03

959 Words
Chapter 3 Kaide Nera's POV; "Yo daddy." Bati ko ng sagutin ko si papa ng tumunog ang laptop ko. "Musta kiddo?" Ani ni daddy habang nakatingin sa tabi ko. "Okay lang daddy medyo masakit lang ulo ko." Naghihikab na sambit ko bago tingnan si Caito na mahimbing na natutulog sa tabi ko ng mapansin si daddy na nakatitig. "Kung ano mang iniisip mo daddy wala akong ginagawa." Poker face na sambit ko na kinatawa niya bago tumingin sakin. "Wala akong sinasabi Kaide defensive ka masyado." Nang aasar na sambit ni daddy na kinagusot ng mukha ko. "Siguradong matutuwa si Kace at si Eros pag nakita yang kasama mo sa kama." Ani ni daddy na kinangiwi ko. "Daddy ang pangit ng words na lumalabas sa bibig mo." komento ko na mas kinatawa niya ng---. "Dad." Napatingin ako may Caito ng bumangon ito at tingnan ang laptop na nasa harap ko. "Hey princess." Bati ni daddy na kinangiwi ko. "Daddy hindi babae si Caito para tawagin niyo ng princess." Saway ko kay daddy na kinailing nito. "Wait pano mo nakilala si daddy?" Tanong ko habang nakatingin kay Caito na kinukusot kusot ang mata niya. "Twice a month dumadalaw ako kay Caito kaya kilala niya ako." Si daddy ang sumagot na kinatingin ko. "Kasama si papa?" Tanong ko. "Hindi pero alam niyang pumupunta ako para icheck si Caito." Sagot niya bago sumandal sa sofa at tingnan si Caito. "Bye dad gutom na ako." Paalam ni Caito bago bumaba ng kama. "Caito mag tshinelas ka." Utos ko ng lalabas itong nakapaa. Hindi ito nagsalita na kinabuga ko ng hangin ng magtuloy tuloy itong lumabas. "Madadala mo na ba dito si Caito?" Tanong ni daddy na kinatahimik ko sandali. "Hindi ko sure daddy." Sagot ko. Masyadong ilag sa tao si Caito nagiging bayolente din ito pag may ibang tao na humahawak sakanya. Dalawang buwan bago siya naging komportable sakin at masanay sa presensya ko at sa dalawang buwan na yun puro kagat at kalmot ang nangyayari sakin. 'Pano ko siya madadala nan sa syudad?' Parang tangang tanong ko sa sarili ko habang hinihilot ang sintido ko. Nagkwentuhan pa kami ni daddy sandali bago siya magpaalam na kinabuga ko na lang ng hangin. "Tumawag daddy mo?" Napatingin ako sa pinto ng pumasok si paps. "Pinauuwi na kami ni Caito." Ani ko bago tumingin sa veranda kung saan kitang kita ang buong kagubatan. "Nakita mo na ang kondisyon ni Caito anong plano mo?" Tanong ni paps. "Balak ko ako na lang ang uuwi at mag stay na lang si Caito dito, ako na lang bahalang mag eexplain kina papa." Ani ko bago tingnan si paps. "Akala ko ba pumunta ka dito para piliting pumunta sa syudad si Caito." Ani ni paps na kinabuga ko ng hangin. "Yun ang utos ni papa para makasama namin si Caito pero anong gagawin ko kung ganitong buhay ang kinasanayan ni Caito." Sagot ko na kinatahimik ni paps. "Katulad ng sinabi mo kagabi hindi ko pwedeng pilitin si Caito sa mga bagay na hindi siya komportable, hindi na ito yung katulad ng 'dapat' at 'hindi dapat' niyang gawin." Dagdag ko bago sapuin ang noo ko at sumandal sa headboard ng kama. "Bagong mundo ang haharapin niya pag sinama ko siya ng sapilitan baka mas lalong makasama lang sakanya pag sinama ko siya sa labas." Ani ko na kinatawa ni paps. "Anong nakakatawa paps?" Tanong ko na kinailing niya. "Ngayon lang kita nakita na nag alala sa ibang tao bukod sa pamilya mo." Ani ni paps. "Tsk kapatid ko si Caito paps." Labas sa ilong na sagot ko. "So?iiwan mo si Caito dito?" Tanong ni paps na kinatigil ko sandali. "Mag aanim na buwan na ako nandito at hindi ako pwedeng mas tumagal pa dahil sa university." Out of the blue na sagot ko. --- "Hindi niyo pa din ba nahahanap si Caito?" Rinig kong tanong ni paps ng makababa ako galing sa taas. "Nawawala si Caito?" Nakakunot ang noong tanong ko. "Mag gagabi na hindi pa din umuuwi si Caito." Sagot ni paps. "Ako na maghahanap." Ani ko bago kuhanin ang jacket ko na nakalagay sa sofa at maglakad palabas ng mansyon. "Kaide kagagaling mo lang sa sakit." Ani ni paps pero hindi ko siya pinansin. "Caito!" Sigaw ko ng makapasok ako ng kagubatan nag aagaw na ang liwanag at dilim. Kahit papaano naman nakakakita pa din ako. "Caito!" Sigaw ko ulit habang naglalakad at tumingin tingin sa paligid. "Caito! Gabi na kailangan na nating umuwi." Ani ko hanggang sa may nakita akong bulto sa likod ng puno na sa hindi kalayuan sa pwesto ko. "Caito." Ani ko ng makita ko siyang dahan dahan lumabas dun at salubungin ako ng kulay berde niyang mga mata. Kahiy medyo madilim kitang kita ko ang pagkislap ng berde nitong mga mata habang nakatingin sakin. "Kanina pa kita tinatawag Caito diba?umuwi na tayo." Bulong ko bago lumapit sakanya. Hahawakan ko siya ng umiwas ito na kinatigil ko. "Umalis kana." Walang emosyong sagot niya. "Cait---." "Kaya kong umuwi mag isa hindi kita kailangan." Putol niya na kinabato ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit pero ng sabihin niya yun magkahalong galit at sakit ang naramdaman ko pero---wala na yatang papantay sa sakit na nararamdaman ko ng makita ko itong tumalikod at naglakad palayo. "Caito!" Sigaw ko pero hindi ito lumingon na kinainit ng ulo ko. "Caito!ano bang problema mo?!" Bulyaw ko bago mabibigat ang paang hinablot si Caito at sinandal sa punong nasa gilid ko at ikulong siya sa pagitan ng mga braso ko. "Ano bang problema?" Nanggigil na sambit ko. "Kung aalis ka umalis kana." Ani niya na kinatigil ko sandali hindi kaya---s**t. "Narinig mo ba kami kanina ni Lolo?" tanong ko pero hindi ito umimik at nanatiling nakayuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD