Take my hand Tila hindi ako mapakali dahil sa suot kong gown na hapit sa aking katawan, kitang-kita kasi ang cleavage ko sa yari ng gown na pina-suot sa akin ni Cindy. Hindi rin nakalampas sa akin ang tingin nilang ewan ko kung humahanga o pinag nanasaan ako ngayon. Kaya pilit na ngiti lang ang isinukli ko sa mga taong nakakasalubong. "Margaux!" Narinig kong may tumawag sa akin. "Peter!" "Wow! You look drop dead gorgeous tonight!" Hindi maitatangi sa mga mata nito ang pag-hanga. "Thank you, Ikaw din." Ganti ko naman sinabi dito, gwapong-gwapo ito sa suot na black suit na tinernuhan ng itim na slack pants and oxford shoes. "Thanks for the compliments." Nakangiti nitong sinabi bago ako kindatan. Nilahad nito ang kamay sa akin na siya ko naman malugod na tinanggap. Ngunit pareho kamin