minsan ni
Kharvin na mainis sa dalaga dahil sa ginawa nitong pang- aakit sa kanya. Ni Hindi nito iniisip na kung oaoatulan niya ito ay masasaktan Ang ate nito.
"Arriana! halika." Nakangiting Tawag ni Alexa sa kanyang kapatid.
Madali namang humakbang muli si Arriana at lumapit sa mga ito.
" Hi Dad, Mom! at ate Alexa at hello din Kuya Kharvin!" Bati pa ni Arriana isa- Isa sa mga naroroon.
" Have a seat iha. . Arriana dapat ka rin kasing makaalam kung Anong Plano Ng pamilya natin." Sabi Naman Ng kanilang Daddy Damian.
" Yes Arriana.. " Saad din muli ni Alexa sa bunsong kapatid.
" Bakit? Anong Neron Daddy? at ate Alexa?" Tanong ni Arriana sa kanila.
" Napagdesisyunan nalang namin na magpakasal na Ang ate Alexa mo at si Kharvin.. total kahit mag- Asawa na Sila ay tuloy parin Naman Ang pag- aatake Ng ate mo Arriana." Sabi ni Mr. Damian Sanchez.
" Ha?? kasal?" Gulat na it ni Arriana.
" Yes anak. Willing na si iho Kharvin na pakasalan Ang ate mo at naisip ko rin Kasi na nasa politika Yung pangalan ko at ayoko Ng maraming issueng marinig. kaya bahala na kung maagang mag- Asawa Ang ate mo Basta Wala lang tayong issue. Gusto Kong maging ka respe- respeto Yung pamilya natin sa bayan.. Lalo na kayo na aKing mga anak." Mahabang Sabi ng Kanilang Daddy Damian.
" Ahh.. o- okay Dad.. At a- ate Alexa. Shocked Ako but.. Sino ba Ako upang p-pigilan yung mga Plano niyo? kaya Susunod lang Ako kung Ano man ang mga Plano niyo.." Sabi pa ni Arriana na Nauutal. Sa kaloob- looban nito ay gusto na niyang sumigaw sa galit dahil sa nalamang magpakasal na Ang kanyang ate at si Kharvin.
Napakasaya Naman ni Alexa ng Araw na iyon. Dahil Hindi tumutol Ang kanyang mga magulang na siya'y pakasalan ni Kharvin sa edad niyang Nineteen years old. Alam niyang napakabata pa niya upang mag-asawa pero dahil gusto na ni Kharvin na Lumagay nalang Sila sa tahimik kaya pumayag na rin Siya sa gusto nito. Ganoon nalang talaga Ang mangyari dahil ilang beses na rin namang nagalaw na Siya Ng kasintahan. At habang sila'y mag- asawa na ay tuloy parin ang kanyang pag- aaral.
Mas lalong naging desidido si Arriana na kanyang maitim na balak para sa kanyang ate Alexa. Ginawa Naman nito ang lahat na kaplastikan sa kanyang ate Alexa upang kung may mangyari ay himalang suspekan Siya Ng kanyang pamilya. Hindi pa Naman Basta- basta ang kanyang binabalak kaya dapat doblehin pa niya Ang kabaitang ipinakita sa kanyang kapatid.
Isang Umaga ay Nasa labas Si Alexa ng kanilang bahay ng mga sandaling iyon. May malaking puno ng Avocado Kasi roon at may malapad na upuang kahoy at may Isang malaking folding bed din doon sa lilim ng Puno nito kaya pwede lang Matutulog doon kung gugustuhin nila. Habang nakahiga roon si Alexa ay Bigla namang lumapit Ang kanyang Kapatid na si Arriana. Nagdala ito Ng supot na toasted bread at dalawang tasang gatas.
" Hi ate good morning ! Almusal muna tayo rito!" Malapad Ang ngiting wika ni Arriana sa kanya.
" Wow, thank you my sweet and youngest Sister."
Sagot ni Alexa sa kapatid.