“M-Mommy?” Sa pagmulat ng aking mga mata ang luhaang mukha ng aking ina ang tumambad sa aking paningin. “A-anak? Arthur! Si Louise nagisǐng na ang anak natin!” Natataranta na sabi ng aking ina at mabilis na pinindot nito ang red button sa bandang ulunan ko. Makikita ang matinding kasiyahan sa kanilang mga mukha habang patuloy na hinahaplos ng mainit na palad nito ang malambot kong pisngi. Naramdaman ko naman sa aking noo ang mariing pagdampi ng mga labi ng aking ama. Masasalamin sa kanilang mga mata ang labis na kagalakan.
Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid, wala akong ibang nakikita sa paligid kundi puting kisame at puting pader. Napako ang mga mata ko sa isang swero na nakakabit sa kanang kamay ko kaya nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa magandang mukha ng aking ina. Ngunit, sabay pa kaming lumingon ng aking mga magulang sa may pintuan ng pumasok sa loob ng silid ang tatlong nurse at isang doctor. Sinuri nila ang kalagayan ko at tinanong kung may masakit ba sa aking katawan. Ang lahat ng mga tanong nito ay nagtataka na sinagot ko ng marahang pag-iling.
“Wala na kayong dapat ipag-alala, Mrs. dahil maayos na ang kalagayan ng inyong anak. Nakangiting pahayag ng doktor kaya kapwa napangiti ang aking mga magulang. Ilang minuto na kinausap ng doctor sina Mommy at Daddy bago ito nagpaalam sa amin. Nang makaalis na ito ay biglang namayani ang katahimikan sa loob ng silid.
Labis akong naguguluhan kung paanong napunta ako sa hospital gayong sa pagkakatanda ko ay na sa school ako. Natahimik akong bigla at plit kong inaalala ang mga nangyari ng biglang magsalita ang mommy ko.
“Louise, tell me, anak, ano ang nangyari ng araw na ‘yun?” Ito ang tanong ng aking ina na labis kong pinagtaka, maging ang aking ama ay tila hindi na makapaghintay na marinig kung ano ang magiging sagot ko. Ngunit, bakit ganun? Bakit takot at labis na pag-aalala ang nakikita ko mula sa kanilang mga mata?
“Mom? Ano po bang nangyari bakit nandito ako sa hospital?” Nagtataka kong tanong, ngunit, nabahala ako ng biglang humagulgol ng iyak ang aking ina na wari mo ay nahihirapan na ang kalooban nito. Mas lumapit pa siya sa akin at mahigpit ako nitong niyakap.
“Melody, huminahon ka hindi makakatulong ang pag-iyak mo.” Paalala ng aking ama, hindi naman ito galit bagkus ay maging siya ay nag-aalala rin. Marahang hinagod ni Daddy ang likod ni Mommy upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng dibdib nito.
“Don’t worry baby, wala kang kasalanan, hm?malalampasan natin ang lahat ng pagsubok na ‘to, malalampasan natin.” Tila naninigurado niyang wika habang pilit na pinipigilan nito ang sarili na huwag ng umiyak. Lumalim ang gatla sa aking noô at naguguluhan na nag palipat-lipat ang tingin ko sa mukha ng aking mga magulang.
NAKARAAN...
Araw ng Biyernes ng i-anunsyo ang lahat ng mga nakapasa sa final exam. Marami ang natuwa sa naging resulta ng pagsusulit at isa na ako sa mga estudyanteng ‘yun. Dahil nangunguna sa bulletin board ang aking pangalan, hindi na ako makapaghintay na makauwi ng bahay at ibalita sa aking mga magulang ang pagkakapasa ko sa exam. Siguradong matutuwa sila kapag nalaman nila na matatapos ko ang ikatlong taon sa pag-aaral ng abogasya nang may mataas na honor.
“Wow! Louise, like what I am expecting, nangunguna naman ang best friend ko!” Masayang bulalas ni Denice sa tonong tila nagmamalaki bago mahigpit na yumakap sa akin. “Congratulations!” “Thank you!” Pagkatapos magpasalamat ay gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Kung marami ang masaya ay meron ding nalungkot at isa na run ang kaibigan kong si Denice.
Disappointed, ito ang makikita sa mukha ni Denice habang kapwa kami nakatitig sa ibabang bahagi ng mahabang listahan. Dahil kung ako ay nangunguna sa listahan siya naman ay panglima sa pinakahuling listahan ng mga pangalan. Nang makita niya ito ay walang gana na bumitaw siya sa akin saka humakbang palayo na tila masama ang loob.
“Tell me, Denice, hindi mo man lang ba nireview ang mga notes na i-binigay ko sayo?” Seryoso kong tanong ngunit nanatili pa ring mahinahon ang paraan ng pagsasalita ko.
“Nakalimutan ko, eh.” Walang gana niyang sagot sa akin, kaya isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan upang hindi sumabog sa inis. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang gagawin ko sa kaibigan kong ito. Dahil kung tutuusin ay dapat siya ang higit na responsible sa aming dalawa dahil mas matanda siya sa akin ng isang tao.
“You know naman na final exam natin, pero bakit hindi ka nag-intindi? I told you, hindi magandang ehemplo sayo ang lalaking ‘yan!” Sermon ko sa kanya na ang tinutukoy ko ay ang kanyang boyfriend na labis na kinababaliwan nito. Nang dahil sa lalaking ‘yun ay halos nasisira na ang buhay ng kaibigan ko. Madalas kasi na nagka-cutting classes ito para lang sumama sa boyfriend niyang halos patapon na rin ang buhay. Happy go lucky kasi ang boyfriend niyang si Rhed, at halos kabilaan din ang girlfriend nito na binabalewala lang ng kaibigan kong si Denice. Okay lang sa kanya na ginagawa na siya nitong rebound, katwiran kasi nito ay mahal niya.
“Could you please shut up? Para kang si Mommy eh, it’s so annoying!” Irritable niyang saad, she’s right, dahil sa akin siya ipinagkatiwala ng mommy niya para bantayan ang bawat kilos nito. Hindi na iba para sa akin si Denice dahil kapatid na ang turing ko sa kanya, kaya wala akong ibang hinangad kundi ang mapabuti siya. Minsan isa ito sa kinaiinisan niya sa akin dahil mas matured akong mag-isap kaysa sa kanya.
“Because what you're doing is wrong, Denice!” Parang nauubus na ang pasensya ko habang sinasabi ito. Sinisikap ko na huwag magtaas ng boses dahil ayoko na mag-away kami, kailangan kong unawain ang kaibigan ko, dahil ayon kay mommy ay kulang sa atensyon mula sa kanyang mga magulang si Denice. Kaya mas mainam na matagpuan niya sa akin ang atensyon na kailangan nito upang hindi daw siya tuluyang mapariwara.
“Lagi namang ganyan, eh! Oo na, ikaw na ang laging tama, ikaw na itong matalino habang ako ay isang estudyante na patapon ang buhay!” Naluluha na nitong sabi kaya bigla akong natameme. Malungkot na lumapit ako sa kanya at malambing na niyakap siya mula sa likuran. Ito ang hirap kay Denice, masyado siyang emosyonal. Mabilis siyang umiyak kaya naman ang ending kahit na siya ang mali ay ako pa rin ang laging so-sorry dito.
“Huwag ka ng magtampo, you know naman ang point ko dito is ‘yung grades mo. Nakalimutan mo na ba na nagbigay sayo ng last warning si Tita.” Nang marinig niya ang sinabi ko ay natigilan ito, kita ko ang matinding kabâ mula sa kanyang mukha.
“Anong gagawin ko, kapag na hold ang allowance ko ay hindi ko na makakasama si Rhed.” Nababahala niyang sabi kaya naman tumirik ang mga mata ko dahil sa matinding inis. Ngalingaling batukan ko ito para lang matauhan.
“Ano ka ba naman Denice! Wake up! Hindi mo ba nakikita na ginagamit ka lang ng lalaki na iyon!” Naiinis kong sabi bago humakbang palayo sa kanya, kung pwede lang na i-untog ko ang ulo nito sa pader ay ginawa ko na! Baka sakaling tumino ang utak nito! Speaking of the devil ay mula sa di kalayuan biglang lumitaw ang boyfriend nitong si Rhed. Masyadong maangas ang dating nito at ewan ko ba kung bakit maraming babae ang uto-uto na patuloy na kinikilig sa lalaking ito. Because for me? Walang maganda sa lalaking ito! At higit sa lahat ay hindi siya magandang ehemplo para sa aking kaibigan.”