SOPHIA MABUTI na lamang mabilis akong sinundo ni Manong Pido. Hindi ako natagalan sa paghihintay sa kaniya. Baka kasi maisipan lang ni Red na puntahan ako kung sakali. Galit ako sa kaniya! At kailangan kong panindigan 'yon. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko hindi pakikinggan ang mga paliwanag niya sa akin? Nilingon ko kung saan ko kanina lang iniwan si Red, dala ng sobrang tampo ko sa kaniya sa ginawa niyang pagtatago ng totoo. Wala na 'to roon. Naisip ko na lang na siguro binalikan nito ang babaeng nandoon kanina, ang babaeng sumira ng araw namin ni Red. "Maam Sophia, aalis na ba tayo?" untag sa akin ni Manong. Hindi ko pa rin kasi makuhang gumalaw mula sa kung saan ako nakatayo kanina pa sa tabi ng pinto ng Van namin. Napasinghap ako nang laglag balikat na umakyat. "