VvH Chapter 13

1621 Words
Hinayaan ko na muna si Kaliex sa kaniyang desisyon. Kung sabagay, kahit kailan ay hindi ako nangialam sa mga plano niya. Suportado namin ang isa't-isa simula pa lang noong una. Ngayon lang talaga may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Naligo at nag-ayos muna ako ng sarili ko bago lumabas ng kwarto. May meetint kami ng mga matataas na miyembro ng clan. Sa kanila ko ituturo ang proseso nang paggawa ng gamot o lunas sa mga LCV na bumalik sa normal na tao. Kinuha ko muna ang mga gamit sa ibaba. Tinulungan naman ako ng ibang miyembro na bitbitin iyon. Sila na rin ang nag-set up ng mga kagamitan na kakailanganin ko. Inihanda ko na ang laptop kung nasaan ang copy ng demo na ginawa ko mismo. Na-video ko ang sarili ko habang ginagawa ito. Lahat ng mga ginawa ko na kahit palpak ay documented. Medyo matagal bago ko na-achieve ang lunas na ito. Wala pa akong naiisip na tawag dito. Pumasok na rin ako sa conference room sa mansion. Mayroon na ring ganito rito para in case of emergency na katulad ngayon. Hindi kasi ako masyadong makakalabas-labas papuntang ibang lugar. Seryoso akong nakatingin sa kanilang lahat. Hindi basta-basta ang protekto na ito. Kailangan ay mapagmatyag at attentive. Nang makumpleto na ang lahat ay inihanda ko na ang presentasiyon ko sa kanila. "Sa ngayon ay ipapakita ko sa inyo ang video na ginawa ko upang matutunan niyo kung paano gumawa ng lunas. Wala pa akong eksaktong tawag sa ganito, pero ang mahalaga ay nakuha na natin ang tamang timpla nito," saad ko. Sinimulan ko nang i-play ang video na sinasabi ko. Tahimik silang nakikinig sa dinagdag kong voice record para ipaliwanag at ipakilala ang mga ginamit kong ingredients. Habang nanonood sila ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa aking cellphone. Kahit na medyo hinahayaan ko si Kaliex, hindi ko pa ring maiwasan na hindi maghintay ng messages niya. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na tapos na pala ang video. Nahiya ako na nakatingin na pala silang lahat sa akin. Mabuti ay hinampas ni Den ang aking hita para bumalik sa katinuan. "Since napanood niyo na, ituturo ko naman sa inyo ng actual ang paggagawa nito. Kayo mismo ang gagawa, ako lang ang mag-i-instruct sa inyo," saad ko. Sila Tito at Tita, pati na rin si Den, ay naki-isa sa paggagawa. Nakakatuwa naman na lahat sila ay mabilis makuha ang sinasabi ko. Napanood na rin naman nila sa Video kaya no worries na talaga pagdating sa kanila. "Hintayin niyo muna na mawala ang bula pagkatapos salain," utos ko. Naghintay sila ng ilang minuto bago mawala ang bula sa formula na ginagawa nila. May na-receive ako na text kaya agad ko iyong binuksan. Napasapo ako sa mukha ko nang makitang galing iyon sa iba kong miyembro na nag-aasikaso ng tunnel. May sampung naiwan doon para magbantay ng bahay na pinapagawa namin. Lima naman sa maliit na bahay na pinagko-connect-an ng tunnel. "May problema ba, Minlei?" tanong ni Den. Pinabasa ko sa kaniya ang text na iyon. Hindi kami pwedeng magtawagan dahil baka may ibang makarinig ng boses namin. "May pumunta na nga roon na taga Vnight Academy, miyembro ng admin natin. Kinakausap sila kung bakit daw sa malapit nagpagawa," sabi ko sa mga miyembrong nandito. "Naipaliwanag naman ba nila nang maayos?" tanong ni Tito. Tumango ako. Luckily, nandoon ang isa naming Engineer. Siya ang nagpaliwanag ng lahat. "Yes. Nandoon po si Engineer Abuelo. Siya po ang nagpaliwanag tulad nang napag-usapan natin. Ang sinabi lang ng admin ay sana mapabilis pa ang paggagawa dahil medyo nakaka-istorbo raw sa mga estudyante," paliwanag ko. Wala naman kasi silang laban talaga kung may magpagawa ng mga bahay doon. Napansin ko nga na may ilan na rin na nagpapagawa ng bahay malapit sa academy. Kami lang talaga ang pinakamalapit. "Mabuti na lang kung ganoon. Mga ilang linggo ay matatapos na rin naman iyan. Mabilis na ang pagpapagawa ng bahay dahil magaganda na ang teknolohiya natin ngayon," ika ni Tita. Eto ang maganda sa bagong teknolohiya, gamit na gamit talaga namin ang mga ito para mapabilis ang trabaho. "Pagkatapos natin sa bahay na iyan ay magpo-focus naman tayo sa pagpapagawa ng facilities para sa mga makukuha nating LCV," saad ko. Sumang-ayon sila. May ilan na nag-volunteer din na magdo-donate ng ilang gamit na kakailanganin. Itinuloy na ulit namin ang paggagawa ng potion na gagamitin sa mga LCV. Habang pinapanood ko sila ay nare-realize ko kung ganoo sila ka dedicated sa trabahong ito. Kahit na ang iba ay hindi nasweldo, ginagawa pa rin nila ito para sa mga mahal nila sa buhay na nawala, iyon ay dahil din sa mga bampira. Sila pa mismo ang nagbibigay financial sa iba naming miyembro na kapos sa buhay. Kahit na puno nang paghihiganti ang puso namin, hindi pa rin namin pinapabayaan ang ibang tao. Tutulong kami sa abot ng aming makakaya. "Ngayong natapos niyo na ang lahat ng steps, kailangan naman natin maglagay sa test tube ng tamang dosage sa isang LCV. Kada test tube ay may nakalaan na isang syringe. May pinagawa na rin akong machine para diyan," paliwanag ko. Pinakita ko sa kanila kung paano i-operate ang machine na nagbibigay ng tamang sukat. Sila mismo ang maglalagay ng numero na kailangan. Pinaliwanag ko na rin naman sa video na 20 mL ang kailangan. Hindi basta-basta ang dosage sa kanila. Nakailang try din ako ng iba't-ibang dosage noon, pero hindi umepekto kasi nga may kulang pa rin sa nagawa ko. Chamba lang na unang subok ko ng 20 mL ay gumana agad. Ilang buwan ding ginugulo ng mga magulang ko ang oras nila rito. Mabuti nga minsan ay nakikita ko ang ginagawa nila kaya mabilis ko itong nakuha. Ako lang pala ang makakakuha ng huling ingredient para magawa ito. Sana ay masaya ang mga magulang ko na napagtagumpayan ko ang kanilang sinimulan. Alam ko na ayaw nila akong masangkot sa gulo ng mga bampira at tao, pero iyon na ang nakalaan sa akin. Inilihim pa nila noong una ang Vampire Hunters Clan sa akin, kinalaunan ay nalaman ko rin ang totoo. Hindi naman ako nagalit sa kanila dahil para sa ikabubuti naman ng mga tao ang ginagawa nila. Sa murang edad ay marami na akong nalalaman tungkol sa mga bampira. Hindi ko lang pinapahalata dahil mas mabuting hindi ako magkalat ng impormasyon. Hindi rin nila pinapaalam na may anak sila na nag-aaral sa ibang bansa. Baka raw kasi ako ang maging target kapag nagkataon. Nanghihinayang lang ako na hindi man lang nila naabutan na successful ang imbensiyon nila. Ngayon ay ipinapaalam ko na sa buong clan ang tinago nilang ginagawang lunas. Kailangan na kasi namin iyon maparami. Dumadami na rin kasi ang mga LCV. Mas lumalala na ang panahon ngayon kaya kailangan na silang labanan. "Minlei, kailan namin susubukan ang mga nagawa namin?" tanong ng isang miyembro. Hindi ko pa pala iyon na-discuss. Sagot ko, "Ma'am Stacy, bukas na bukas din po ay maaari niyo na iyang subukan. Kailangan lang natin iyan i-set aside ng 24 hours, room temperature lang din." Napangiti ako dahil mukha silang masaya sa kanilang mga nagawa. Wala rito si Kaliex para sana ay naturo ko na rin ang paggagawa nito. "Bukas ay babalik na rin kami ni Den sa academy. Ipauubaya ko na po sa inyo ang pagkuha ng mas malaking machines para sa paggagawa ng lunas. Mas maganda kung automated na ang paggagawa, less work at less employees. Mas kailangan natin ang mga miyembro natin na palaging handa sa pag-atake ng mga bampira," saad ko. Nag-assign ako ng mga miyembro kung anong task ang gagawin nila. Sinabihan ko rin sila na turuan na rin ang iba sa paggawa. Ang secretary ko na ulit ang bahalang umorder ng mga test tubes at syringes sa kapartner naming kumpanya sa ibang bansa. Ngayon ay dumalaw kami ni Den sa dulong kwarto sa basement. Ito ang pinakamalaking kwarto na may iba't-ibang kwarto pa rin sa loob. "Malapit na kayang magawa ang toxic bomb? Nawala na rin sa isipan ko na may ganiyan tayong proyekto," ika ni Den. "Hindi ko rin sigurado. Huling tingin ko ay malapit na rin daw iyon matapos. Kulang na lang din ng isang material. Kaya natin titingnan ay para makakuha ng updates," saad ko. Bumati ang mga Scientists sa amin nang makita kami. In-assist agad kami ng pinaka-head nila. "May maganda kaming balita sa inyo, Ma'am Minlei," panimula nito. Parang na-excite ako sa aking narinig. Gustong-gusto ko na panay magagandang balita ang aking maririnig. "Wow! Ano iyon, Sir Collin?" singit ni Den na mukhang mas excited pa sa akin. "Sumunod po kayo sa akin," utos ni Sir Collin. Nakita ko ang kulungan ng totoong bampira. Masama siyang nakatingin sa akin. Ang ilang LCV ay patay na. Mukhang effective na ang ginawa nilang bomba, na hindi maaapektuhan ang mga normal na tao.. "Nakuha na po namin ang tamang procedures at materials para sa toxic bomb laban sa mga bampira. Ang makaka-amoy po nito ay garantisadong mamamatay sa loob ng sampung segundo. Nagawa na rin po namin iyan na wala kaming suot na protective gears, ibig sabihin ay ayos lang malanghap ng mga normal na tao," paliwanag ni Sir Collin. Napansin ko na lumapit ang normal na bampira sa amin. Nakahawak siya sa glass na pinagkukulungan niya. Parang may gusto siyang sabihin kaya pinababa ko ng kaunti ang sinusuotan ng pagkain. "Kayong mga tao, wala rin kayong pinagkaiba sa iniisip niyong masasama kaming mga bampira!" sigaw niya sa amin. Napansin kong pumapatak ang kaniyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD