HIGH SCHOOL DAYS
Months passed.
"Babe?" tawag ko kay Cedric na ngayon ay masarap ang pagkakahiga at nakakandong ang kanyang ulo sa aking lap.
Nilalaro-laro ng aking mga daliri ang kanyang maninipis na buhok dahil nakasemi-kalbo siya ngayon. Kailangan kasi sa training camp ang ganyang gupit.
"Hmmnn?" Tumagilid siya kaya ang kanyang mukha ay nakaharap na sa aking tiyan. Yumakap siya sa aking baywang at mas ibinaon ang kanyang mukha sa aking tiyan.
Narito kami ngayon sa likod ng school building. Wala namang klase dahil tornament ngayon ng mga manlalaro ng buong school. Gustuhin mang sumali ni Cedric sa sports ay hindi na niya kakayanin pa ang pagod doon.
Tinatamad kaming manood kaya mas pinili na lang namin ang magsolo dito sa likod. May mangilan-ngilan ding studyante ang naririto.
"Bakit parang nanlalaki ang mga eyebags mo? Tingnan mo nga oh. Pwede na natin ipakilo at ibenta," puna ko sa kanya.
Bahagya kong iniangat ang kanyang mukha mula sa pagkakabaon sa aking tiyan.
"Ibenta ko sa 'yo. Magkano mo bibilhin?" tanong niya habang nakapikit ang kanyang mga mata.
"Pwede bang libre na lang? Wala akong pera eh. Hehe," sagot ko at natawa naman siya.
"Tumatanggap naman ako kahit hindi pera." Makahulugan na naman ang tono niya.
"Aah.. ano bang gusto mo?" pagkasabi ko niyon ay bigla siyang tumihaya at ngumuso pero nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.
"Ano 'yan? Para kang susò. 'Yung nakukuha sa ilog," natatawa kong saad.
"Ah ganun? Eh kung supsupin kita d'yan? Ikaw ang aking susò."
Bigla akong natawa ng malakas.
"Natawa ka. Ang dumi din ng utak mo, no?" sabi niya.
"Mana lang sa 'yo. Lakas mo kasi makahawa eh."
"Sige na kasi. Nilalayo mo ang usapan eh," sabi niya at muling pumikit.
"Yan lang ba ang gusto mo? Ang konti naman."
Bigla siyang dumilat at pinakatitigan akong mabuti na parang bang inaalam ang kahulugan ng sinabi ko.
Muli akong natawa.
"Joke lang."
"Kiss mo na lang ako," nakangiti niyang sabi pero iba ang nakikita ko sa kanyang mata. Walang buhay.
Inabot ko ang labi niya at hinalikan ng matagal. Kinabig niya ang aking batok at mas hinalikan ako ng mariin.
"I love you so much, baby," bulong niya pagkatapos ng mahabang halik at pinaglaro pa niya ang aming mga ilong.
"I love you too, babe."
Muli ko siyang hinalikan ng mabilis at saka ako umayos ng pagkakaupo. Isinandal ko ang aking ulo sa puno.
"May problema ka ba? Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?" tanong ko sa kaniya.
Kilala ko na siya. Kapag ganito ang mga ikinikilos niya ay alam kong may dinadala siyang mabigat na problema. Hindi ko din naman alam kung lahat-lahat ba ng problema niya ay sinasabi niya sa akin.
"Wala. Pagod lang. Gusto ko lang magpahinga sa tabi mo at yakap ka." Muli siyang tumagilid ng pagkakahiga at ibinaon ang kanyang mukha sa aking tiyan.
"Sige. Matulog ka na lang muna." Hinagod-hagod ng aking mga daliri ang maninipis niyang buhok para mabilis siyang makatulog.
Siguro ay napagod siya sa mga trainings niya. Hindi ko lang maintindihan ang kanyang lolo kung bakit pinagti-training na agad siya ng ganito kaaga, simula noong bata pa siya. Eh samantalang sasabak din naman kami sa mga mabibigat at matitinding trainings pagdating ng college.
Napakalupit naman niya sa kanyang apo. Ang alam ko ay nag-iisang apo lang siya tapos ganiyan niya ituring. Sa halip na mahalin at alagaan ay hindi. Pinahihirapan niya ng sobra-sobra.
***
Year passed
Marami pa kaming mga sweet moments na pinagdaanan. Birthdays, monthsaries, anniversary, christmass, new year, valentines day at kung mga ano-ano pa. Nag-celebrate kaming dalawa ng magkasama at masaya. Puno ng mga sweet memories.
Ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng away. Kaunting tampuhan lang at siya 'yung palaging nag-a-adjust.
Para bang ayaw niyang lumipas ang araw na hindi kami nagkakabati. Kailangan lahat ng araw niya ay masaya bago siya umuwi.
Kunsabagay, sunod-sunuran din naman kasi ako sa kaniya. Lahat ng sinasabi niya ay sinusunod ko dahil sa tingin ko naman ay tama at super matured siyang mag-isip kahit same lang kami ng edad.
'Yung pagiging bully lang kasi ang hindi maalis sa kaniya pero pagdating sa akin ay seryoso siya sa lahat ng bagay.
***
"OMG! Sa wakas! Ga-graduate na ang lola niyo!" sigaw ni Selenah habang lumulukso-lukso sa aming harapan.
Katatapos lang namin mag-drill sa CAT para sa welcome ceremony namin bukas.
Hindi naman kami nakatoga kundi ang uniform namin sa CAT ang aming suot bukas sa graduation day. 'Yung ibang students lang ang nakatoga.
"Tama 'yan. Lubos-lubusin mo na dahil hanggang bukas na lang din ang pantasya mo," sagot ni Cedric na nasa aking likuran at nakayakap sa aking baywang.
"Babe, pawisan ako. Ang lagkit ko pa," sabi ko sa kaniya. 'Di man lang mandiri sa pawis ko.
"Dilaan ko pa 'yan eh," sagot niya at hinalikan pa ang aking leeg!
"Eww talaga kayong talaga. Ang sakit niyo sa mata! Bwisit ka, Cedric! Pinaalala mo na naman. Hayaan mo at pipikutin ko na talaga ang lolo niyo! Kung hindi makuha sa santong dasalan, kukunin ko na lang siya sa santong laplapan!" pasigaw na sagot ni Selenah kaya naman naglingunan na sa kaniya ang mga kasama namin dito at naghagalpakan ng tawa.
"Marunong ka na no'n?"
"Selenah, baby ako na lang."
"Ako, libre ako."
"Ako na lang ang lalaplap sa 'yo, Selenah."
kanya-kanyang sabi ng mga kuwago.
"Tss," singhal naman ni Skipper.
"Tse! Mga pangit kayo! Isa lang 'yung gusto ko no!" sigaw naman ni Selenah sa kanila at saka sumulyap kay Skipper na tahimik na nga ay sumama pa ang mood.
Nakita namin itong naglakad na palayo. Si Selenah naman ay napakagat-labi na lamang habang nakatanaw dito.
"Sabi ko sa 'yo, tigilan mo na. Wala kang pag-asa don. Hahaha-aray, babe! Bakit ba nangungurot ka? Kagatin kita d'yan sa singit e-aray!" Pinagkukurot ko nga sa tagiliran si Cedric.
Nakita na nga niyang maiiyak na si Selenah eh ginagatungan pa niya.
"Hindi na nga eh. Last day na nga bukas kaya magpasalamat na siya ngayon pa lang dahil after graduation ay hindi na niya ako makikita kahit kailan!" pagkasabi niyon ay nagmartsa na siya paalis.
"Tsk. 'Yun ang akala niya," dinig kong bulong ni Cedric.
"Ano, babe? Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Huh? Wala naman akong sinasabi ah."
"May sinabi ka. Dinig ko eh."
"Narinig mo pala eh. Bakit nagtatanong ka pa?"
Abah, bwisit na lalaking 'to ah.
"Sige! Mag-secret ka sa 'kin!" sigaw ko sa kaniya at kumalas na ako mula sa pagkakayakap niya.
"Joke lang naman. Mamaya ko na sasabihin sa iyo. Secret lang natin 'yun."
"Hmp."
"Tara na. Canteen tayo," yaya niya.
"Mirienda tayo?" tanong ko.
"Miriendahin kita?" tanong niya rin.
Aba't..