09

1082 Words
Chapter 9 Kaide Nera's POV; Nang makita kong unti unti ng dumadami ang estudyante sa Cafeteria nag gesture ako kina Vio na pumasok na sa loob ng kusina habang ako naglakad palapit sa table ni Caito na tahimik na kumakain. 'Ang ganda niya.' 's**t pre ang ganda.' 'Gago lalaki yan.' "Kung bored kana pwede kang gumala gala papasama kita kay Eros." Ani ko bago maghila ng upuan sa table ni Caito na nag angat ng tingin. "Ayos lang ako." Sagot niya habang kumakain ng niluto ni papa. 'Kyaah bumalik na pala si Kaide.' 'Ang gwafuu niya talaga.' Napapokerface na lang ako ng mapabakla at babae tingin ng tingin sa table naming dalawa ni Caito. Napatingin ako kay Caito ng tumayo ito at binigay sakin yung mga pagkaing nasa bag. "Kumain kana din." Ani niya na agad kong kinuha at binuksan. Caito's POV; Matapos namin kumain ni Kaide niligpit niya na ang mga pinagkainan namin at tiningnan ako. "Wag kang aalis dito ng hindi nagpapaalam." Bilin ni Kaide na kinibit balikat ko. "Okay." Sagot ko bago tingnan si Kaide na umalis ng table. Tahimik lang akong inikot ang paningin ko ng may grupuhan sa gitna na napapalibutan ng mga babae napako ang tingin ko sakanila ng may iilan na nakatingin sakin at ng makita ako ngumiti yung iba. Hanggang sa may dalawang tumayo at lumapit sa table ko. "Hi." Bati ng isa sakanila bago umupo sa udalawang upuang nasa table ko. "Nag iisa ka dito?" Tanong nung isa pa bago tingnan si Galaxy na hawak ko na ngayon ay nagagalit na nakatingin sakanila. "Ang cute naman ng pusa mo." Nakangising sambit niya bago kumuha ng sigarilyo at sindihan yun habang nakatingin sakin. "Kaano ano ka ni Nera?Girlfriend or boyfriend?" Tanong niya ng---. "s**t!" Napatayo yung dalawang lalaki ng may humampas ng table na kinatingin ko. "Layuan niyo ang kapatid ko." Walang emosyong utos ni Airo na kinaputla ng dalawang lalaki bago dali daling umalis. "Hindi ka ba binilinan ni Kuya na wag kang makikipag usap kahit kanino?" Nakakunot ang noong tanong ni Airo habang nakapamulsahang nakatingin sakin. Kamukhang kamukha siya ni Dad may konting pagitan lang ang height at body build nila. "Hindi ko sila kinakausap." Sagot ko ng---. "Bryan!!" Napatingin ako sa hindi kalayuan sa table ko ng makita kong nagkagulo ang mga estudyante tatayo ako ng harangan ako ni Airo. "Tumawag kayo ng medic!" Rinig kong sigaw ni Kaide ng makitang nagtakbuhan palabas ang mga estudyante. Mula dito sa kinauupuan kitang kita ko yung isa sa mga lalaking lumapit sakin kani kanina lang na bukas ang dalawang mata habang bumubula ng dugo ang bibig. "Caito saan ka pupunta?" Tanong ni Airo ng lumapit ako kina Kaide na tinitingnan yung lalaki. "Caito delikado dito lumabas ka muna." Ani ni Kaide bago humarang sa katawan ng lalaki at hawakan ako sa balikat. "Airo pakibantayan muna si Caito sandali lang ako." Bilin ni Kaide bago ako italikod at itulak ng marahan paalis. "Sa labas muna tayo Caito hanapin natin si Eros." Yaya ni Airo hindi ako umimik ng hilahin niya ako palabas dun hanggang sa---. "Nasaan ang pasyente?!" Napatigil ako ng may maamoy akong kakaibang amoy. "Caito tara na." Lilingunin ko yung nga taong dumaan sa harap ko kani kanina lang ng tawagin ako nina Eros at Moon. --- "Grabe bakit kasi ayaw nilang isumbong na lang sa mga pulis para matapos na ito." nakangusong reklamo ni Eros habang nakatingin sa mga estudyanteng nakikiusyoso sa labas ng cafeteria. "Duhh Era dear hindi sakop ng gobyerno ang university na ito tiyaka siguradong wala din namang magtatangkang magsumbong puro gangster kaya ang nandito. Anak ng killer,druglord etc kaya imposible talaga. Sa dami ng koneksyon ng papa mo imposibleng mapakailaman din ito ng gobyerno kung sakaling maisipan nilang pasukin ito." Sabat ni Moon. "May alam ba kayong brand ng pabango na gawa sa Achimmela Flower?" Tanong ko na kinatingin nina Eros. "Pabango?Achimmela?" Ulit ni Eros. "Lason ang bulaklak na yun Caito." Sabat ni Airo na kinatahimik ko. "Ahh oo napag aralan namin yun biology class namin pero hindi yun ginagawang pabango. Masyado kasing delikado pag hinawakan nakalalason." Sabat ni Moon. Napakarare ng bulaklak na yun dahil sa hindi ito basta basta nabubuhay at sobrang delikado kaya ka nitong patayin sa loob lang dalawang minuto. "Caito." Napatingin ako kay Kaide ng lumapit ito samin. "Cancel lahat ng klase kung gusto mo sumabay kana kina Eros mukhang matatagalan pa kasi kami dito." Bungad ni Caito na kinakunot ng noo ko ang amoy na yun. "Saan ka humawak?" Nanlalamig na tanong ko ng hawakan ko ang wrist ni Kaide at amuyin confirm nasa kamay niya yung amoy. "Anong sinasabi mo?" Balik na tanong ni Kaide na kinamura ko. "May lason ang kamay mo pahinging alcohol kahit tubig." Utos ko na kinalaki ng mata nina Eros. "Wala ka namang sinubo o dinikit sa mga labi mo diba?" Tanong ko ng iabot ni Eros yung alcohol at walang kaano anong ibuhos yun sa kamay ni Kaide. "Wala naman akong ibang hinawakan bukod sa mga la---mesa." Ani ni Kaide na kinatingin ko. "Alam mo yung amoy ng Archimmela flower?pano?" Tanong ni Kaide "Nakakita na ako nun isang beses sa at naamoy ko na din kaya alam ko." Walang ganang sagot ko habang pinapasadahan ng tingin si Kaide. "Umuwi na tayo." Ani ko bago kuhanin si Galaxy na nakahiga sa bag. "Mauna na kayo umuwi." Sagot ni Kaide tatalikod ito ng---. "Sabi kong TAYO diba?" Walang emosyong sagot ko. "Hindi ikaw si papa para sundin ko wag mo akong diktahan." Medyo may inis na sambit niya. Bago tuluyan tumalikod. "Kuya!" Rinig kong sigaw ni Eros ng walang kaanong sikmuraan ko si Kaide dahilan para mawalan ito ng malay at bumagsak. "Ohmy!" "Anong ginawa mo Caito?" Nanlalaki ang matang tanong ni Airo pagkatapos kaming lapitan. "Nadikit sa katawan niya yung amoy kailangan niyang umuwi buhatin mo." Walang ganang utos ko na kinangiwi ni Airo. "Alam mo bang ikaw lang nakapagpatulog ng ganito kay kuya bukod kay daddy?" ani ni Airo bago buhatin si Kaide at isampay sa balikat niya. "Then its my pressure." May pag kasarcastic na sagot ko na kinailing ni Airo bago naunang maglakad paalis ng field. "Kyaah ang cool mo Caito napatulog mo na lang ng ganun si Nera?!" Pumapalakpak na komento ni Moon sa ginawa ko. "Ahm Caito hindi magandang idea yung ginawa mo dahil siguradong---World war 4 ang mangyayari mamaya sa mansyon." Ani ni Eros na kinibit balikat ko bago sila tinalikuran at maglakad paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD