l
" Ready na ba kayo mga anak ? Aalis na Tayo !" Sabi naman ng kanilang Mommy na si Mrs. Ofelia Sanchez. At Ang kanilang Daddy namang si Mr. Damian Sanchez ay naghihintay na sa kanila sa loob ng Kotse.
" Yes Mommy. bilisan mo Arriana." Sabi Naman niya sa kanyang kapatid.
" Sandali nalang ate." Sabi nito na Hindi pa natapos sa pagsisipat nito sa sarili sa salamin.
****
Sa buong araw na iyon ay nag enjoy si Alexa kasama ang kanyang buong pamilya . Kumain Sila sa Isang sikat na restaurant ng Makati Chinese Restaurant. Kaya Gabi na Sila nang makauwi.
Pagkauwi nila ay dumeretso na siya sa kanyang kuwarto upang magpahinga na dahil sa buong araw nilang pamamasyal Ng kanyang buong pamilya. Tumawag Naman Ang kanyang best friend na si Sheena at nag greet sa kanya Ng happy birthday.
May ibibigay daw itong gift sa kanya Kinabukasan. Kanina sana yun kasu lang ay Wala Sila.
*****
Kinabukasan ay magkasama nga Sila ng kanyang kaibigan sa isang library na nakasanayan nilang tambayan. Kahit nasa Kolehiyo na Sila ay magkasama parin Sila nito dahil parehong Chemist Ang kinuha nilang kurso kaya mas Lalo Silang naging malapit sa isa't- isa Ng kaibigan. Doon nito Ibinigay sa kanya Ang gift nito sa kanya.
" Thank you besh ha. " Sabi Naman niya rito habang Sila lang dalawa sa library.
" You're welcome besh. Wait, Meron ka pang regalong matatanggap mamaya.." Nakangiting wika nito sa kanya.
Kunot- noong tiningnan man niya ito.
" Oh, Talaga?? saan galing?" Tanong niya rito.
"Malalaman mo mamaya dahil Siya Yung magbibigay Sa'yo sa gift niya para Sayo." Sagot Naman nitong patuloy lang sa pagbuklat Ng bitbit nitong book.
" Wow, ganoon ba?? well.. hihintayin ko.." Sagot Naman niya.
Paglabas Naman nila ng library ng kanyang kaibigang si Sheena ay Nagulat nalang siya nang Isang Guwapong binatang naka shade Ang sumalubong sa kanila Ng kanyang kaibigan.
" Hi! Miss Alexa Faye! Belated happy eighteenth birthday! I hope you like this gift and Flowers I'm going to give you now." Sabi pa ng Malaki at malamig na tinig nito.
Napaurong pa siya at tumingala rito dahil matangkad na lalaki ito. Napangiti ito sa kanya sabay kinuha nito Ang shade sa mga mata. Nanlaki at nasorpresa siya nang Makilala ito.
" K-Kuya Kharvin?" Naitanong pa niya rito.
Kinukuya niya Kasi ito noong last na meet niya noong Fifteen palang Siya. Sobrang guwapo nito ngayon sa kanyang paningin.
Sinulyapan niya rin ang kanyang kaibigang Kasama na si Sheena na Kapatid nito. Inatake Siya Ng kaba Ng mga sandaling iyon. Para bang nakakakaba Ang presensya Bigla Ng Kuya ngduon ni Sheena.
" Huwag mo akong tawaging kuya sweetheart dahil nais kitang ligawan at pangit pakinggan na Kuya ang itawag mo sa akin. Call me Kharvin ,okay?" Anitong malamlam Ang mga matang nakatingin sa kanya habang napaka smiling face Ng dating nito na nakatitig sa kanya.
"Huhh?? Ahh, o-okay.. sorry ." Tugon naman niya na di alam kung Anong reaksyon sa harap nito.
kinabahan siya baka kasi naging katawa- tawa ang kanyang reaksyon sa harapan nito. Hindi Kasi Siya sanay na ganoon na may manligaw Ng ganoon ka pormal sa kanya.
" Hi Kuya, sinabi ko na sa kaibigan ko na may magbibigay ng gift ngayon sa kanya. pero di ko sinabi na Ikaw yun." Sabi Naman ng kanyang kaibigan habang Nakangiti.
" Here's for you..Flowers and gift Alexa. " Anitong ini-abot na kanya Ang Isang pumpon Ng White flowers at isang maliit na Gift nito.
Tila nahihiya naman siyang tanggapin iyon . Nanginginig pa ang kanyang Kamay na tinanggap Ang mga ini-abot sa kanya ng Kuya ng kanyang Bestfriend na si Kharvin Torres. Ganoon din ba ito sa ibang babae manligaw ? Parang nakakadismaya namang isipin na ganoon din Ang style Ng panliligaw nito sa ibang babae.
"May i invite you a dinner date this afternoon? after your class??" Tanong pa nito sa kanya.
Saglit muna siyang napatingin sa kanyang kaibigan at ngumiti ito ng matamis sa kanya at muling tumingin sa kuya nito na di parin makapaniwalang totoo pala ang sinabi ni Sheena na manligaw ito sa kanya.
" Ahh.. s- sure. ." Matipid niyang sagot na tila nahihiya.
" Thank you Alexa!" Sabi nito sabay kindat na Naman sa kanya na siyang naging habit na nito.
Kinahapunan nga nang matapos ang klase nila ay bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil sa isiping
Mag dinner date Sila ngayon ni kharvin. Seven years ang gap nito sa kanya. Takot pa naman siyang makipagrelasyon sa mga may edad na sa kanya dahil gusto niya dating kaedad lang niya Ang kanyang maging First boy friend . Pero parang di iyon matutupad. Balita niya'y isa na itong Civil Engineer.
Paglabas nila ng kanyang kaibigan sa campus school ay naroon na sa labas ang kuya nitong si Kharvin at naghihintay na sa kanya.
" Nandito na si kuya.. besh, Mauna na Ako sainyo, good luck sa inyong dalawa sanay di Siya mabibigo ." Nakangiti pang wika nito sa kanya.
" On- okay besh.. bye." Tugon Naman niyang nanginginig.
Nakatitig sa kanya si Kharvin at napakaguwapo nito habang nakatingin sa kanya at naghihintay. Napatingin Naman sa kanila Ang iibang estudyante
" Shall we go??" Tanong nito sa kanya habang nagtama ang kanilang mga mata nang siya'y makarating sa kinaroroonan nito.
" O- okay.." Tugon Naman niya.
Binuksan naman nito ang kotseng dala nito upang pumasok at sumakay na siya sa loob ng Kotse nito.
" Si Sheena, sana sumakay nalang Yung kaibigan ko dito." Sabi naman niya rito.
" Don't worry about my youngest sister, may taga sundo Siya." Sagot naman nito.
Alam naman niyang may taga sundo si Sheena tulad din sa kanya ay may taga sundo din naman siya. Ang ibig niyang Sabihin ay gusto sana niyang sumabay nalang sa kanila si Sheena upang di Siya maasiwa ngayon.
'Nu kaba, Alexa! Dinner date niyo ni Kharvin tapos gusto mong sumama si Sheena?' Sita ng kanyang isipan. Pumasok na rin ito at agad na Pina start na nito ang kotse nito paalis.
" Alexa, okay lang ba sa' yong ligawan kita? " Tanong ni Kharvin sa kanya na siyang bumasag sa kanilang katahimikan.
" Nagustohan mo ba Ang mga binigay ko?" Dagdag pang tanong nito.
"Ahh eh, Oo naman. Nagustohan ko Ang mga binigay mo. thank you Kharvin.." Sabi Naman niya rito.
" How about sa tungkol na ligawan kita? okay lang din ba??" Muling tanong nito.
Saglit naman siyang natahimik.
" Alexa??" Untag pa nitong saglit siyang binalingan habang ito'y nagda- drive.
" I can't believe you don't have a girlfriend yet Kharvin." Wika Naman Niya rito instead na sagutin niya ang tanong nito.
"Wow!" Napatawang bulalas pa nito dahil sa kanyang sinabi.
" Oh Ano, tama ba ako?" Tanong Naman niya rito.
"Wala na akong girl friend ngayon. Bago Ako nagdesisyon na ligawan kita ngayon ay siniguro ko Muna na Wala na akong karelasyon." Sagot pa nitong Nakangiti.
Parang nakadama Naman Siya ng kunting hiya dahil sa topiko nilang iyon .Hindi na Siya umimik pa kaya na focus nalang kina din ito sa pagda- drive nito.
Pagkarating nila sa Isang malapit na restaurant lang ay ipinahinto nito ang sasakyan. Nag message nalang siya sa kanyang mommy na huwag na siyang magpasundo sa ngayon dahil sinabi niyang namasyal Muna Sila ng Kanyang kaibigan. Natatakot siyang Sabihin Ang totoo baka Magalit Ang kanyang mga magulang.
Pumuwesto na Sila sa Isang table at si Kharvin Ang nag order Ng kanilang makakain. Nang dumating na Ang order ay Kumain na agad silang dalawa. At the age of eighteen ay first time niyang maka date Ng Isang lalaki at iyon ay Ang Kuta pa ng kanyang Best friend. Naiilang naman Siya dahil sa kanya lang ito nakatingin. Kaya kahit sa pagsubo niya ay halos nahihiya Siya. Sino ba Kasing Hindi maiilang na Siya lang Ang tinitingnan nito.
" Hindi mo ba nagustohan Ang inorder ko?" Tanong nito sa kanya na ikinapitlag pa niya ang tanong nitong iyon.
" Huuh?? ah, o- okay lang naman ang pagkain , the best ka ngang mamili." Tugon Naman niya rito.
" Well.. thank you.. Kumain ka ng mabuti.." Nakangiting Sabi nito sa kanya.
" O- okay. thanks." Maiksing Sagot niya rito.
Patuloy lang Silang Kumain. At dahil malakas itong Kumain ay nauna itong matapos sa kanya at nang masulyapan niyang siya na Naman Ang pinagmasdan niyo ay napilitan na rin siyang tumigil sa pagkain.
" Nabusog kaba? parang tingin ko ay hindi eh " Sabi Naman nito sa kanya.
" Busog na Ako Kharvin." Sagot niya rito.
Kinaya naman niya Ang sariling makipagtitigan nito habang sila'y nag- uusap nito. Hangga't sa bigla nalang nitong hinawakan Ang Isa niyang kamay.
" Seryoso ako. Mahal kita Alexa." Biglang Sabi nito sa kanya.
Natigilan man siya at nabigla na kahit hinanda na niya Ang sarilinay di niya parin maiiwasang kabahan Ng mga Oras na iyon.
" Alexa.. alam mo naman sigurong noon pa ay gusto na kitang ligawan. May pag-asa ba Ako Sayo Alexa.?Matagal kitang hinintay kung kailan na pwedi kitang maligawan. i really love you."." Sabi nito sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita Ngunit Ang kanyang mga mata ay tila na magneto sa mga mata nito sa kanya. Ano bang isasagot niya rito? Pangit Naman siguro na sagutin niya agad ang panliligaw nito.