SOPHIA HINDI na ako nagtangkang magtanong pa ng kahit na ano mula kay Red. Lalo na ang may kaugnayan sa parents niya, family problem nila 'to at baka mag-cause lang 'yon ng isipin ni Red. Hahayaan ko na lang siguro siya mag-kwento sa kung ano man ang magpapagaan ng loob nito. "Feel busog..." sambit ko sa kaniya nang maubos ko ang kinakain ko. "Halata nga." "Saan tayo?" "Ikaw? Saan mo ba gusto." "Ikaw..." "I know." "I mean. Ikaw? Saan mo ba gusto?" "Ikaw din..." "I know too." Natawa kami pareho. "Seryoso na. Saan?" "Ikot-ikot na lang tayo. Pampatay oras." "Gusto mo talaga akong kasama? Seryoso ka na diyan?" "Wala akong choice." Kunwaring tinutok ko sa kaniya ang tinidor na hawak ko. "Salbahe ka." "Bilisan mo na. Ano'ng oras na." "Ayos lang 'yan. Kapag magkasama naman ta