Sweet "Why are you still up late?" Bungad nito sa akin sa seryosong tinig. "Uh, hindi kasi ako makatulog," sagot ko na umiwas ng tingin dito. Ang totoo ay hinihintay ko talaga siyang bumalik. Nanatili ang madilim nitong tingin sa akin bago muling magsalita. "Si Peter ba 'yong nakita kong kausap mo kanina?" He asked. Bahagya akong tumango at pinanood kung paano ito marahas na mag-buntong-hininga sa harap ko. "Alright, take a sleep maaga pa kitang ihahatid bukas," aniya sa akin bago ako talikuran at umalis. Kumunot ang noo ko at nagtatakang sinundan siya ng tingin. Bumalik muli ako sa paghiga at pinilit nalang na makatulog. Maaga naman akong nagising kinabukasan, nadatnan kong may nakahain ng almusal sa lamesa, meron naring naka handang damit na susuotin ko. Napasip tuloy ako kung pa