Chapter 34 RED KASALUKUYAN akong nasa parking area ngayon. Hinihintay ko si Sophia. May usapan kami na pupuntahan namin ang isa sa mga sikat na pasyalan sa Pasay. Nag-text na ako sa kaniya at ilang sandali nandito na rin 'yon. May huling klase lang daw ito— ayos lang naman sa akin at kaya ko naman siyang hintayin. Wala naman akong gagawin, natapos na rin ang practice namin sa Teatro. Excited akong dalhin si Sophia sa lugar na madalas kong puntahan n'on, lalo pa kapag naisipan kong magsanay sa pag-gi-gitara; tahimik kasi at para sa akin nandoon ang kaginhawaan. Mag-eenjoy si Sophia d'on. Sa kaunting panahon na nakakasama ko 'to, nakikilala ko na siya. Simple lang ang mga bagay na gusto niya, hindi lang talaga pwedi mawala ang pagkain na nakasanayan na siguro nito. Kitang-kita nam