02

1110 Words
Chapter 2 Kaide Nera's POV; Napabuga ako ng hangin ng makitang wala nanaman sa kwarto si Caito. "Saan ka pupunta? malalim na ang gabi" ani ni paps ng pagbaba ko ng hagdan. Hindi na ako nagtaka ng makita ko siya dahil sa ganitong oras naman siya umuuwi dahil sa business na pinalalakad niya dito. "Ipapasok ko lang dito ang alaga mo." Walang buhay na sagot ko bago damputin yung susi na nasa loob ng isang cabinet ba nasa gilid ng hagdan bago maglakad palabas ng mansyon. "Wag mo ng pilitin kung hindi siya komportable dito sa loob Kaide." Ani ni paps habang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng kung ano. Ang daming nagkalat na tauhan ni paps dito sa labas specially sa labas ng stock room na hindi kalayuan dito. "Young master." Bati ng mga ito bago yumuko at tumabi ng lumapit ako ng stock room. "Nasa loob si Caito?" Tanong ko ba kinatango nila. 'Sabi na nga ba' ani ko sa sarili dahil kanina pinasok ko siya sa kwarto niya pagbalik ko wala na. "Umalis na kayo." Utos ko na agad nilang sinunod bago kumatok at buksan ang pintuan gamit ang susi. "Caito." Ani ko ng makita ko siya sa pinakasulok at nakahiga sa gitna ang mga pusa niya. "Sinabi kong matulog ka sa kwarto mo diba?" Ani ko pero hindi siya nagsalita. Kung may isang bagay man siyang ayaw na ayaw sa mga inuutos ko ay yung pagtulog niya sa kwarto na kahit isang beses hindi niya ginawa. "Inayos mo na itong stock room kaya malinis na bakit kailangan ko pa matulog sa kwarto?" Sagot niya kalaunan ng maglakad ako palapit sa pwesto niya. "Nilinis ko itong stock room para sa mga musang mo hindi sayo." Ani ko bago tingnan ang maliit na papag na pinagawa ko at may mga kakapalan na comforter na ginawa nilang higaan. "Utusan mong bumaba yang mga musang mo tatabi ako." Ani ko na kinatingin niya sakin na parang nagtataka. Nang hindi siya kumilos napabuga ako ng hangin at sumiksik na lang. "Ayaw mong matulog sa kwarto diba?sasamahan na lang kita." Bulong ko bago pumikit napamulat ako ng konti ng maramdaman kong lumuwang ang higaan namin at humiga siya sa tabi ko. "Goodnyt Caito." Bulong ko pero as expected hindi siya nagsalita. --- Kinaumagahan ng magising ako nakaramdam ako ng mabigat sa dibdib ko na kinamulat ko. Tatayo na sana ako ng makita ko si Caito na mahimbing na natutulog sa ibabaw ko. 'Hassle.' Ani ko sa sarili ko bago natatawang hinilig na lang ulit ang ulo ko sa higaan at ipatong ang kamay ko sa likod ng ulo ni Caito na nasa dibdib ko. Dahil sa medyo antok pa din ako pumikit na lang ulit ako kahit alam kong tanghali na dahil sa liwanag sa labas. *Hatchu!* Kanina pa ako bahing ng bahing tangna sama mo pa ang ulo kong parang binabarena. "Hindi porket sinabi kong wag mong pilitin si Caito pati ikaw matutulog na dun." Sermon ni paps ng maagaw ko ang pansin niya habang kumakain kami. "Harold pakidalhan nga ng gamot dito si Kaide." Utos ni paps sa isa aa mgs butler niya *hatchu* "Anong tinitingin ting*hatchu* argh!bwisit." Mura ko habang naiinis na ginusot ang ilong ko. Napansin ko kasing tinitingnan ako ni Caito dahil sa natural ang expression niya hindi ko alam kung anong iniisip niya. 'And ihate this f*****g idea of mine na pinagtatawanan niya ako.' "Wag mo akong titigan Caito kumain ka diyan at gumamit ka ng kutsara sa sabaw hindi tinidor." Asik ko ng makita kong hawak niya ang tinidor sa kanang kamay niya habang nakalagay ss loob ng mangkok. Hindi siya nagsalita at tumayo na lang kala ko aalis siya pero dinala niya ang pagkain niya at tumabi sakin na nasa pinakadulo ng lamesa. Lumayo kasi ako sakanila dahil sinisipon ako at kabastusan sa pagkain ang pagbahing pero itong makulit na ito tumabi pa sakin dala mga kutsara niya. "Sinisipon ako ano ba?baka mahawaan ka magpaturo ka kay paps gumamit ng kutsara wag muna sakin." Utos ko pero hindi siya nagsalita at tahimik na lang kumain gamit nga yung kutsara. "Paps utusan mo nga ito na lumayo saki*hatchu*" hindi ko maituloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa putanginang sipon na ito bwisit. "Hindi ko yan mauutusan kung gusto niya lang bumuntot sayo." Balewalang sagot ni paps habang kumakain sasagot ako ng lumapit yung butler na inutusan ni paps at bigyan ako ng gamot. --- "Hindi mo ako kailangan bantayan Caito makipaglaro ka kina Leopard sa labas." Ani ko ng magising ako at makita ko si Caito na tahimik na nakaupo sa isang bangko at nakatingin sakin. "Caito." Ani ko pero hindi ito nagsalita at inismiran ako. 'Lokong bata ito ah.' Napailing na lang ako at nagtaklob ng kumot dahil naiilang talaga ako sa mga berde niyang mata at wala ako sa mood makipagtalo dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. "Caito." Rinig kong sambit ni paps dahilan para tanggalin ko ang pagkakataklob ng comforter sa mukha ko. "Kanina ko pa pinahahanap si Caito andito lang pala." Ani ni Paps bago humakbang papasok at tingnan ako. "Kanina ko pa yan pinaalis." Ani ko habang marahang hinihilot ang sintido ko dahil sa kirot. "Tumawag si Jace kanina nasa England daw siya gusto ka daw makita." Ani ni paps na kinibitbalikat ko. Kung saan saan naman nakakarating yun si Jace hindi nanatili sa iisang bansa. Balak pa yata nun mag around the world dahil sa balak niyang puntahan lahat ng bansang matripan niya. "Sina papa tumawag na ba?" Tanong ko. Simula ng mapunta ako dito araw araw ng tumatawag sina papa para icheck ako walang palya hindi sa nag aalala sila sakin kung hindi nag aalala sila magagawa ko. Napapoker face ako ng pumasok ang ideang ganun na ba kasamang anak tingin nila sakin para maging sakit sa ulo din nina paps. "Ilang beses na tumawag sinabi kong may sakit ka tapos hinahanap si Caito yun nga pinahahanap ko yung mga pusa lang naman ang bumalik." Sagot ni paps bago tingnan si Caito na nakatingin samin. "Papaakyat ako ng mga pagkain dito mamaya." Ani ni paps bago tumalikod at maglakad palabas ng kwarto. "Caito." Ani ko bago tingnan si Caito na nasa upuan "Dito ka sa tabi ko." Dagdag ko pero hindi siya nagsalita at mabilis na tumabi sakin. "Ang init mo." Bulong ko bago siya yakapin ng mahigpit. Hanggang sa naramdaman kong marahan niyang sinusuklay ang buhok ko na kinamulat ko sandali hanggang unti unti nanaman akong hilahin ng antok. 'Sleep well...Kaide.' Imahinasyon ko lang ba o tinawag niya ulit ang pangalan ko. 'Ang sarap lang marinig ang pangalan ko sa bibig niya.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD