Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari sa dalawa basta't pinaharurot na lang niya ang sasakyan pero hindi naman niya alam kung saan pupunta. Nawala na kasi ang focus niya dahil sa biglaang pagdating ni Jeffry na ayaw muna niyang makasama sa araw na ito. Labag sa kalooban niya ang umuwi sa apartment kaya nag-isip siya nang mabuti kung anong lugar ang pwede niyang puntahan na hindi siya nito matutunton. Wala pang tatlong minuto ay nagliwanag ang kanyang mukha sa ideyang biglang pumasok sa kanyang isipan. Tama! Pupunta siya ngayon sa simbahan. Minsan na niyang narinig ang isa sa pinakasikat na lumang simbahan dito sa Bohol at iyon mismo ang papasukin niya ngayon. "Wala pa ring silbi ang pagdating mo kanina, Jeffry. Naisahan pa rin kita," natatawang saad niya sapagkat batid niyang hind