CHAPTER 1
LAHAT NG MGA empleyado na nasa cafeteria ng Hauxxon's Company at kumakain ay abala sa kanya-kanyang pag-uusap maliban lang sa isang dalaga na nakaupo sa sulok at tahimik na nagbabasa ng libro.
"Dale!" Tawag sa kanya ng isa niyang ka-office mate. They are both in the same department.
May hawak itong dalawang tray at inilapag nito sa harapan niya ang isa.
"Salamat, Bree." Dale smiled.
Bree is her bestfriend. Ito ang una niyang nakilala nang makapasok siya sa Hauxxon's Company. Maganda ito at mabait kaya nakagaanan niya ng loob. Bree's name is Breeina, Bree for short. Bree is also friendly. Hindi ito katulad ng ibang empleyado na snob at masungit o di kaya ay mahilig sa plastikan.
"Your welcome. Nakita ko kasing libro na naman ang inaatupag mo."
Tumawa lang si Dale at itiniklop ang hawak na libro. Hindi niya itinatanggi na mahilig talaga siyang magbasa ng tungkol sa mga supernatural. Mula pagkabata ay ang pagbabasa ng libro ang kinahiligan niya. Napansin ni Dale na napatitig si Bree sa hawak niyang libro.
"Bakit?" Tanong ni Dale.
"Mahilig ka bang magbasa ng mga supernatural stories?" Bree asked.
"Oo." Sagot ni Dale at sumubo.
Napatango-tango si Bree. "Naniniwala ka ba na totoo ang mga lobo o bampira o kahit na anong klase ng mga hindi pangkaraniwang nilalang?"
"Oo." Seryosong sagot ni Dale.
"Seryoso?" Tanong ni Bree.
"Oo." Tumitig si Dale sa mata ni Bree. "Ikaw ba? Naniniwala ka ba na totoo sila?"
Nagbaba ng tingin si Bree at nahalata agad ni Dale na hindi alam ng kaibigan ang isasagot kaya iniba niya ang usapan nila.
"Huwag mo ng sagutin ang tanong ko. Kumain na lang tayo." Sabi niya.
"Dale?"
"Hmm?" Uminom siya ng tubig.
"Nakakita ka na ba ng lobo o bampira?"
Muntik ng maibuga ni Dale ang iniinom na tubig dahil sa tanong ni Bree. Tumaas ang kilay ni Bree at ngiti lang ang tangi niyang naisagot sa kaibigan.
Bree sighed. Napatingin siya sa libro na nasa tabi ni Dale at nagkibit-balikat.
May mga tao palang mahilig pa rin sa mga supernaturals. Ani Bree sa kanyang isipan at nagpatuloy sa pagkain.
Tahimik na silang kumain hanggang sa matapos sila. Pero habang kumakain sila ay napatingin si Dale kay Bree.
Bakit parang may kakaiba sa kanya? Tanong ni Dale sa kanyang sarili.
"Dale, sabay tayo mamayang uwian, ah." Sabi ni Bree kay Dale bago sila naghiwalay papunta sa kani-kanilang working station.
"Sure." Pagpayag agad ni Dale.
"Dale, gawin mo ito sabi ni Manager." Paglapit sa kanya ni Jenny bago pa man siya makaupo.
Kinuha niya ang folder at tinignan ang laman. Tumango siya. "Pakikuha mamaya."
"Sige."
Napabuga siya ng hangin ng makaalis ang kapwa niya empleyado. Umupo siya sa kanyang swivel chair at sinimulan na niya ang kanyang trabaho.
Dalawang oras yata ang lumipas nang bumalik si Jenny para kunin ang ibinigay nito kanina.
"Thank you." Pasalamat ni Jenny at umalis.
Habang nagtatrabaho ay naramdaman ni Dale na may nakatingin sa kanya. Pinabayaan na lang niya ito at nagpatuloy sa pagtatrabaho.
Mula sa gilid ng mata niya ay may nakita siyang nakatayo sa pintuan ng opisina nila. Nakasuot ito ng business suit kaya alam niyang lalaki ito, but when she looked at him wala na ito sa kanyang kinatatayuan.
Sino naman kaya 'yon? Multo?
Napailing na lang si Dale sa kanyang iniisip.
Nagulat siya nang may biglang naghampas sa kanyang mesa. Pagtingin niya ay si Bree ang nakatayo sa harapan niya. Nakakunot ang nuo nito.
"Tinitignan mo diyan sa pintuan?" Nagtatakang tanong ni Bree kay Dale.
"Hindi mo ba nakita ang lalaki na nakatayo diyan kanina?" Balik na tanong ni Dale.
"Ha? Lalaki? Wala naman." Sagot ni Bree.
Dale shrugged her shoulder. "Multo lang siguro ang nakita ko." Sabi niya.
"Multo?" Tumaas ang kilay ni Bree. "Baka bampira kamo."
"May kailangan ka?" Tanong ni Dale.
Namewang si Bree. "Uwi na tayo. Ikaw? Kung wala ka pabg balak umuwi."
Napatingin naman si Dale sa kanyang wristwatch at napailing. Five o'clock na pala ng hapon. Iniligpit niya ang kanyang table. Tumayo siya at sinukbit niya ang kanyang sling bag sa kanyang balikat.
Habang naglalakad si Bree at Dale sa hallway ay napaisip si Bree. Nandito kaya siya? Posible rin... sa kanya naman ang kumpanyang to, eh.
"Natahimik ka." Pansin ni Dale.
Umiling lang si Bree. Ipinalibot niya ang braso niya sa kanyang kaibigan. "Libre mo nga ako ng ihaw, bestfriend."
Patamad na tumingin si Dale kay Bree.
"Dapat ngang ikaw ang manlibre sa akin kasi mayaman ang asawa mo. Tsaka, hindi mo na kailangang magtrabaho pa."
Tumawa lang si Bree at naglakad sila palabas ng building.
"Namimihasa ka na, Breeina Vaugh." Umirap si Dale.
"Uy, bestfriend... sige na."
Nahilot ni Dale ang kanyang sentido. "Oo na ..."
"Yes! Yieee ... hindi mo talaga ako matitiis bestfriend."
Napailing na lang si Dale sa kanyang kaibigan at napatingin sa limang security guard ng company na iba ang tingin sa kaniya.
Hindi na lang niya ito pinansin.
Nakahinga ng maluwang si Dale nang makita niya ang asawa ni Bree at naghihintay sa asawa nito.
Salamat naman at hindi mabubutas ang bulsa ko ngayon. Aniya sa kanyang isipan.
"Eron!" Masayang sigaw ni Bree. Tumakbo papunta sa kanyang asawa at yumakap.
Ngingiti - ngiti na lang si Dale sa makitang kasweetan ng dalawa sa harapan.
"Pauwi na?" Tanong sa kanya ng asawa ni Bree.
"Papasok pa lang." Pamimilosopo niya.
"Sabay ka na sa amin." Aya ni Bree.
"Next time." Sabi ni Dale. "May pupuntahan pa ako." At ngumisi siya. "Hindi mabubutas ang bulsa ko ngayon."
"Akala mo makakaligtas ka sa akin, Dale. May bukas pa 'no?."
Tumawa na lang siya at tinalikuran ang dalawa.
"Dale!"
Humarap siya sa dalawa.
"He's watching you." Sabi ni Eron at pumasok na sa kotse nito.
He's watching you ...
Nag-replay sa utak niya ang sinabi ng asawa ni Bree. Pero nagkibit siya ng balikat. Sino naman kaya yon?
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang flower shop.
"Ma'am, ano po ang bibilhin niyo?"
Ngumiti siya. "White rose po."
Nang makuha niya ang rosas ay agad niya itong binayaran at pumara ng taxi. Nagpahatid siya sa kanyang bahay.
Inilagay niya ang binili niyang white rose sa vase at napangiti.
"For you ..."