Binigyan lang kami ng isang buong magdamag na pahinga. Maraming pagkain ang inihayin nila sa amin sa isang mahabang hapagkainan pero karamihan ay hindi kumain ng marami dahil maaari itong ikabigat ng aming katawan at baka hindi namin kayanin ang maaaring maging laban namin sa kinabukasan. Hindi rin kami hinayaang makapag-usap ng bawat isa kahit saglit lang. Kahit si Honey at Lyka ay hindi ko man lang nakausap. Tag-iisang silid ang ibinigay nila sa amin. Hinayaan nila kaming makatulog ng maaga pero alam kong ang karamihan ay hindi makakatulog at kapwa nagsisipaghanda sa mangyayaring laban bukas. Dahil nararamdaman ko at naririnig ng dalawa kong tainga ang pagkalansing ng mga bakal. Paglagabog ng mga pader na sa tingin ko ay ginagawa nilang praktisan. Nanatili lang akong nakaupo ng tahimik