SOPHIA WALA akong pagpipilian ngayon kundi ang e-enjoy na lang ang sandaling mayroon kami ngayon ni Red. Samo't sari ang emosyong nararamdaman ko; masaya dahil nakumpirma ko na kung gaano niya ako na-a-appreciate at pinagkakatiwalan ngayon, nandoon naman ang lungkot dahil sa sarili ko alam kong hindi magtatagal at malalaman niya na ang totoo. Napayuko ako. Malapit na ang sunset at nagtatalo pa rin ang isip ko sa pasya ko kung sasabihin ko na ba sa kaniya ang lahat ng 'to o hahayaan ko lang muna at panahon na lang ang hahayaang makakapagsabi kung kailan nga ba. Kaya ko pa ba? Ito ang tanong ko mula sa aking sarili. "Hey! Nakakapanibago naman ang katahimikan mo, Sophia. May masakit ba sa 'yo? Okay ka lang ba." "Nakakapanibago naman ang concern mo sa akin, Pula. May masakit ba sa 'yo?