Third person POV
Tooooooooottttttttt (tambuli)
Isang tunog ang umalingawngaw sa paligid ng bayan ng Grandi. Ang tunog na ito ay isang hudyat na dapat magtipon ang bawat mamamayan sa sentro ng bayan. Makikita rito ang isang maliit na entablado na gawa sa kahoy na pininturahan ng kulay itim. Ang entabladong ito ay kinakabit isang beses kada tatlong taon. At ngayong taon ay kanilang inilagay ito sa sentro para sa pagpili, makikita sa entablado ang dalawang watawat, ang unang watawat sa bandang kaliwa ay hugis rektanggulo na kulay itim na may berdeng linya sa mga gilid nito. Sa gitna makikita ang simbolo ng Grandi na tila anino ng isang kastilyo. Ang bayan ng Grandi ay may kakaibang simbolo sa lahat ng karatig bayan at siyudad sa buong kaharian ng Zendar. Hindi alam ng mga mamamayan nito kung bakit ganito ang kanilang simbolo ngunit ganunpaman, ipinagmamalaki nila ito sa lahat. Sa bandang kanan naman ng entablado nakalagay ang isa pang watawat, ang watawat na ito ay ang dahilan kung bakit kailangan nilang magtipon, at kung bakit may pagpiling magaganap.
"Magandang umaga sa mga mamamayan ng Grandi. Muli na naman tayong nagkita makalipas ang tatlong taon. Nais ko muling magpakilala sa inyong lahat. Ako si Raphael Sidir ang Tagapamahala ng Grandi. Ako ang mamamahala sa magiging napili ngayong taon. Bago natin simulan ang pagpili nais kong ipakita sa inyong lahat ang nakaraang kalahok sa Tournament of Power"
Tumingin ang lahat sa screen matapos magwika ni Tagapamahalang Rahael, isang eksena ang pinalabas roon. Isang lalaki ang tumatakbo patungo sa kagubatan. Ang lalaking ito ay puno ng sugat at galos. Ang binatang nasa screen ay ang napili ng Grandi sa Tournament of Power tatlong taon na ang nakararaan. May isang lalaki ang humahabol sa kanya at pinatamaan siya ng palaso. Isang palaso ang tumama sa lalaking sugatan, ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi ito huminto sa pagtakbo. Halata na pinaglalaruan ng lalaki ang kalahok ng Grandi lalo na at maaari naman niya itong paslangin ng madalian. Ngunit hindi niya iyon ginawa. Kada sampung hakbang ng lalaking sugatan ay siya ring pagtama ng panibagong palaso sa kanyang likuran. Ilang minuto nagtagal ang ganitong eksena bago humandusay ang lalaki. Natigil ang eksena sa screen.
"Hindi naging maganda ang pinakita ng nagdaang napili ng Grandi. Kaya naman kung mayroon kayong kumpiyansa sa inyong sarili. At sa tingin niyo ay malakas at magiting kayo, maaari kang magboluntaryo bilang isang napili" sambit ni Raphael ay tumingin siya sa mga mamamayan ng Grandi.
"Oras mo na Allan, hindi ba't malaki ang kumpiyansa mo na manalo sa Tournament. Mag boluntaryo ka na" ngising pahayag naman ni Lukas na nagpataas sa isang sulok ng labi ni Raphael. Rinig niya ang sinambit ng batang iyon dahil na rin sa exousia niya. May kakayahan si Raphael na makarinig ng mga tunog malayo man ito o malapit.
"Magtigil ka bata! Iaasa ko sa tadhana ang aking kapalaran, hindi dahil sa natatakot ako o kaya ay wala akong kumpiyansa sa aking sarili. Kungdi dahil naniniwala ako sa tadhana, na kung ako ang mapipili ay iyon ang tamang panahon upang magkaroon ng kampyeon sa Grandi" mayabang na pahayag ni Allan.
"Tsk ang sabihin mo ay naduduwag ka lamang" asar pa ni Lukas.
"Mag ingat ka sa sinasabi mo bata dahil baka ikaw ang mapili ngayong taon. Kapag nangyari iyon ay ako mismo ang huhuli at maghahatid sayo sa itaas ng entablado" inis na sambit ni Allan kay Lukas.
Napayukom sa kanyang kamao si Dark, nagpupuyos ang kalooban niya sa nakita kanina sa screen. Ang lalaking napili ay kakilala niya, ang binatang iyon ay kasama niya sa trabaho at parehas silang nag tatrabaho bilang kargador kay Mang Ted. Hindi siya pala kaibigan ngunit ganunpaman ay may pinagsamahan silang dalawa. Naalala pa niya ang itsura nito noong ito ang natawag bilang napili, tila nawalan ito ng dugo dahil sa putla, nanginginig pa ang mga paa nito habang paakyat ng entablado. Hanggang ngayon ay naaalala pa niya kung paaano ito tumingin sa kanya. Tingin na parang humihingi ng tulong, kasing edad niya lamang ang binata. Tahimik lamang ito at iilan lamang ang mga exousian na kilala nito. Kaya marahil sa kanya siya humingi ng tulong dahil sila ang magkasama noong araw na iyon.
Noong araw ng Tournament ay hindi nanood si Dark sa telebisyon. Marahil ayaw niya lamang manood dahil namumuhi siya sa ganoong kompetisyon o dahil sa kalahok roon ang binatang kakilala niya. Alin man ang dahilan ay sa huli isa lamang ang kinahinatnan ng kompetisyon. Matapos nang Tournament ay hindi na bumalik ang binata, nagluksa ang pamilya ng lalaki. At siya na lamang ang nag iisang nagtatrabaho kay Mang Ted. Sa makalipas na tatlong taon ay unti-unting naghilom sugat na dulot nito sa pamilya ng lalaki ngunit tila muli itong nagbukas dahil sa napanood.
"Nais kong ihayag sa inyo ang bagong tagubulin ng Tournament. Sa halip na isang exousian ang magpepresinta sa bayan ng Grandi. Ang mapipili ngayong taon ay maglalakabay patungong siyudad ng Demi upang ipresenta ang isang grupo. Tama kayo ng narinig, magiging grupo ang ilalaban sa Tournament. Ang ibig sabihin ay magkakaroon kayo ng kakampi sa Tournament. May limang miyembro ang dapat na kasali sa paligsahan. Kaya napagdesisyunan ng siyudad ng Demi na kumuha ng isang tao sa bawat bayan,isang kalahok sa bayan ng Kwinz, isa sa bayan ng Hindale, isa rin sa bayan ng Bohon, sa bayan ng Gane at isa rin sa bayang ito. Ang mga kalahok na mapipili ngayong araw na ito, ay maglalakbay patungo sa akademya ng siyudad ng Demi gamit ang mga tren at magiging opisyal na kalahok ng kompetisyon. Ang Tournament of Power!" Huminto sa pagsasalita ang tagapamahala at tumingin sa mga mamamayan ng Grandi sa ibaba ng entablado. Mapapansin sa mga mukha nila ang kaba at takot, para sa pagpili.
Ang Tournament of Power ay hindi isang simpleng paligsahan lamang. Dito nakasalalay ang pag angat ng isang siyudad o bayan sa kanilang estado ng pamumuhay. Ang manlalarong mananalo sa paligsahan ay kikilalanin sa buong kaharian ng Zendar at pagtutuunan ng pansin ng maharlikang angkan ang pag unlad ng bayan ng mananalong manlalaro.
Ang Tournament of Power ay isang larong buhay ang nakasalalay. Isang exousian lamang ang maaring makaalis ng buhay sa Tournament at tatanghaling kampyeon. Tumingin si Raphael sa mga exousian ng Grandi. Tinitingnan niya ang iba't ibang ekspresyon ng mga ito. Hindi magawang tumingin ng mga taga Grandi kay Raphael, takot sila na baka makita ng Tagapamahala ang galit at inis sa kanilang mga mata. Alam ng lahat ng mga bayan na ang mga exousian ng Grandi ay hindi bihasa sa pag gamit ng exousia. Kaya ang mga exousian na napipili sa Tournament ay hinatulan na ni kamatayan. Dahil sa kakulangan ng kaalaman pagdating sa pag gamit ng exousia, hindi na umaasa ang mga taga Grandi na makabalik pa ng buhay sa Tourmament.
Ito ang dahilan kung bakit may galit ang mga taga Grandi dahil na rin sa Tournament na paparating. Tumitig ng mariin si Dark kay Raphael na parang kinakabisa ang itsura nito sa kanyang isipan. May halong galit at inis ang tingin na ipinupukol niya. Galit siya dahil sa Tournament na ito at naiinis siya kung bakit kailangan pa niyang mapanood ang nangyari sa lalaking kakilala niya. Napansin ni Raphael ang titig ni Dark sa kanya, ilang segundo rin nagtagal ang titig na iyon na sinalubong ni Raphael bago iyon putulin ni Dark.
Gayunpaman namangha ang Tagapamahala dahil siya lamang ang kaisa isang exousian na may lakas ng loob na titigan siya ng ganoon. Ang titig na iyon. Ang pulang matang nakatitig sa kanya ay may halong galit, inis, isang emosyon na hindi niya mawari. Napangiti ang Tagapamahala.
'Interesante ang binatang ito. Mas hahanga ako sa kanya kung magboboluntaryo itong sumali sa Tournament'