SOPHIA NILAHAD ko ang palad ko sa harap ni Red. I'm surprised na tinanggap niya ito. Hinila ko siya palayo sa mga ito. Alam kong labis ang galit at nararamdaman ngayon ni Red sa puso niya dahil sa hindi inaasahang nakitang sandali sa Daddy niya at sa kasama nitong babae. "Okay lang ba sa 'yo kung umuwi na lang tayo?" tanong ko sa kanya. Nag-aalangan pa itong tumango-tango sa akin. "Marami pa namang pagkakataon. Ayaw kong manuod na wala kang gana. Masasayang lang 'yong oras at same time pera natin." "I'm sorry, Sophie." "Shhhhh. Nothing to worry about, Red. Ayos lang. Be fine too. Please." "Salamat sa pagpapakalma, Sophia. You're such a great person." Muling lumingon si Red sa gawi kung saan naroon ang Daddy niya. Hindi pa rin lumalabas ang mga 'to sa isang flower shop. Naisip kon