MAAGA akong pumasok at nagbabasakaling magkikita kami ni Sophia bago pumasok sa kani-kaniyang silid para sa oras ng klase. Hindi man lang ito nag-text sa akin tulad ng dati kapag nangungulit ito. Mukhang napakalaki ng pagbabago at adjustment yata ang gagawin ko kapag magtuloy-tuloy ang lahat ng 'to. Hindi rin ako halos nakatulog magdamag dahil sa kahihintay na magpaparamdam ito para makapag-usap. Mukhang wala yata itong plano makipagkita o pumasok ngayon. Halos trenta minuto na rin akong naghihintay dito sa sasakyan ko sa harap ng gate ng university. Dito ko siya unang matatanaw kung sakaling dumating na ito. 'Dumating ka na, Sophia!' ito ang paulit-ulit kong bulong sa sarili ko. Malapit na rin ang oras ng klase ko. Hindi ako pwedinv ma-late, terror ang professor namin sa major