"DALE." Nilingon ni Dale ang kaibigan. "What?" Tanong ni Dale habang pinaglalaruan ang bracelet sa pulsuhan nito. "Pwede mo ba akong samahan?" Kumunot ang noo ni Dale. "Saan?" "Sa mall." "Gagawin natin dun?" "Bibili ng milktea." Napailing si Dale at kinuha ang isang folder sa kanyang mesa. "Magpabili ka sa asawa mo." "Eh, wala siya ngayon." "Saan nagpunta? Pero di na bale, si Zachary ang utusan mo. Kaibigan naman niya ang asawa mo 'di ba?" Wika ni Dale at inilapag ang folder na hawak. Ngumuso si Bree at umupo sa harapan niya. "Nakakahiya kaya. Sige na kasi, Dale. Samahan mo na ako." Napatitig si Dale kay Bree. "May bilihan naman ng milktea sa crossing. Doon ka na lang bumili." Sabi ni Dale. "Eh, ayaw ko dun." "Magpadeliver ka." "Ayaw ko." Dale puffed a breath. Tumayo it