CHAPTER 2

1313 Words
Katatapos lang niyang mag-lunch break nang tawagan siya sa telepono ng kanilang Executive Director na si Sir Vince. Pinapaakyat siya sa opisina nito sapagkat may mahalaga raw itong sasabihin sa kan'ya. Mabilis ang kilos na tinungo niya ang elevator at pinindot ang numerong siyam. Nang marating niya ang palapag na kinaroroonan ng opisina nito ay agad niyang tinungo ang pinto na may nakapaskil na Executive Director's Office. Kumatok siya ng tatlong beses at pinihit ang siradura nang marinig ang sagot nito mula sa loob. Pagpasok niya ay nadatnan niya itong nakaupo sa harap ng computer. “Magandang umaga po, Bossing.” Nakasanayan na niyang tawagin itong gano’n, na siyang nais naman nito sapagkat ayaw nito ng masyadong pormal. Bahagya nitong itinaas ang tingin sa kan’ya at ngumiti. “Oh, ikaw pala iyan. Please have a sit, Arch Muñoz.” Arch for Architect. Umayos ito ng upo. "Salamat po.” Tumalima siya at umupo nang nakade-kwatro. Sa ganoong porma kasi siya komportable at hindi na rin siya nag-iilang dahil sanay na ang mga tao sa galaw niyang astigan, lalo na itong taong kaharap niya ngayon. “I just want to inform you about the next project assigned to you. It'll gonna be far from here but sure enough to capture your excitement since the location is in Bohol. So close to your province,” nakangiti nitong saad. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Talaga, Bossing? Yes!” Sa sobrang saya niya ay naisuntok niya ang kanang kamao niya sa ere. Narinig niya ang pagtawa ng kausap habang aliw na aliw na pinagmasdan ang kanyang naging reaksiyon. “Thank you po nang sobra!” Tuwang-tuwa siya sapagkat mabibisita na rin niya sa wakas ang kanyang nanay anumang oras na kanyang nanaisin. Isang sakay lang ng barko ang kanyang gagawin upang marating ang Cebu. Tumango ito. Ilang detalye pa sa naturang proyekto ang kanilang pinag-usapan bago sila natapos. “So, I guess you are very much ready to visit the site. Better start preparing your needed equipments now with your assistant and ring me a bell if everything is all set.” “I will, Bossing. Mauna na po ako.” Tumayo na siya at akmang tatalikod na sana nang muli itong magsalita dahilan upang muli siyang mapalingon dito. “By the way, Miles. You will be working with the COO of J&J Engineering, si Engr. Villafuente. Pero hindi kayo magkakasabay sa paglipad pa-Bohol. Baka sa site na lang kayo magkikita. And I must warn you to be vigilant. Nangangagat kasi iyon, lalo na sa mga dalagang kasing ganda at sexy mo,” biro ng kwarenta anyos na lalaki na sinabayan nito ng tawa. “Basta ba hindi bampira at walang rabis, Bossing, walang problema sa akin,” sakay niya sa biro nito. Nagkatawanan pa silang dalawa bago siya tuluyang nagpaalam sa lalaki. Habang naglalakad ay napailing na lamang siya sa huling sinabi nito. 'Kung kasing gwapo at hot ba ni Jamie Dornan ang engineer na iyon ay kahit ako pa ang luluhod upang magpakagat,' pilyang saad ng isip niya. Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang pagngisi. Pagkalipas ng tatlong araw ay lumipad na silang dalawa ng kanyang PA papuntang Bohol. Wala pang kalahating araw ay narating kaagad nila ang site. It took her two days to prepare the materials needed. Nang handa na ay sinimulan kaagad nila ang unang araw ng kanilang trabaho. Pagdating nila sa site ay sila pa lamang tatlo ang naroon. Ang foreman at ang assistant niyang si Jema, ang babaeng bersiyon nito ngunit Jimmy sa totoong buhay. Sinipat muna niya ang area at nang magsawa ay umupo sa ilalim ng malaking puno ng mangga. "Jemma, ano na? Na-contact mo na ba ang paespesyal na mokong na iyon? Aba'y magdadalawang oras na tayong naghihintay rito, ah!” Malapit nang uminit ang ulo niya sa tagal ng engineer. “Oo nga po, ma'am, eh. Kanina ko pa nga rin po tinatawagan si sir pero hindi naman sumasagot,” segunda naman ng foreman. “Hay naku, Arch. Kapag iyon talaga hindi darating in thirty minutes, paniguradong tatadtarin ko siya ng halik mula sa ulo hanggang sa mga daliri niya sa paa!” pabirong saad pa ni Jemma na nakaramdam na rin ng inip. “Yucks! Kadiri ka. Pano kung nakatapak pala ‘yon ng ipot? ‘Di magmistula pang vacuum iyang bibig mo!” Minsan talaga ay dinadaig ng baklang ito ang mahalay niyang utak. “Okay lang basta malaki at matigas 'yong kan’ya, 'yung braso I mean. Ay! ani nitong tumili nang pagkalandi-landi. Napailing na lang siya at tumawa dahil sa itsura nito. Agad silang natigilan nang isang baritonong boses ang biglang nagsalita mula sa kanilang likuran. “Therefore, I must apologize ngayon pa lang dahil five minutes mula nang sabihin mo iyon ay nakarating na ako.” Mababa ang boses nito. Hindi niya alam kung natuwa ba ito o nairita dahil narinig nito ang kanilang usapan ng malandi niyang PA patungkol dito. Magkasabay silang tatlo na lumingon upang tingnan ang may-ari ng boses na iyon. Her heart jumped when she saw the jaw-dropping complexion in front of her. So manly, from his broad shoulders down to his wide hips, back to his pompadour hairstyle, sharp jaw and angular cheekbones. Hindi niya makita ang mata nito dahil sa nakatakip na tinted shades. Ang matangos nitong ilong ay mas nakadagdag sa kagwapuhan ng lalaki. Habang tinititigan niya ito ay nagsimula na namang gumana ang kapilyahan ng kanyang utak. ‘Dios ko po, Miles. Kay gwapong nilalang naman nitong nasa harap mo. Makalaglag panty, Inday! But I think it would be better if he looked down for a second, pour himself a drink and bring the alcohol into his lips using his index finger and gaze at me seductively.’ “Sir! Kayo na po pala ‘yan. Mabuti naman po at dumating na kayo. Kanina pa po kasi kami naghihintay rito kaya kung anu-ano na po ang pinagsasabi nitong si Jemma.” Masigla ang tono ng foreman nang sabihin iyon. Kung hindi pa ito nagsalita ay hindi siya maputol sa kahalayang itinakbo ng kanyang isipan. Subalit, muli siyang napatulala nang dahan-dahan nitong inalis ang shades na nakatakip sa mata nito. Pakiramdam niya'y tila nag-slow motion ang buong paligid ng gawin nito iyon. “Pasensya pala kung pinaghintay ko kayo rito. May importanteng bagay lang kasi akong dinaanan. I'm Jeffry Villafuente by the way.” Inilahad nito ang kamay na agad din namang tinanggap ng foreman. Pagkatapos ay kay Jemma na halatang tulala pa ng mga oras na iyon. Pagkatapos ay itinuon nito ang tingin sa kan’ya nang matagal. Mula sa mukha ay ibinaba nito ang tingin sa kanyang katawan, specifically sa dibdib pababa sa beywang hanggang sa paa at pabalik. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkainis at pagkailang. “Miles Muñoz.” Ginawa niyang pormal ang tono at pagsasalita. Siya na ang unang naglahad ng kamay upang putulin ang nanunuot nitong mga titig sa kan'ya. Ngumiti ito kaya nahantad ang maputi at pantay nitong mga ngipin. Kasabay ng magandang arko ng labi ay siya ring pagngiti ng mga mata nito. ‘Diyos ko naman po, bakit n’yo naman po ako binigyan ng kasamang engkanto rito? Paano pa po ako makakapagtrabaho nang maayos kung ganito ka sagabal sa mata ang makikita ko sa araw-araw?’ litanya ng isipan niya. Sumilay ang ngiti sa gilid ng labi nito. “Then, you must be the architect, right?” Tumango siya. “I am.” Binitiwan niya kaagad ang kamay na hawak na pala nito at mabilis na tumalikod. Hindi niya alam kung ano ang naging reaksiyon nito sa ginawa niyang pagtalikod sa lalaki. Kailangan kasi niyang gawin iyon upang hindi nito isipin na maging siya ay pinagpapantasyahan ito tulad ng malayang pagnganga ni Jemma. Well, slight lang naman. “Okay. Let’s start,” narinig na lamang niyang sabi nito mula sa kanyang likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD