HIGH SCHOOL DAYS
Maezie's POV
"Jr, kumain ka na ba nito?" tanong ko habang inilalagay ko sa center table ang dalawang mangkok ng ginataan. Nagtimpla na rin ako ng tang dalandan juice.
Sherep kaya no'ng dalandan. Fav ko 'yun.
"Opo. Dami ko nga kain eh," sagot niya pero lumapit pa rin at sumilip sa mga mangkok.
"Ows? 'Di nga halata sa tiyan mo ah." Hinimas ko ang tiyan niyang malaki.
"Penge ako...hehe," nahihiya pa niyang sabi.
Siba talaga.
Napansin kong pababa na ng hagdan si Cedric at parang hapong-hapo.
"Success?" nakangisi kong tanong sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at pinisil ang aking ilong.
"Ang cute mo talaga. Amuyin mo nga," nakangisi niyang sabi at inilagay pa niya sa may butas ng ilong ko ang mga daliri niya.
"Yuck! Kadiri ka!" Tinabig ko ang kamay niya at tinawanan lang ako ng walanghiya.
"Ang bango kaya. Amuyin mo, Jr." Kay Jr niya naman pinaamoy ang kanyang daliri.
Inamoy din naman ng inosenteng bata ang kanyang kamay. Kadiri talaga ng lalaking 'to.
Amoy zonrox kaya.
"Anong amoy?" tanong niya kay Jr.
"Amoy jut," sagot niya at natawa naman ako. Si Cedric naman ay nangunot ang noo.
"Anong jut? Hoy! Hindi ako jutay ha!" bulalas niya kay Jr kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. Tila natakot naman ang bata at kaagad sumiksik sa akin.
"Juice 'yun. Alam mo na ngang bulol eh," sabi ko kay Cedric.
"Ayusin mo nga 'yang salita mo," sermon niya kay Jr. Nilingon ko si Jr at nakita kong humihikbi na naman siya.
"Tumigil ka nga. Tinatakot mo 'yung bata. Kaya ka sinusungitan kapag pumupunta dito eh," saway ko sa kaniya. "Kumain ka na nga lang."
"Hindi ah, bati kami niyan eh. Asan na 'yung car? Halika dito, tuturuan kita patakbuhin," sabi niya.
Dinampot niya ang kotse at remote control na nasa ibaba lang. May kinutingting siya doon tapos ay ibinaba muli at pinindot-pindot ang remote control. Maya-maya lang ay umandar na ang kotse.
"Waahhh!" biglang sigaw ni Jr at lumapit kay Cedric. Kumalong siya ulit dito at hinawakan din ang remote.
"Galing no?" tanong niya sa bata.
"Opo!" sagot niya habang nasa kotse at remote control ang kanyang atensiyon.
"Parang ako no?"
"Opo!"
"Bati na tayo?"
"Opo!"
"Gwapo ako?"
"Opo!"
"Love mo na 'ko?"
"Opo!"
"Anong tawag mo sa akin?"
"Opo!"
Napakamot siya ng ulo.
"Kuya mo na ako?"
"Opo!"
"Sabihin mo nga."
"Opo!"
Muli siyang kumamot ng ulo.
"Babawiin ko 'yan."
"Kuyaaaaaaa!"
Napangisi siya.
"Good. Dito ka muna, kakain ang pogi mong kuya."
"Opo!"
"Ayos." Iniupo na niya si Jr at saka lumapit sa akin.
"Naghugas ka ba ng kamay?" tanong ko sa kaniya.
"Maghuhugas pa lang." Humalakhak siya at saka nagmamadaling nagtungo sa kusina.
"Bastos ka talaga! Kadiri ka!" sigaw ko sa kaniya. Humawak pa siya sa ilong ko at ganun din kay Jr!
"Mabango naman ah!" sigaw niya sa kusina habang humahalakhak. "Mga ilang years na lang maa-adik ka rin dito."
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi.
"Adik agad?"
Mabilis din siyang nakabalik na basang-basa ang kamay. Iniabot ko sa kaniya ang malinis kong towel na hindi ko nagamit sa school kanina dahil towel niya lang ang ginamit namin.
"Bakit dalawa 'to?" nagtataka niyang tanong sa dalawang mangkok.
"Kay Jr 'yung isa. Oh baka kulangin ka eh."
Nagsimula na kaming kumain at sinubuan niya lang ako.
"Masakit pa ba ang tiyan mo?...Ah," tanong niya sabay umang ng kutsara sa bibig kong puno pa ng laman.
"Merhomn pha," hirap kong sabi kaya naman siya na ang kumain.
***
Nang matapos kaming kumain ay saglit pa silang nagkulitan ni Jr bago siya nagpaalam ng uuwi.
"Aalis na po ako, tita," paalam niya kay mama na abala pa rin sa kanyang garden.
"Oh, sige. Ingat ka. Kumain ba kayo?"
"Opo."
Lumabas na kami ng gate. Bumaling muna siya sa akin bago siya pumasok ng kotse.
"Masakit pa ba ang puson mo?" malambing niyang tanong.
"Kaunti na lang. Thank you."
"I don't accept thank you," sabi niya habang humahaba ang kanyang nguso.
Natatawa naman akong humalik sa kanyang labi. Kinabig pa niya ako kaya napatagal bago ako binitawan.
"Haplasan mo na lang ulit ng oil mamaya, then drink hot water too. Wait for me tomorrow, a'right? I love you." Hinalikan niya ako sa aking noo.
"Sige. I love you too. Ingat ka."
"I will," nakangiti niyang sagot bago tuluyang pumasok ng kanyang kotse.
***
Cedric's POV
"You're late," bungad kaagad sa akin ni lolo pagpasok ko ng mansion.
"S-sorry, lo. M-may tinapos lang pong a-activities," nakayuko kong sagot sa kaniya.
Hindi mo pwedeng salubungin ang kanyang mga mata dahil kabastusan daw iyon. Parang pagmamalaki daw at kaya mo na ang iyong sarili.
"Activities? O ang babae na namang iyon ang kasama mo?" galit niyang sabi kaya hindi na ako umimik.
"Go to the basement!"
"Y-yes, lo."
Sumigaw na siya kaya naman nagmadali na akong pumunta ng basement.
Pagdating doon ay sinalubong ako ng kadiliman. May dalawang tauhan ang bantay sa isang bakal na pinto ng silid.
Pumasok ako doon at mabilis nilang isinara ito at kinandado sa labas. Ito ang kapalit sa tuwing sinusuway ko siya.
Bartolina.
Magdamag akong nakakulong dito. Dito ako matutulog sa madilim na silid. Walang kahit anong gamit. Walang sapin na higaan. Walang pagkain. Walang banyo.
Kung abutan man ako dito ng pag-ihi at pagdumi ay dito na rin. Walang tubig na inumin. Wala ring panghugas kaya naman dumarami na rin ang mga insekto at daga sa loob nito dahil sa marumi at mabahong amoy.
Pinagbabawalan na niya akong sumama-sama kay Maezie. Pinalalayo na niya ako dahil wala daw maidudulot sa akin ang pakikipagrelasyon sa kahit na kanino.
Marami daw siyang pangarap para sa akin na kailangang matupad.
Pero hindi ko magawang lumayo kay Maezie. Hindi ko kayang layuan ang babaeng mahal ko. Dahil sa kaniya lang ako humuhugot ng lakas upang magpatuloy sa buhay.
Siya lang ang nagpapaganda at nagpapaliwanag ng araw-araw kong madilim na buhay sa kamay ng aking lolo. Dahil ultimo sarili kong mga magulang ay wala na ring magawa kaya pinabayaan na lang nila ako.
Kung mawawala si Maezie sa akin, mas mabuti pang sumuko na lang at huwag ng ituloy ang buhay.
Dahil siya na lang ang nag-iisa kong buhay.