Dumating si Den para sunduin ako. Halatang nag-aalala siya sa nangyari.
Baka iniisip niya na nahuli ako sa nangyari. Hindi ko naman iyon sinasadya.
Alam kong papagalitan niya ako mamaya, pero hindi ko na muna iyon iisipim.
Nang mahimasmasan na si Xaphier ay pinauwi na muna siya sa kaniyang dorm, para na rin makapagpahinga ay makatulog.
Dumating kanina si Den kaya siya na rin ang umalalay at naghatid kay Xaphier. Babalikan na lang daw niya ako mamaya.
"Pwede pong pumasok sa kwaeto ni Mio?" tanong ko sa Nurse.
Siya na ang kusang nagbukas ng pintuan. Hinayaan niya akong makapasok doon.
Umupo ako sa upuan sa gilid ng hinihigaan ni Mio.
Wala ba siyang malay o natutulog lang siya?
May hika pala si Mio kaya nahimatay siya kanina. Masaya ako na tao siya at nahimatay lang sa nangyari kanina.
Kung hindi ko siya nailabas, baka namatay pa siya gawa ng hika niya. Malamang ay hindi siya makahinga gawa ng usok.
Hindi niya dapat malaman ang ginawa ko sa kanila. Baka kapag nalaman niyang ako ang may dala ng toxic bomb, hindi na niya matanggap ang gagawin kong pag-aanyaya sa kaniya sa clan.
Kailangan ko ring malaman kung may alam siya tungkol sa mga bampira.
Hahawakan ko sana ang kaniyang dibdib nang biglang may pumasok sa kwarto.
"What are you doing?" tanong ng isang opisyal.
Tumayo ako at binigyan daan sila papunta kay Mio.
"Wala naman po," sagot ko. "Aayusin ko lang po sana ang kaniyang damit at baka nasasakal na po siya.
Tumango siya. Nagpaalam na rin ako at wala naman na rin akong gagawin doon.
Nagpaalam at nagpasalamat na rin ako sa mga nag-asikaso sa amin ni Xaphier.
Habang naglalakad ako pabalik ng dorm ay napatigil ako. Nakita ko si Kaliex at Minari na magkasama.
Nagkukwentuhan at nagtatawanan sila. Hindi ganito si Kaliex sa amin. May kasama pang action ng katawan kapag nagkukwento.
Siya pa mismo ang nagpapatawa kay Minari. Parang sanay na sanay na sila sa ganoong set up.
Wala naman akong karapatan magselos, pero iyon ang aking nararamdaman ngayon.
Hindi ko na sila hinintay na makita ako. Agad akong umalis para hindi ako magmukhang kaawa-awa.
Pagkapasok ko ng dorm ay naalala ko ang toxic bomb na binato ko sa may halamanan. Bukas ko na ng tanghali iyon kukunin para itago.
Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ko na kakayaning madagdagan pa.
Lumipas ang ilang araw na walang pasok. Hindi ako pumasok ng dalawang araw sa klase. Wala akong ganang harapin ang iba.
Na-receive ko ang mga messages nila Den at Xaphier. Nag-aalala na raw sila, pati ang mga professors namin ay hinahanap ako.
Nagulat ako nang may nagbukas ng pinto ng aking kwarto. Naka-lock ang lahat ng iyon ah?
"Miss Minlei, pasensiya na kung sapilitan naming binuksan ang dorm mo. Nag-aalala lang kami na hindi ka ma-contact at hindi mo rin naririnig ang doorbell namin," saad ng isang taga admin.
May mga kasama rin siyang medical team. Saktong nakahiga lang ako sa kama at nakakumot pa.
"Check up ka lang namin ha? May masama ka bang nararamdaman?" tanong sa akin ng Doctor.
Umiling ako. Hindi pa rin ako nagsasalita.
Tuluy-tuloy lang sila sa ginagawa nilang check up sa akin.
"Normal naman po siya, Madam. Baka po na-trauma lang po sa nangyari noong nakaraang araw. Naaalala ko na kasama siya sa pangyayari sa dorm ni Sir Mio," saad ng Doctor.
Nakapasok na kaya si Mio? Kamusta na kaya ang isang iyon? Kailangan ko pa ring magpanggap ngayon.
"Nakita niyo na po ba si Vika?" nag-aalalang tanong ko.
Nagkatinginan silang lahat. Tumingin sila sa taga admin. Napahinga tuloy ito nang malalim.
"Iha, it is reall hard to say, but Vika tried to harm the three of you. Naniniwala kaming tumakas siya agad na hindi niyo namamalayan. Huwag mo na siyang hahanapin," malungkot na sabi ng taga admin.
Sa isip-isipan ko ay napapangiti na ako. Buti na lang at walang ebidensiya na nag-lead patungo sa akin.
"Akala ko pa naman po ay magiging kaibigan namin siya. Nagkuwento pa nga po siya na namatay ang kaniyang mga magulang dahil sa isang malaskas na pagsabog," pasimple kong sabi.
Umaasa ako na may mababanggit sila tungkol sa pangyayari na iyon.
"Lahi talaga sila ng traydor," inis na sabi ng taga admin. "Ang mga magulang niya ang pasimuno sa pangyayari na iyon. Maraming inosenteng namatay nang dahil sa kanila. Naawa lang kami sa anak nila kaya hinayaan naming magpatuloy nang pag-aaral dito. Mabait at tahimik kasi siya, hindi naman namin alam na ganito ang mangyayari. Kaya pasensiya na, Iha ha?"
Tumango ako. Hinayaan ko sila na umalis. Nagdala rin daw sila ng mga healthy na pagkain. Ipinatong daw nila iyon sa lamesa.
Nagpasalamat ako sa pagdalaw nila. In-excuse naman nila ang lahat ng absences ko. Na-trauma raw ako at valid na excuse iyon.
Nararapat lang pala na mawala si Vika sa mundong ito. Ang mga magulang niya ang pumatay sa aking mga magulang.
Naikuyom ko ang aking mga kamay sa galit. Kung hindi pa ito nangyari, hindi ko pa malalaman ang tungkol doon.
Dito na nagsisimula ang paghihiganti ko. Parehas kaming nawalan ng mga magulang ni Vika, pero malas niya lang na ako ang nakatapat niya.
Isang malaking palaisipan sa akin ang sinabi ng taga admin na nagtaksil ang mga magulang ni Vika sa kanila.
Ibig sabihin ay bampira rin ang halos majority ng nasa admin? Naisip ko tuloy na subukang lagyan ng toxic bomb ang office nila. Pero papaano ko iyon magagawa nang hindi ako pumupunta roon?
Tumayo na ako. Hindi pwedeng palagi akong nakahiga. Wala akong nagawa masyado.
Tiningnan ko ang dala nilang pagkain. Hindi naman siguro nila ako lalasunin. Hindi rin ako nakapagluto kaya pagtitiyagaan ko muna ito.
Nang makapatapos na akong kumain ay inulit ko ang ginawa ko noon. Pinatay ko ang lahat ng ilaw para mag-scan kung may CCTV silang inilagay.
Napansin ko ang isang nakakabit sa aking tapat ng sofa. Sabi na, paghihinalaan pa rin nila ako.
Saktong gabi naman na at babalik na ako sa aking kwarto kaya hindi naman mapaghihinalaan na tiningnan ko rin ito.
Humiga ako sa aking kama at ginamit ang remote para patayin ang ilaw. Sobrang dilim dito kaya mabilis makita kung may CCTV silang inilagay.
So far ay walang inilagay sa aking kwarto. Kailangan kong magpanggap na wala akong alam sa kanilang ginawa.
Kukunin ko muna ang loob nila para maniwala silang wala akong kinalaman sa nangyari.
Kinubukasan ay pumasok na ako. Kailangan kong kausapin si Den tungkol dito. Baka mamaya ay mayroon na rin sa dorm niya ng mga CCTV.
"Akala ko forever ka na sa dorm mo. Kamusta ang kalagayan mo?" tanong sa akin ni Den.
Nasaktuhan kong nasa labas siya ng kaniyang dorm, kaya nagkasabay kaming maglakad papasok.
"Medyo okay naman na ako. Nakakalungkot ang nangyari dahil nawala si Vika. Akala ko nga ay magkakaroon na ulit ako ng bagong kaibigan," sagot ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. Hindi niya siguro inaasahan ang magiging sagot ko sa kaniya.
"Nandito naman ako, Minlei. Palagi nga kitang inaabangan lumabas ng dorm. Anong nangyayari sa iyo?" naguguluhang tanong niya.
Kinuha ko ang aking cellphone at sinabi sa kaniya roon ang lahat ng nangyari, pati na rin ang CCTV.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. Inutusan ko siya na mag-delete ng messages pagkatapos magbasa.
"Iba na talaga ang panahon ngayon. Kahit wala kang ginagawang masama, ikaw pa rin ang sisisihin," sabi ni Den.
Alam kong nakuha naman niya na acting lang ang ginawa ko kanina. Ramdam kong gustong-gusto na niya akong batukan.
"Miss ko na sila Mom at Dad. How I wish na kasa-kasama ko sila ngayon. Nalulungkot ako, pero hindi ko alam kung paano mapawi ang mga iyon," ika ko.
Umupo agad kami ni Den sa upuan. Nandoon na si Minari sa kabilang banda. Ngumiti siya sa amin, pero hindi ko alam kung ano ang itutugon. Straight face lang ang aking nagawa.
Kumaway pa sa kaniya si Den na parang walang nangyari. Nagkausap na kaya sila?
Dumating na rin si Mio. Hindi ako makatingin sa kaniya. Pinili ko na magkunwaring tulala sa unahan.
Umupo siya sa may upuan sa likuran namin. Maayos na kaya siya? Siya ang napuruhan, pero ako pa ang naka-absent ng ilang araw.
Natapos na ang ilang subjects. Halos lahat ng professors ay sinasabing magpatulong na lang ako sa mga kaklase ko sa na-skip ko na lessons.
Biglang pumasok si Kaliex sa classroom namin. Bumilis ang t***k ng aking puso. Siya nag professor namin sa huling subject?
Bakit sa lahat ng magiging professor namin ay siya pa ang magtuturo sa amin.
Pasimple akong tumingin may Den nang mapansin kong napatingin sa akin si Kaliex.
Nagkibit-balikat lang si Den. Hindi niya agad ito nasabi sa akin. Nakakainis naman siya. Hindi ko tuloy napaghandaan ang paghaharap namin ni Kaliex.
Wala akong natutunan sa kaniyang mga itinuro. Halos nakatungo lang ako sa buong oras.
Napalitan na pala ang professor namin sa Business Management na subject.
"Magkakaroon tayo ng by partner na activities. Nakagawa na ako ng list ninyo," anunsiyo ni Kaliex.
Ano na naman itong pakulo niya? Medyo nagkakagulo ang mga kaklase ko. Napansin ko na maraming babae ang titig na titig sa kaniya, lalo na si Minari na nakangiti talaga.
Ako lang ata ang nakasimangot dito. Kahit ang mga lalaki sa unahan at gilid namin ay ganado.
"Tumayo muna kayong lahat," utos ni Kaliex. "Kapag tinawag ko ang inyong pangalan ay uupo kayo sa upuan na ituturo ko. Ito na amg magiging seating arrangement niyo sa buong sem."
May mga nagreklamo, may mga natuwa.
Napansin ko si Chelly na parang interesado sa kaniya. Nakangiti siya habang nakatingin kay Kaliex.
Nakaupo na ang ibang tinawag niya. Sumunod ay si Den at Minari.
Sinadya niyang magkagrupo ang dalawa para makasiguro na ligtas si Minari?
Napapikit na lang ako sa inis. Malamang kung hindi niya kilala si Minari, ako ang ipa-partner niya kay Den.
Tinawag niya ako ay si Mio. Tinuro niya ang tabi ni Minari. Pinapaupo niya ako sa tabi nito.
Walang kibong sumunod ako sa inuutos niya. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Pasensiya na kung magka-partner ang Top 1 at Top2 natin ha? Kailangang makahabol ni Minlei sa isang linggong absent niya. I believe na mas matuturuan ni Mio si Minlei ng mga lessons na nakaligtaan niya," paliwanag ni Kaliex.
May ilan kasi na bumoses nang tinawag kaming dalawa. Unfair naman talagang pagsamahin ang dalawang nasa itaas na rank.
Teka, na-maintain ko pala ang rank ko pagkatapos ng exams? That's good, at least ay malaki ang chance na buong taon ay 2nd ako. Ang dorm na iyon pa rin ang gagamitin ko.
Kung sino ang gumagamit ng mga ga-graduate na nasa top, doon siguro papapuntahin ang mga bagong nasa Top. Ikukumpirma ko iyon kay Denver.
"Masaya akong makasama ulit kayong dalawa," bulong ni Minari.
Ngumiti at tumango lang ako sa kaniya. Bumaling ako sa kanan ko para hindi na ako kausapin ni Minari.
Parehas kaming nagulat ni Mio nang hindi sinasadyang magkatitigan kami.
Ang awkward kaya napatingin na lang ako sa aking paanan. Paano ako makakakilos kung ayoko sa dalawa kong katabi?
Nasa unahan ko pa si Chelly. Ang galing talagang mag-assign ng pwesto ni Kaliex. Kung parehas pa rin kami at walang awkwardness, baka kinurot ko na siya sa gigil.
Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos ng klase niya. Nagsilabasan na ang ibang estudyanye.
Si Kaliex ay prenteng nakaupo lang sa unahan. Wala akong choice kung hindi ang pigilan si Mio maglakad.
Nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Pwede bang makahiram ng notes sa iyo at magpaturo sa ilang subjects?" walang paliguy-ligoy na tanong ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat lang siya.
Sumenyas ako kay Den na mauuna na ako.
"Sabay na tayong lumabas," saad ko sa kaniya.
Hinayaan niya ako. Nasa likuran lang ako ni Mio. Nagtatago ako para hindi masyadong mapansin ni Kaliex.
Agad akong tumabi sa kanan ni Mio para makaiwas. Napansin kong habol tingin sa akin si Kaliex noong makatapat na namin siya.
Hinila ako ni Mio na siyang ikinagulat ko. Mas napabilis ang paglabas namin ng classroom nang dahil sa kaniya.
Naglalakad na kami ngayon ni Mio papuntang dorm.
"Kabadong-kabado ka sa bagong professor natin ah?" sambit ni Mio.
Nakatingin na pala siya sa akin. Sumimangot lang ako.
"Kamusta ka na? May masama ka pa bang nararamdaman? May masakit ba sa iyo?" pag-iba ko ng usapan.
"Ayos na ako," sagot ni Mio. "Ikaw dapat ang kamustahin. Ang tagal mong nawala."
Malungkot akong ngumiti sa kaniya. "Nalulungkot lang ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay sunud-sunod ang problema ko. Hindi ko alam kung paano ko tutulungang ibangon ang aking sarili," saad ko.
"Iyong lalaki na iyon, siya ang dahilan nang pag-iyak mo noon. Tama ba?" bigla niyang tanong.
Natigilan ako sa sinabi niya. Wala naman sigurong masamang magkuwento sa kaniya. Hindi naman siya palasalita kaya hindi malalaman ng iba ang tungkol dito.
Pumasok ako sa dorm ko. Nakasunod pala siya sa akin. Hinayaan ko siyang makapasok.
Siya na rin mismo ang nagsarado nh pintuan.
Binuksan ko ang aking kwarto para ilapag ang aking mga gamit.
Lumabas ako para ipaghanda si Mio nang makakain. May mga panggawa ako ng sandwiches, kaya iyon na lanh ang ginawa ko.
May mga juices naman sa ref. Inihain ko iyon sa kaniya.
"Pasensiya na ha? Hindi pa ako nakapagluto. Mahihintay mo ba kung sakali?" tanong ko sa kaniya.
"Go ahead," saad niya. "Babasahin ko lang ulit ang mga lessons para madaling maituro sa iyo."
Nagpaalam muna ako sa kaniya para magluto sa kusina. Nagluto ako ng Buffalo wings at Bulalo. Ito ang mga paborito naming lutuin ni Dad.
Napapangiti ako habang tinitikman ko ang luto ko.
"Mas masarap pa rin magluto si Dad," kausap ko ang sarili ko.
Medyo natawa ako sa thinking na iyon. Miss na miss ko na sila. Ilang buwan na ang nakalilipas simula nang mamatay sila.
Masaya akong naghain sa harap ni Mio ng mga iniluto ko. Ito ang first time na nagluto ako para sa ibang tao rito sa Vnight Academy.
"Sana ay magustuhan mo iyan. Paborito ko ang Bulalo at Buffalo wings. Natutunan ko iyan kay Dad," proud na sabi ko.
Sabay kaming kumain ng Dinner. Kinain niya rin pala ang sandwich na ginawa ko.
"I really like it," saad ni Mio. "Actually, I love these. Version mo ang pinakagusto ko sa lahat."
Malawak ang ngiti ko sa pagpuri niya. Ngayon lang ako nakarinig ng ganiyan mula sa ibang tao.
"Talaga? Thank you! Ang tagal kong pinag-aralan ang style ni Dad. Sana ay nakuha ko iyon," masaya kong sabi.
Ngumiti siya sa akin. Napaka-unusual ng kaniyang ngiti kaya namangha ako.
"Gwapo ka naman pala lalo kapag ngumingiti. Dapat palagi kang ganiyan para hindi ka magmukhang masungit," biro ko sa kaniya.
Ngumiti ulit siya. Saad niya, "Makasabi ka ng ganiyan, ikaw nga ang palaging nakasimangot."
Bigla akong naging conscious. Napapansin niya pala talaga ako?