RED HINDI ko rin inaakalang magkakaroon kami ng sandali ni Sophia ng katulad nito. Hindi ako na-inform bago magsimula ang event na makakasama ko ito sa entablado kasama ang ilang admin at student council ng kaniya-kaniyang department. Ang buong akala ko nang tawagin ang pangalan ni Sophia, ay hindi ito pupunta sa taas; nagkamali pala ako. Inalalayan ito ni Max hanggang sa maka-akyat siya, just like of what I expected. Napansin kong muling bumalik ang pinsan ko sa kung saan sila nakaupo kaninang dalawa. "Sophia, here." Hinila ng isang admin si Sophia patabi sa akin, hindi nakaligtas sa akin ang tangkang pag-iwas sana nito ganoon din ang nanlilisik na tingin sa akin kanina. Tahimik lang akong nakatayo sa tabi niya, pero sa puso't isip ko nandoon ang kagustuhan kong kausapin ito at