Chapter 08: Ugh! Kairita

2717 Words

Blaire's POV Binalot kami ng katahimikan. Isa. Dalawa. Tatlo. Charot. Ano to spoken poetry? Pero totoo. Binalot kami ng katahimikan. Humigit dalawang minuto. Napayuko ako. Ano ba kasi ang iniisp niya? Kung sa tingin niya ay biro lang ang pag-aakyat ng ligaw ay mali siya. Kalaunan ay narinig ko ang pagbanggan ng pinggan at kutsara. Bumalik sila sa pagkain. Umangat ako ng tingin. Naging tahimik. At pokus sa pagkain ang aking mga magulang. Pero kaibahan sa akin. Nagulat pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako? Maiiyak? Maglulundag sa saya? Mangangamba? Malulungkot? O maging kalmado? Noon pa man ay may nararamdaman ako kay Arturo pero di ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya kanina. Kilala ko siya mula ulo hanggang paa. Magiliw. Malikot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD