Episode 1: His Return

2534 Words
10 years ago Savion Henriquez. Savion Henriquez. Savion Henriquez Ang kapal naman ng mukha niya na magkagusto sa akin. Ako ang nag iisang Charm Rodriguez dito, hindi niya ba alam na isa kami sa pinakamayaman sa lugar namin? Naiinis ako sa kanya, pinahiya niya ako sa mga kaibigan ko. He gave me flowers in front of my friends at binubully ako ng mga kaibigan ko dahil dito. Matagal nang may gusto sa akin iyong Savion na iyon at sinabihan ko na siya na hindi ko siya gusto pero ayaw makinig. Hindi ko na matiis ang ginawa niya kanina kaya sinampal ko siya sa harap ng mga kaibigan ko. “Sinabi ko na sayo diba? Hindi. Kita. Gusto! Bobo kaba? Tignan mo nga ang sarili mo, hindi ka bagay sa akin dahil ang bagay sayo ay isang hampas lupang katulad mo! Kaya umalis kana dito at huwag ka nang magpapakita sa akin. Tatanggapin lang kita kung maging mayaman ka at bagay na sa akin, hampaslupa! ” Galit na sabi ko sa kanya, nakita ko na lumuhod siya sa harap ko kaya nakaramdam ako ng sobrang hiya sa harap ng mga kaibigan ko na nagtatawanan sa likod ko. "Mahal na mahal kita Charm, ginagawa ko na lahat para sa iyo." Mangiyak ngiyak niyang sabi, nainis naman ako lalo sa ginawa niya. Mas lalo ko siyang hindi matatanggap dahil ayaw ko sa lalaking umiiyak, sino ba naman ang magkagusto sa ganyang lalaki. Pinatayo ko siya ng marahas at sinampal ulit sa mukha. "Tumigil kana, I hate you so much!" sigaw ko sa kanya at tinulak tulak ito. "Hinding hindi kita magugustuhan," malamig kong sabi at Iniwan siyang mag isa room at umalis kami kasama ang mga kaibigan ko. Pagkatapos ng pangyayari na iyon ay hindi ko na muling nakita si Savion but I still remember the look on his face when I said those awful words to him. Present time I stared at my Mother who was crying hard right now and my Dad was comforting her, nalugi ang negosyo ni Dad at kailangan na ebenta ang hacienda namin. Kung hindi maitataguyod ni Dad ang negosyo ay mawawala na lahat sa amin at tuluyan na talaga kaming maghirap, mapipilitan akong maghanap ng trabaho rito. Wala na akong mga kaibigan dahil nong nalaman nilang naghihirap kami ay nawala sila na parang bula, na realize ko na marami palang peke sa mundong ito. Kailangan ko na siguro talagang maghanap ng trabaho. "Maghahanap nalang muna ako ng trabaho Mom, Dad.” Sabi ko sa kanila at napatingin naman sila sakin. "No Hon, masosolusyonan natin ito. Ikaw dapat ang magmamana sa lahat ng ito kaya hindi mo kailangang maghanap ng trabaho." sabi ni dad sakin at wala akong magawa kundi ang tumango pero naghahanap pa rin ako ng trabaho kahit hindi sila sang ayon dito. Kailangan ko maging ready sa lahat ng challenges na dadating sa buhay namin. Ngunit sa aking paghahanap ng trabaho ay walang kumukuha sa akin. Nag apply ako sa iba't ibang kompanya dito pero reject lahat at hindi ako qualified. Hindi ko alam kung bakit hindi ako qualified, alam ko namang matalino ako noon at mataas rin ang mga marka ko sa college. Siguro dahil alam nilang anak ako ng karibal nila sa negosyo noon? Iyan na ata ang dahilan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung walang kukuha sa aking dito ay mapipilitan akong lumuwas sa ibang lugar para doon magtrabaho. Kasalukuyan akong nagtatanim ng bulaklak sa harap ng bahay namin. Wala na kaming mga kasambahay dahil nga naghihirap pa kami ngayon kaya ako ang naglilinis dito at naging hobby ko narin ang pagtanim ng bulaklak kaya ginagawa ko ito kapag bored ako. Narinig ko na tumunog ang doorbell kaya binuksan ko ang gate at sa pagbubukas ko ay hindi ko inaasahang makikita ko siya muli. Si Savion Henriquez. My eyes widened in disbelief. Malaki ang pinagbago niya, ang payat niyang katawan noon ay build na ngayon at mataas na siya ngayon that I have to lift my head to see his face. His black hair is neatly styled on his face, he is now beautifully tanned. He is wearing a black T-shirt and blue jeans. Everything has changed, the guy that I rejected back then ay sobrang gwapo na ngayon at hindi ako makapaniwala. His eyes looked different, I could see the coldness inside them pero nawala agad yun. I saw him smirk towards me and eyed me up and down. Oo nga pala, madumi ako ngayon dahil sa pag tanim ko ng bulaklak. Nakaramdam naman ako ng hiya, hindi ko inaasahang maramdaman ko ito ngayon. "It's nice meeting you again, Charm." His voice is now husky and it sends shivers in my body. Napabalik ako sa realidad, please just act cool, Charm. "Savion,” I whispered at gusto ko lang naman sampalin ang sarili ko dahil sa pagkasabi ko. It made me appear weak and helpless. He chuckled. "Anong ginagawa mo rito?” finally ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob. "I came to look at the house, this house is mine now," he said calmly. I narrowed my eyes at him, ano ang ibig sabihin niya? At bakit naman maging sa kanya ang bahay namin? I looked outside at nakitang may nakapark na SUV sa labas, don't tell me na mayaman na si Savion. Naguguluhan ako, paano naman nangyari iyon? This is all new to me, hindi ko pa ma process ang lahat ng ito. Hindi ko nga akailang babalik siya dito at magkikita kami ulit. "Anong ibig sabihin mo?" Nagtataka na tanong ko sa kanya. He lent me a brown envelope kaya binuksan ko ito. "Ang partner ng papa mo sa business ay may utang sa akin kaya itong bahay niyo ang ibabayad niya. Your dad still has to pay all his debts at kulang pa itong bahay niyo pero he is giving your dad a time kaya bahay niyo nalang muna ang kukunin niya," hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, totoo nga. Pati sa kontrata iyon din ang nakalagay. Hindi ko maintindihan ang lahat ng pangyayaring ito, paano kami naabot sa ganito? At paano naging isang mayaman si Savion? Para akong nahihilo sa lahat ng ito, ano na ang gagawin namin? Paano si Mom and Dad? Hindi na maitataguyod ang negosyo kung ibabayad na lahat sa utang. Napatingin ako Kay Savion and saw him staring right into my eyes na para bang tinitignan ang magiging reaksyon ko. Gusto ko na sabihin niyang prank lang ang lahat ng to dahil sa ginawa ko sa kanya noon, pero hindi mangyayari iyon dahil ito na ang aming realidad. Nabaliktad na ang mga mundo namin. "S-savion, please huwag mo namang gawin ito," pagmamakaawa ko sa kanya, nawala na lahat ng pride ko dahil sa sitwasyon namin ngayon. Kaya niya ba ito ginagawa dahil sa nangyari sa amin noon?. "Kung tungkol ito sa nangyari noon, patawarin mo ako. Bata palang ako nun," malungkot na sabi ko sa kanya. Sigurado akong masasaktan ng lubos sina Mom kung maririnig nila ito kaya sana naman ay pumayag si Savion. Narinig kong napatawa si Savion, hindi ko alam kung Anong nakakatawa sa sinabi ko. "Marunong ka rin pala magmakaawa," malamig na sabi niya, hindi ko siya matignan sa mukha dahil ubos na lahat ang pride ko at wala narin akong pakialam dahil kailangan maisalba ang negosyo namin. “At tsaka, I don't care about the past anymore, Charm. Ang kailangan ko ngayon ay kunin ang bahay niyo para hindi makulong ang ama mo," sabi niya. Hindi ko inexpect ang susunod na mangyayari, I kneeled In front of him. "G-gagawin ko lahat Savion, please maawa ka," hindi ko na mapigilang mapaiyak. Wala akong marinig na sagot galing kay Savion at nabalot kami ng katahimikan. "Parang nostalgic ang lahat ng ito ha," narinig kong tawa niya at sumakit ang puso ko dahil hindi ganito ang Savion na nakilala ko. Nagbago na talaga siya. Hindi lang anyo ang nagbago sa kanya, pati na ang kanyang ugali. Alam Kong nasaktan ko talaga siya noon pero mga bata pa kami non. Akala ko puppy love lang ang nararamdaman niya sakin. "Papayag ako sa isang kondisyon," he said calmly. He pointed his index finger upwards, indicating me to stand up. Agad naman akong tumayo. "Gagawin ko lahat Savion," I said to him. He smirked and said. "You will become my maid sa loob ng limang buwan." sabi niya, sa ganitong sitwasyon ay ang pagiging maid niya ay hindi mahirap sakin. Okay lang sakin na magiging maid sa loob ng limang buwan kaysa mawala na samin ang lahat. "Papayag ako, salamat dahil pumayag Kang hindi kunin ang bahay namin," Sabi ko sa kanya. He leaned in kaya napaatras ako, he is so close to my face right now and I can feel his minty breath fanning my face. "Trust me Charm, you will regret that you made this deal," he whispered in my ears and then he walked away. My heart is now beating fast, narinig ko ang busina ng kanyang kotse, and the next thing I know ay may mga tubig na dumalo sa aking katawan. Savion drove in front of the dirty water na nasa harap ko dahilan ng pagkabasa ko. I closed my eyes at napa buntong hininga, feeling ko kasi deserve ko ito dahil sa ginawa ko sa kanya noon kaya hindi na ako dapat magalit. Magpasalamat panga ako dahil binigyan niya ako ng chance para isalba ang negosyo ni dad. Hindi ko sasabihin ni Mom and Dad ang tungkol dito, kailangan hindi nila malaman para hindi sila mag alala. Sasabihin ko nalang muna sa kanila na magbabakasyon muna ako dahil alam ko na hindi sila papayag na maging kasambahay ako ni Savion. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nagulat si Mom ng makita niya akong sobrang dumi at basa ang damit. "Charm, Anong nangyari?" nag aalala na tanong nito. "Natumba lang ako kanina habang nagtatanim ng bulaklak, Mom.” sabi ko sabay ngiti. "Mom, magbabakasyon muna ako sa Pampanga, doon muna ako Kay Cristy," sabi ko sa kanya, si Cristy ay pinsan ko na mayroon ng sariling bahay don sa Pampanga. Kailangan ko lang kausapin iyon na huwag sabihin nila Mom and Dad na wala ako don. "Sige anak, mas mabuti kasi sobrang busy na namin ngayon ng papa mo," Sabi niya, I smiled. "Maliligo muna ako, Mom," sabi ko at pumunta sa kwarto ko para maligo. Nang matapos na akong maligo ay nagsimula na akong mag impake para makapunta ako sa bahay ni Savion. Teka, hindi ko na alam kung saan siya tumira ngayon, paano ko siya mapupuntahan? I sigh at narinig ko na tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakitang si Savion ang nagtext, nakalagay doon ang address niya. Paano niya kaya nakuha ang number ko ng ganon lang kadali? Hindi parin talaga ako makapaniwalang mayaman na si Savion, ano kaya ang pinagdaanan niya noon kaya siya nakaabot sa ganyan na buhay. Ibang iba na siya, para na siyang modelo sa isang magazine. Gwapo naman siya noon kaso hindi ko pa talaga siya na appreciate dahil nga hindi siya mayaman, ang tanga ko talaga. Alam ko na napakasama ko talaga noon pero nagbago na ako, hindi na ako tulad noon. Nagising ako dahil sa sinag ng araw. I yawned at tinignan ko ang oras ta nakitang 8:00 na, kailangan ko nang pumunta sa bahay ni Savion ngayon. 5 months akong hindi makakabalik sa bahay nato kaya mamimiss ko talaga sina mom and dad. Sana naman hindi nila malalaman na wala ako don nila Cristy. Naligo na ako at nag ayos ng mga gamit ko at pagkatapos don ay nagpaalam na ako nila mom and dad. Nagi-guilty ako dahil hindi ko sinabi ang totoo pero kailangan ko tong gawin para sa kanila. Sumakay ako ng taxi at nagtungo na sa kinaroroonan ni Savion. Nang makarating na ako sa bahay niya ay namangha ako dahil sa kagandahan nito, sobrang laki ng bahay na ito. Binili niya siguro to, hindi ko akalaing mabibili ni Savion ang ganitong klaseng bahay. Huminga ako ng malalim at pinindot ang doorbell. I waited for him to open the gate pero hindi siya lumabas. I rang the doorbell again at pagkatapos ng ilang minuto ay binuksan na niya ito. I was mesmerized sa nakita ko. Savion is not wearing anything other than his boxer, he looks like he just woke up. Ngumiti naman ako sa kanya. "Pasok," sabi niya kaya pumasok na ako dala ang maleta ko. I examined the place, may isang malaking pool sa harap. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay, nakita Kong puno ito ng mga high tech na mga gamit. May malaking flat screen na para bang manonood ka sa sine. Mayaman naman kami noon pero hindi naman ganito kagara ang mga gamit namin, sobrang yaman na siguro ni Savion. "So here's the rules. Always remember that you are not a guest here," Sabi niya and I nodded my head. "You will clean all the spots in this house every day, you will cook food for me every day, do the laundry, and of course, kailangan mo ding linisin ang sa labas. Got it?" he said. I gulped, napakarami ng gawain araw araw, makakaya ko ba lahat ng iyon? "Okay," I whispered. "Kwarto mo nandyan sa pinakaunang room sa baba. Ilagay mo mga gamit mo at magsimula ka na sa trabaho. Lahat ng gamit panglinis ay andon na sa kwarto mo," sabi niya and I nodded my head at pumunta si Savion sa taas, siguro naa second floor ang kwarto niya. Pumunta na ako sa kwarto ko at pagbukas ko ay iba ito sa naging expectation ko. Basta ang alam ko ay sinadya ito ni Savion, it is more like a storage room dahil maraming mga gamit na nakalagay dito at konti lang ang space para sa gamit ko. Napabuntong hininga naman ako at nilagay ang maleta ko sa tabi ng kama. Kinuha ko ang mga panglinis at sinimulan ng maglinis sa sala. Nilinis ko rin lahat ng kwarto at sa taas na lang ang hindi ko pa nalinisan. Hihintayin ko lang muna si Savion na makababa baka magalit na pumunta ako don. Pagod na pagod na ako, sobrang laki kasi ng bahay nato kaya nakakapagod linisin. Sinabi ni Savion sakin na ako rin magluluto kaya magluluto na lang siguro ako. Tinignan ko ang oras at nakitang malapit na 11 ng tanghali kaya pumunta na ako sa kusina para ipagluto si Savion. Maraming mga can foods dito, ano kaya lulutuin ko? Ano kaya paborito niya na pagkain? Maraming sausage dito kaya baka ito ang paborito niya. Sausage nalang ang niluto ko at nagluto narin ako ng rice. Nang matapos na akong magluto ay ihinanda ko na lahat ng pagkain sa mesa. Gutom na gutom na ako pero hindi pa ako pwedeng kumain dahil wala pa si Savion. Ito ang first time na nagawa kong maglinis ng ganito kalaki na bahay at parang nahihilo na ata ako. Umupo muna ako dahil sumakit ang katawan ko, hindi kasi ako nasanay sa mga ganito. I heard footsteps from upstairs at nakita ang maamong mukha ni Savion wearing a gray sweatshirt and pajama. Kailan pa naging sobrang gwapo ng ganito si Savion?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD