Chapter 8
Kaide Nera's POV;
"Mukhang andito na ang Archor." Komento ni Kiyo ng makitang bukas na ang mga ilaw sa hallway.
Ang Archor Gang ito ng grupong binuo ni Cassius Roxas katulad namin binuo din ito ng 2nd generation ng Midnights which is dating gang ni papa ang alam ko hanggang ngayon kinukumbinsi pa din ni Cassius si Airo para maging leader nila pero alam kong walang kaintere interes sa ganito si Airo mas trip nun bantayan 24 hours ang kakambal niya at rondahan si papa pag napunta dito.
"Kailan pa nag transfer dito sina Roqas?" Tanong ko.
"Isang buwan pag katapos mong umalis biglaan din kasi ang uwi nina tito Vlad kaya yun sunod ang buong gang." sagot ni Thallio na kumakain ng chips.
"Yo." Napatingin kami sa grupuhang nakaupo sa pinakastage ng covered court ng makarating kami sa field.
"Hii Caito!" Bati ni Moon bago lumapit kay Caito na napaatras ng nanakbong lumapit samin si Moon.
"Aww hihi cutiiee." Ani ni Moon habang sinisilip si Caito sa likuran ko.
"Moon tsk ang aga aga tigilan mo si Caito." Saway ko ng---.
"Hihi ang cute mo din Kuya Kaide ang kamukhang kamukha si Tito Kace ang unfair!" Ngumuso si Moon hahawakan niya ang pisngi ko ng bigla akong hilahin ni Caito dahilan para bumangga ako kay Vio.
'f**k!' Mura ko ang lakas nun ah pag angat ko ng tingin nakita si Caito na nakatingin kay Moon na kumikinang ang mata.
"Aray ko naman Nera ang sakit nun ano bang ginagawa mo?" Reklamo ni Vio bago lumayo sakin habang hawak ang mukha niyo.
"Si Caito tinulak ako ang sakit pucha." Ani ko bago bahagyang hinimas himas ang braso ko ang liit liit na tao ang lakas.
"Ano bang ginagawa niyo diyan Beast malapit ng mag umaga tara na." Nakakunot ang noong pang aagaw ng pansin ni Cassius samin.
---
"Anong ginagawa natin sa cafeteria?" Tanong ko ng dalhin ako ng mga gago sa Cafeteria.
"Apat na kasi ang namatay sa food poisoning at ito lang sa eskwelahan na ito ang pinagkakainan ng karamihan sa mga estudyante." Sagot ni Hiro Valdez anak ni Tito Aki.
"Tatlo sa mga estudyanteng yun scholar at isa sa mga waiter kaya imposible sa mga pagkain natin ang problema dahil isa lang sa araw na yun ang namatay at hindi lahat ng estudyante nalason." Sabat ni Cason.
"Duhhh Cason malamang nilagay yun sa plato ng isa sa mga wait---."
"Na ngayon ay patay na." Putol ni Cason sa kakambal.
"Sinubukan niyo na bang bantayan ang buong cafeteria specially sa kusina?" Tanong ko.
"Apat na kaming nagbabantay Nera may namamatay o nalalason pa din kahit halos parang aso na kaming bumubuntot sa mga waiter or chef ng cafeteria." Sagot ni Cassius.
Caito's POV;
Nakatingin lang ako kay Kaide habang nakikita itong inis na inis na nakikipag usap sa mga kaibigan niya.
"Galaxy wag kang malikot." Saway ko kay Galaxy ng pilit itong kumakawala sa pagkakahawak ko ng umupo ako sa isa sa mga lamesa.
"Pag hindi pa tayo gumawa ng paraan mauubusan tayo ng estudyante." Rinig kong sambit ng isa sakanila.
"Nakagawa na ba kayo ng background check sa mga estudyanteng namatay?" Rinig kong tanong ni Kaide.
"Wala silang pagkakapare pareho Nera, mapa normal na estudyante o member ng gang namamatay kung sa politic status naman tatlo lang sakanila ang may political issue sa pamilya atrest wala akong nakikitang pagkakapareho nila" Sagot ng isa sa mga sumalubong samin kanina.
Hindi ko sila gaanong maintindihan pero namamatay?dito?
Sabi ni lolo ang kamatayan daw ang pinakanakakatakot na pangyayari na hindi mo maiiwasan sa buhay ng tao pero bakit sila namomoroblema? Natural phenomenon ang kamatayan sa kahit na anong nilalang dito sa lupa.
'Takot din ba sila mamatay?' Tanong ko sa sarili bago tingnan si Kaide.
'Takot mamatay si Kai---de.' Napatigil ako ng may pumasok na scene sa utak ko na kilamig ng buong katawan ko.
'M-Mamatay?'
"Caito." Napatiningin ako kay Kaide ng lumapit ito sakin at sapuin ang pisngi ko.
"Anong problema? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ni Kaide na kinaangat ko ng tingin.
"Mamatay ka din ba pag hindi nahuli yung naglalagay ng lason?" Tanong ko na kinakunot ng noo niya.
"Wag mo akong alalahanin okay? Kami na bahala dun." Sagot niya bago marahang guluhin ang buhok ko at lingunin yung mga kabarkada niya na nakatingin samin.
"Mamaya ang Beast ang magbabantay ng breaktime at lunchbreak at sina Roqas ang magroronda." Ani ni Kaide.
---
"Bored kana?" Tanong ni Kaide bago humila ng upuan sa harapan ko.
Hindi na lang ako sumagot dahil tinatamad ako magsalita at hindi naman importante.
"Caito gusto mo ng candy?" Tuwang tuwa na sambit nung lalaking hahawak sana sa pisngi ni Kaide kaninang madaling araw bago tumabi sakin.
Kung tama ako Moon ang tinawag sakanya ni Kaide.
"Kung galing yan dito sa cafeteria wag mong pakainin nan si Caito." Saway ni Kaide na kinanguso ni Moon.
"Galing ito sa bahay noh pasalubong ni papa sakin." Ani ni Moon bago buksan yun at iabot sakin.
Mukhang masarap pero---.
Tiningnan ko si Kaide na paran humihingi ng permiso kung pwede ako kumuha. Nang tingnan ako nito bumuga lang ito ng hangin at siya unang kumuha nun at sinubo.
"Oy si Caito lang binibigyan ko hindi ikaw hmmp." Pagsusungit ni Moon.
"Tsk tiningnan ko lang kung may lason." Sagot ni Kaide.
"Ano ka ba kapatid?lover or bodyguard? Kaloka ka ah kung nagkataong may lason ito sa tingin mo mag magagawa ka pa pag bumubula na yang bibig mo diyan." Pang susungit ni Moon.
"Kainin mo na Caito." Sagot ni Kaide na parang hindi narinig ang sinabi nung Moon.
Lason?mamatay? Naiyukom ko ang kamao ko bago marahang umiling.
"Oy safe ito Caito nagpaparaniwala ka diyan kay Kaide." Ani ni Moon ng---.
"Kuya." Napatingin kami sa pinto ng Cafeteria ng bumukas yun at pumasok sina Eros.
"Ito yung breakfast and lunch niyo ni Caito." Bungad ni Eros bago ilagat sa lamesa namin yung dalawang bag.
"Nera." Napatingin ako kay Kaide ng tumayo ito at naglakad papasok ulit ng kusina.
"Nag woworry ka kay Kaide noh." Tanong ni Moon na nasa harapan ko.
"Anong nangyari?" Tanong ni Eros bago umupo sa upuang kinauupuan kanina ni Moon
"Oy magsalita ka naman hindi ka naman namin kakainin." Nakangusong sambit nung Moon na kinasang ayunan ni Eros.
Hindi lang naman talaga ako komportable sa presensya nila.
"Tama Tama bukod kay Kuya kami lang naman ang pwede mong samahan besides hindi ka pwedeng laging buntot ni Kuya may responsibility kasi siya sa university at hindi safe na lagi ka niyang kasama." Ani ni Eros na kinatingin ko.
"Responsibility?" Ulit ko.