Chapter 2

1243 Words
CHAPTER 2 Three years later…   --SUMMER RAYNE’s POV— “Summer! Food for table 6!” Kinuha ko ang tray at mabilis ang paglalakad papunta sa nasabing mesa. Habang binaba ang mga pagkain ay nang-uuyam na tiningnan ako ng matandang babae. Batid ko ang ma-awtoridad nitong presensya at d’on palang ay alam ko na isa itong Alpha. “What the hell! An omega is working in this prestigious place? Damn, they should call this a five star.” ‘How can they sense my pheromones?’ gulat kong saad. Ang akala ko’y wala ng makakaamoy sa akin after kong bumisita sa ospital at makuha ng result ng aking check-up. Siguro ay masyadong dominant ang genes nito kaya agad niya na-distinct ang aking second gender. “No offense, darling. But I’ve already lost my appetite by just looking at you. Your mere presence trashes this place.” Pagkasabi nila n’un ay tumayo na sila at lumapit sa manager. Hinawakan ko ng mahigpit ang tray nang mapansin ko ang sulyap ng manager ko sa akin. Alam ko na ang susunod na mangyayari, tatanggalin na nila ako. Ngunit hindi ako makakapayag, kailangan ko ang trabaho na ito. Hindi ako maaaring tumigil, kailangan ko ito. Pinapasok ako ng manager sa loob ng locker room at sinabing huwag akong lalabas roon hangga’t hindi closing time. Kabadong-kabado ako habang naghihintay at nagdadasal na sana’y hindi ako pabayaan ng Diyos. Kailangan ko ng pera pangtustos sa aking kapatid at pati na rin sa bayarin sa renta ng bahay at pati na rin sa mga utang na iniwan ng aking magulang. Pumasok si Miss Sales, ang aking manager, sa loob ng locker room. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nito dahil kaunti itong nakayuko. Lumuhod ako nang makalapit siya sa akin, unti-unting umagos ang luha sa aking mga mata. “Miss Sales, please po, huwag n’yo po akong tanggalin sa trabaho. I badly need this job!” pagmamakaawa ko. “Pasensya na, Summer.” Mahina niyang saad. “Alam ko ang pinagdaraanan mo ngayon, ngunit ginawa ko na ang lahat ng aking magagawa para kumbinsihin si boss na huwag kang tanggalin.” “Miss Sales, please po…” “I was shocked when that old lady sensed your pheromones. I am an alpha but I couldn’t sense you. N’ung dumating ka rito, akala ko’y isa kang beta.” “Hindi ko rin po alam. Ang sabi naman po sa clinic, hindi na ako maglalabas pa ng pheromones.” “Pero pasensya na talaga, Summer. Hindi ko na alam kung paano gagawan pa ng paraan eh.” Itinakip ko ang aking mga kamay sa mukha. I feel so hopeless. “Parang-awa n’yo na, Miss Sales. Kailangan ng kapatid ko ang operasyon.” Narinig ko ito na nagbuntong-hininga bago hawakan ang aking balikat. Marahan akong tumayo at humihikbi. “Summer, I know what I’m going to say will hurt you. But, why don’t you consider letting her go? She might be brain-dead already.” Umiling ako. Kahit malaki ang ginagastos ko sa ospital ay hindi sumagi sa aking isip na sukuan ang kapatid ko. She’s all I have. Paano pa ko magpapakatatag sa araw-araw kung papayag ako na mawala ang nag-iisang pamilya ko? “Miss Sales, hindi po ba ako bibigyan ng one-month tendering?” Hinawakan niya ang aking balikat. “Pasensya na.” “Miss Sales, naging mabuti naman po akong empleyado sa inyo. Baka po may mga contact person pa po kayo na kailangan ng katulong or kahit tagaalaga ng mga bata.” Sumiwang ang pag-asa nang hugutin nito ang phone mula sa kanyang jeans at tumipa roon. Habang tahimik itong tumitingin sa kanyang phone ay umupo muna ako upang kalmahin ang sarili. Ilang minute lang ay tumabi na ito sa akin. “I contact my best friend. Mayroon silang catering services and kailangan nila ng extra staffs for a big event on Saturday. Most of the staffs are betas and bonded omegas. Sabi niya ay pumunta ka raw roon bukas upang mabigyan ka ng uniform na susuotin mo.” Hinawakan ko ang kamay nito at ngumiti nang matamis. “Miss Sales, maraming salamat po!” “Most of the attendees are alphas, so drink your medicines upang mas makasigurado tayo. Binaggit ko na bonded ka kaya siya pumayag na i-hire ka,” paliwanag nito. “Sa pagkakataon na ito ay nakabawi na ako sa’yo. Ikaw na ang bahala sa iba pa.” Dahil sa nararamdamang awa sa akin ni Miss Sales ay ni-treat rin niya ako ng dinner. Ang ugali nito ay iba sa mga alphas, hindi ito tumitingin sa kung ano ang result ng second gender. Pagkatapos namin mag-dinner ay inihatid na niya ako sa ospital na pinagluluklukan ng aking kapatid. Pumunta ako sa cashier at binigay ang kalahati ng aking sahod ng araw na iyon para sa nalalapit na brain surgery ng aking kapatid. Yakap ko ang aking bag habang naglalakad sa maliwanag na hallway ng ospital. Kahit na may kapalit na trabaho ay hindi pa rin iyon sasapat. Kailangan ko pa ng isa pang trabaho na pang-Sabado at Linggo. Napahinto ako sa paglalakad nang may humawak sa aking braso. “Hey! You almost hit the janitor’s cart.” “N-Nurse Parker.” Banggit ko nang ma-realize kung sino ito. “You look tired. Are you okay?” Marahan akong tumango. “Ayos lang. May iniisip lang ako.” He smiled playfully. “Bibisitahin mo ba ang kapatid mo na ganyang ang iyong itsura?” Tiningnan ko ang aking repleksyon mula sa salamin ng ospital at napansin ang magulong buhok. Sa lalim rin ng pag-iisip ay hindi ko siguro napansin ang malakas na hangin sa labas ng ospital. Isinuklay ko ang isang kamay sa aking magulong buhok samantalang ang isa ay nanatiling nakahawak sa bag. Mahina akong napasinghap nang tulungan niya akong mag-ayos. Dahil may katangkaran ito ay nasa line of sight ko ang kanyang dibdib. Napalunok ako at napansin nito ang aking paglayo. Dumistansya ito sa akin. “Did I make you uncomfortable? I’m sorry, Summer.” Umiling ako at naramdaman ang pag-init ng aking pisngi. Matagal na akong may lihim na paghanga kay Nurse Parker. Na-attract ako sa mabuting kalooban nito at sa pagiging matulungin niya. Dahil nanatili akong tahimik ay yumuko ito upang maglevel ang aming mga mata. Ang luntian na mga mata nito ay nakakahalina. Sa ginawa nito ay halos mapatalon ang aking puso kaya agad akong umatras at tumakbo papunta sa kwarto ng aking kapatid. Nang maisara ang pinto ay n’on ko lang napansin na pinipigilan ko pala ang aking paghinga. HIyang-hiya ako dahil baka nahalata ni Nurse Parker ang pamumula ng aking mga pisngi. Nilapitan ko ang aking kapatid at binaba sa sahig ang aking bag. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng bed nito. I held her hand and put it on my cheeks. Makita ko lang ito na humihinga ay nawawala na ang aking pagod. “Hello, Heaven. Kaunting tiis nalang, ha? Malapit ko ng makumpleto ang downpayment para sa brain surgery mo.” Saad ko habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha. Kahit na maraming nakalagay ng equipment sa kanyang katawan ay nanatili pa rin itong maganda. “Kapit ka lang, kambal.” Bulong ko bago unti-unting hilahin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD