Chapter 58

2723 Words
CHAPTER 58 Ilang beses tinanong ni Craig ang kanyang sarili kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan niyang patumbahin ang Fallen Angel, na kahit alam niyang nasa peligro ang buhay niya sa kamay ng sindikato ay gusto niya pa ring lumaban. Ngayon, alam na niya ang sagot... ginagawa niya ito para kay Zeta. "Ginagawa ko ito, kasi alam kong kapag hindi ko ito ginawa... ikaw ang mapapahamak," sabi pa ni Craig, mahina at nanginginig ang kanyang boses. Tila pinipigil niya ang kanyang sarili na masabi ang tungkol kay Mirabel, natatakot siya sa magiging reaksyon ni Zeta kapag nabanggit ang tungkol sa isa pa nilang kaibigan. Kaya hangga't maari ay gusto niyang pamukhain na si Zeta lang ang bukod tanging rason. Nagsimula ang pagkakilala niya sa sindikato nang madiskubre niya ang ilegal na ginagawa ni Karl, nalaman niya na may maitim itong ginagawa na sa pananaw niya ay bawal sa batas. Sa umpisa ay gusto niya lang itong puksain upang hindi na lumaganap pa ang ginagawa nitong paggawa ng ilegal. Pero nang mawala si Mirabel at wala siyang nagawa para iligtas ito, alam niya nang seryosong laban na ito at hindi na lang ito tungkol sa isa siyang pulis at sila ay mga kriminal. Nahaluan na ito ng personal na adhikain na sirain ang sindikato kapalit ng kaligtasan ng mga taong natitira sa buhay niya. Patuloy ang pagtulo sa mga mata ni Zeta, dahil sa sinabi ni Craig ay bumalik na naman sa alaala niya ang mga nangyari noon... ang ginawa niyang pagpili kay Karl Christian de Guzman para nakawan. Dahil sa ginawa niyang iyon, nagsimula ang problema nilang ito. Iyon ang naging dahilan bakit pare-parehong nanganganib ang buhay nila... dahil sa kanya. Ano man ang magawa nila, ano man ang mapigilan at mapuksa nila, hindi na mababago ng mga tagumpay na iyon ang katotohanan na siya ang nagsimulang sumira sa tahimik nilang buhay. Ibinaling ng dalaga ang tingin niya kay Zyx, napaiwas naman ito sa kanya na para bang ayaw niyang ipakita kay Zeta na siya ang rason bakit ganito sila kadesidong puksain ang sindikato. Pero kahit hindi siya magalita, alam na niya iyon... dahil kilala niya ang kapatid niya at wala itong gagawin kundi ang siguraduhing magiging ligtas siya. At ito ang tanging paraan na naiisip niya. "Pero hindi ko kailangang gawin ninyo ito para sa akin, hindi naman dapat maging kapalit ang buhay ninyo para sa akin," ani Zeta. Mahinahon ang kanyang boses, pero mababakas pa rin ang inis sa tono. Naging diretso ang tingin ni Craig sa kanya, ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na humarap kay Zeta gaya nito—ang magawang sabihin ang mga dahilan niya. "Alam ko, matagal akong nawala at matagal bago ako muling nagpakita sa inyo. Madaming taon ang nasayang na wala ako sa tabi mo, pero ngayong nandito na ako... gusto kong bumawi, gusto kong patunayan sa 'yo na hindi lang si Zyx ang nandiyan para sa 'yo... nandito rin ako." Yumuko si Zeta, ayaw niyang marinig ang mga ganoong salita. "Hindi ito ang oras para riyan, Craig. Ang pinupunto ko rito, gusto kong itigil n'yo na ang ginagawa ninyo laban sa Fallen Angel. Naka-ilang warning na ba kayo galing sa kanila, kulang pa ba? Ano bang gusto n'yo pang mangyari para lang magising kayo sa katotohanan?" medyo tumataas muli ang kanyang boses, tila matigas niyang ipinaglalaban talaga ang kanyang katwiran. Napabuntong hininga si Craig, para bang ikinakalma niya ang kanyang sarili dahil nahahalata niyang ayaw pag-usapan ni Zeta ang tungkol sa nakaraan nila. Kumirot na naman ng bahagya ang puso niya dahil sa pag-iisip na maaring wala na talagang pakialam ang dalaga sa pinagsamahan nila noong mga bata pa sila. "Zeta, makinig ka," ani Zyx. Hinarap siya ng dalaga dahilan para ipagpatuloy niya ang sinasabi niya. "Sa tingin mo ba talaga, kapag itinigil namin itong ginagawa namin ay titigilan na rin tayo ng Fallen Angel? Hindi mo ba naaalala ang nangyari kay Karl? Zeta, nakakulong siya dahil sa amin! Akala mo ba hindi sila gaganti sa nangyaring iyon?" Gustong ipaunawa ni Zyx kay Zeta na ang isang sindikato, kahit pa makitaan ito ng parte na parang pinagbibigyan ka ng pagkakataon na sumuko ay hindi ibig sabihin na hindi na sila gaganti sa 'yo. Nasa ugali na nila ang panlalamang sa kapwa, malalakas na nga sila, mandaraya pa. Ang tanging hiling lang ng binata ay maintindihan ng kanyang kapatid na wala na silang magiging kawala pa sa Fallen Angel kung hindi ang makulong o mapahinto nila ang mga ginagawa nitong ilegal para mawala na ito ng tuluyan sa kanilang buhay. "Pero, Zyx, hindi ba't may usapan tayo na dapat mamumuhay na tayo ng tahimik? Paano naman natin iyon magagawa kung ang oras mo ay nakatuon sa sindikato?" "Ayaw mo manlang ba na pakinggan ang mga sinasabi namin kahit kaunti? Talagang ipipilit mo ang gusto mo?" kunot noong tanong ni Craig kay Zeta. "Craig—" Hindi na naituloy pa ni Zyx ang pagpapaalala niya sa kaibigan dahil hinarap na ito ng katapid niya, napakamot na lang siya ng ulo dahil alam niyang hindi pa tapos ang pagtatalo na ito. At sa tingin niya, hahaba pa ito lalo. "Ikaw, gusto mo rin bang ipilit ang gusto mo? Kung ikaw, sanay ka nang may nawawala sa buhay mo, ako hindi! Si Zyx na lang ang meron ako, at hindi ko kakayanin kapag nawala pa siya sa buhay ko!" giiti ni Zeta. Naningkit ang mata ni Craig sa kanya, pansin na pansin niya na sarado talaga ang isip ng dalaga sa kahit anong uri ng paliwanag. Tila isa lang talaga ang nakikita niyang nangyayari: "Mapapahamak lang kayo." "Zeta, kung ayaw mong mawala si Zyx. Ayoko rin! Kaibigan ko rin siya—!" "Hindi ko siya kaibigan! Kapatid ko siya!" Isang katahimikan ang muling namayani sa paligid, agad na pinigilan ni Craig ang sarili niya na makapagsalita siya ng bagay na hindi tama. Nasasaktan siya sa nagiging trato sa kanya ni Zeta, pero mas maganda na ito para sa kanya kaysa si Zeta ang masaktan. Mas kaya niya pang tanggapin na huwag na lang ipilit ang katwiran niya kaysa may mangyari pang hindi maganda. Napabuntong hininga si Craig, tila kinalma niya ang kanyang sarili. "Zyx, natutuwa akong ayos ka na. Pasensya na kung nahuli kami ng dating kagabi. Aalis na 'ko," iyon na lang ang huling bagay na sinabi niya. Iyon lang naman talaga ang plano ni Craig, ang masiguro na maayos na si Zyx. Wala naman siyang balak na makipagtalo kay Zeta gaya ng nangyari, mula ngayon ay hahayaan na niya ang dalawa at hindi na muli siya hihingi ng tulong kay Zyx tungkol sa sindikato para maiwasan na madamay pa sila sa anomang gulo na kahaharapin nila. Kung kanina ay nagdadalawang isip pa siya kung itutuloy niya pa ang pag-imbestiga sa Fallen Angel, ngayon ay desidido na siyang ituloy para kay Zeta. Dahil wala na siyang pakialam kung ikamatay man niya iyon, ngayon pa na narinig niya mula sa dalaga na wala na talaga siyang puwang sa buhay nito. Tumalikod siya kina Zyx at Zeta para lumabas ng kwarto. Pero natigil siya sa paglalakad nang magsalita bigla si Zeta, "Alam ko ang lahat, alam ko ang totoo," aniya. Bago pa humarap muli si Craig, nauna nang kumunot ang noo ni Zyx. Tila napuno ng kaba ang kanyang puso sa bagay na sinasabi ng kapatid niya. "Anong sinasabi mo?" tanong niya. Napalunok si Zeta, umatras siya palayo kay Zyx at pumwesto sa lugar na pareho niyang makikita ang reaksyon ng dalawang binatang kasama niya ngayon sa kwarto. Sa pagkakataong ito ay lumingon na rin si Craig sa kanya, pero kumpara kay Zyx ay blangko lang ang reaskyon niya na para bang lumingon lang para pakinggan ang kung anong gusto pa niyang sabihin. "Hindi ko na maalala kung ilang taon ba ako nang mangyari iyon, pero alam ko... naalala ko ang lahat. Alam ko, na ang mga magulang ko ay pinatay ng mga magnanakaw sa harapan ko. Alam ko rin, dahil sa pagkamatay nila ay dinala ako sa ampunan. At alam ko rin, na kayo ang naging mga nakasama ko sa ampunan na iyon," panimula ni Zeta. Tila nablangko na rin si Zyx sa bagay na sinasabi ng kapatid niya, hindi niya alam kung dapat ba niyang pigilan ito sa kanyang sinasabi. Pero wala siyang lakas ng loob para pahintuin ito sa pagsasalita, para bang may parte sa kanya na gustong malaman kung hanggang saan ang alam ni Zeta. "Alam ko ang nangyari sa akin nang mamatay sila, alam ko na si Zyx ang unang bata na lumapit sa akin at hindi niya ako iniwan mula noon..." muling tumulo ang mga luha sa mga mata ni Zeta, hindi niya alam kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito... para bang may kung ano sa loob niya na nagtutulak sa kanyang aminin ang mga bagay na iyon sa paniniwalang giginhawa ang pakiramdam niya. Bumaling ang tingin ng dalaga kay Craig. "Alam ko rin, ikaw ang gumamot sa akin... ikaw ang nagbalik ng sigla ko. Alam ko iyon noon pa! Pero..." Pinahiran niya ang kanyang luha, saka muling nagsalita, "Pero nagkunyari akong walang alam, walang naalala. Kasi natatakot akong marinig sa inyo kung anong nangyari sa akin, natatakot ako malaman kung ano ang tingin n'yo sa akin na nakita n'yo akong ganoon kahina..." Napayuko si Zyx, masakit para sa kanya na naririnig niya si Zeta na binabalikan ang mga nakaraan. Sinasabi niya ang mga bagay na naging dahilan bakit siya nasaktan. Pero ayaw niya itong pigilan, gusto niya pa ring pakinggan ang mga bagay na matagal na niyang gustong marinig mula sa babaeng tinuring niyang kapatid. "Si Zyx, sinabi kong kuya ko siya... nagpanggap akong ang akala ko ay kapatid ko siya. Kasi, gusto ko siyang maging kapatid... kasi, ayoko na siyang mawala sa tabi ko... kasi, siya na lang ang meron ako. Kahit palagi kitang inaasar, minahal kita na parang totoo kong kuya!" Sa mga salitang iyon, hindi na napigilan ni Zyx ang sarili na mapaiyak na lang din. Iyon ang mga salitang matagal niyang hinintay na sabihin ni Zeta... iyong malaman niya na kahit alam ng dalaga na hindi sila tunay na kapatid, isang kapatid pa rin ang tingin niya sa kanya. "At ikaw Craig, alam mo ba..." tila huminto ng sandali si Zeta, hindi niya alam kung dapat pa ba niyang ituloy ang sasabihin niya. Pero alam niyang dapat itong malaman ng binata, dahil matagal din niyang hinintay ang pagkakataon na sabihin ito sa kanya. "Noong umalis ka at iniwan mo kami, buo 'yung pag-asa ko na babalikan mo kami agad. Kaso, nu'ng panahon na naging miserable ang buhay namin at halos mawalan na kami ng pag-asa na makikita ka pa namin... hanggang sa napilitan na lang kaming magnakaw para mabuhay, inaamin kong pinilit ko ang sarili kong kalimutan ka! Kasi, kapag naaalala kita... nasasaktan lang ako! Nasasaktan ako kasi ang kapag nababanggit ang pangalan mo, iyong bagay na sinabi mo sa akin noong mga bata tayo ang naaalala ko. Ayoko nang maalala iyon kasi alam ko namang malabo na iyong mangyari," ani Zeta. Gulat ang naging reaskyon ni Craig nang banggitin iyon ng dalaga, iyon ay ang ipinangako niya kay Zeta noong araw na gumaling ito mula sa kanyang unang trauma—ang pangakong pakakasalan niya ito. Sa isip ng binata, maaring nasabi niya iyon dahil nga magkaiba na ang kanilang buhay—isang magnanakaw, at isang pulis. Natural na magkaaway, natural na magkaiba ang mundo. At mula sa mga salitang nanggaling mismo sa bibig ni Zeta, tuluyan na ngang naintindihan ni Craig ang pinaghuhugutan ng pagsusungit at pagiging malamig ng dalaga sa kanya—ito ay dala ng pagtatampo niya dahil ngayon lan siya nagpakita. Gusto niyang sapakin ang kanyang sarili dahil hindi niya iyon naisip, nabulag siya ng husto sa pag-aakalang dahil sa paglipas ng panahon na wala na siya sa tabi ng dalaga ay tuluyan na siyang nabura sa pusa nito. Kaya para kay Craig, kung meron man siyang matatawag na magandang idinulot sa naging takbo ng pag-uusap na ito, iyon ay ang naiintindihan na talaga niya ang nararamdam ni Zeta. "Zeta, hindi—" "Hindi pa ako tapos magsalita!" pigil niya kay Craig. Wala namang nagawa ang binata kundi itikom ang bibig niya at hintayin na lang matapos ito sa kanyang sinasabi. "At alam n'yo ba kung ano ang pinakamasakit sa mga nangyari? Iyon 'yung nakita ko mismo sa harapan ko... kung paano namatay 'yung kaisa-isa kong bestfriend. Wala manlang akong nagawa sa bagay na iyon!" sigaw ni Zeta. Lalong napaiyak si Zyx nang bumalik din sa alaala niya ang nangyari kay Mirabel—ang araw kung kailan pinatay siya ni Karl. At iyon din ang araw na bumalik ang trauma ni Zeta dahil nakakita na naman siya ng taong importante sa kanya kung paano namatay. Ngayon niya lalong naramdaman ang sakit at awa para sa kapatid niya na naranasan niya ang ganoong kasakit na bagay. "Alam ko ang lahat... lahat-lahat. Nang mabaril si Wren, doon ko naisip na dapat ko nang itigil ang pagiging isang mahina. Na kung ang mga kaibigan ko ay lumalaban para sa akin, dapat ganoon din ang gawin ko. Kaya muli akong umarte na wala akong alam, muli kong ipinakita sa inyo na ayos lang ako kahit ang totoo nasasaktan din ako katulad n'yo!" Mula nang gumaling muli si Zeta sa trauma niya, wala ni isa kanila ang nagpa-alala sa dalaga ng mga bagay na nanakit sa kanya. Lahat sila ay nagpanggap sa harap niya na wala rin silang alam, umarte sila na parang ayos lang ang lahat... pero hindi nila naisip, na ganoon din ang ginagawa ni Zeta. "Sa tuwing nag-uusap kayo, sa tuwing nagpa-plano kayo, sa tuwing babanggitin ninyo kung sino ang kaaway... nakikinig ako. Alam ko iyon lahat!" ani Zeta. "Kaya huwag ninyong ipilit sa akin na ginagawa ninyo ito para sa akin kasi hindi iyon ang kailangan ko! Huwag ninyo akong ituring na isang mahina na kailangan pa may ibang tao na tumayo sa harapan ko para sanggain ang patalim na tatarak sa akin. Kasi kaya ko rin iyong sanggiin para lahat tayo ay hindi tamaan. Kaya ko rin ang ginagawa ninyo kahit pa lalaki kayo at babae ako! Hindi ako baldado at mas lalong hindi ako lumpo! Lahat ng tao pinagdadaanan ang napagdaan ko, kaya huwag ninyong ipamukha sa akin na dahil lang naranasan ko ang trauma ay wala na akong lakas na lumaban pa." Nagkaroon ng katahimikan nang tumigil sa pagsasalita si Zeta. Tila huminga siya ng malalim para kalmahin ang kanyang sarili dahil nahihirapan na siyang huminga kakasalita kasabay ng pag-iyak. Tumingin si Craig ng pasimple kay Zyx, para bang pinaghihinalaan niyang iyon ang totoong rason nito kaya naisip niyang lumipat sa kabilang hideout—para umiwas na may marinig si Zeta na hindi dapat tungkol Fallen Angel. Nang mabawi na niya ang hinga niya ay muli siyang nagsalita, "Kaya sana, itigil n'yo na ang kapipilit na hindi ko kayo naiintindihan... kasi naiintindihan ko kayo. Gaya nga ng sabi ko, alam ko ang lahat!" Naging maluwag na ang paghinga ni Zeta, para bang nabunutan siya ng malaking tinik sa lalamunan mula nang banggitin niya ang mga bagay na iyon na matagal din niyang itinago. Gusto niyang ipagsigawan sa mundo na naging proud siya sa sarili niya dahil isang tagumpay na nagawa niya pa ring labanan ang madaming sakit at lungkot na dumating sa buhay niya. Muli siyang nagsalita, "Ngayon, kung talagang ipipilit n'yo pa ring dapat nating labanan ang Fallen Angel... sasama ako," aniya. "Zeta!" ani Zyx. "Hindi puwede!" sabi naman ni Craig. Kumunot ang noo ni Zeta sa kanilang dalawa, pinahiran niya muna ang luha sa kanyang mukha saka nagsalita, "Bakit kayo kumokontra?" tanong niya habang ipinagpapalitan ang tingin sa dalawa. "Si Wren at si Cahil, kasama n'yo sila sa unang naging misyon ninyo, 'diba? Pati ikaw, Zyx. Kasama ka rin nila. Samantalang pare-pareho lang naman tayong walang alam sa pakikipaglaban. Kaya bakit ayaw n'yo akong isali? Hindi dahil babae ako ay hindi ko na kaya ang ginagawa ninyo. Baka nakakalimutan ninyo, ako ang kumuha ng pera ni Karl Christian de Guzman... ako ang humarap sa kanya. Kaya kung ano man ang kayang gawin ng grupo ko, kaya ko ring gawin. Kung gusto ninyong maging makasarili na ipahamak ang sarili ninyo kahit alam ninyong may mag-aalala sa maaring mangyari sa inyo, kaya ko ring gawin iyon."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD