Chapter 1
Masaya na muli ang sinag ng araw at magaan na ulit ang haplos ng hangin. Napasandal si Trisha sa backrest ng abakang upuan at maingat na huminga.
Maya-maya lamang ay nabaling ang tingin ni Rose sa kakambal at tila nabasa nito ang iniisip ng kapatid, kaya marahan niyang pinisil ang kamay nito. "Are you okay, Trisha?"
"Yes, I'm okay."
Hindi ito okay at alam niya iyon. Pero tumango na lamang si Rose dahil sa mga oras na iyon, 'yun lang ang kaya niyang gawin.
Ilang saglit lang ay muli nitong pinisil ang kamay ng kapatid. "It's not your fault. It's my fault. I was so weak. I'm so sorry, Trisha. So sorry–"
Nanatili siyang nakatitig kay Trisha at nanatili rin itong nakatitig sa kanya. "Where do you plan to go, Rose?"
The voice she heard is quiet and soft in her mind. She can feel the warmth of it on her skin even though it's a voice she has heard countless times before, but this time she feels different. The tone is gentle and concerned, and it makes Rose smile despite the tears that are threatening to fall from her eyes.
Napailing at napabuntong-hininga na lamang si Rose dahil maging siya ay hindi niya alam kung saan sila pupunta. Nagpatuloy ang kambal sa paghahanap ng matutuluyan hanggang sa makakita sila ng isang maliit na pwesto sa gilid ng kalsada na pwede nilang pagpahingahan.
"Saan ka pupunta, Rose?" untag ni Trisha habang palinga-linga sa paligid.
"Diyan ka lang at hahanap lang ako ng karton na pwede natin isapin sa malamig at maruming semento."
Mariin na pumikit si Trisha and she took a deep breath. "Calm down. Be patient a little more," she whispered to herself.
When Rose looked at her sister, she shook her head and asked, "Trisha, okay ka lang ba talaga?"
Trisha's eyes focused on her sister and smiled. "Of course, why did you ask?"
Umiling lang ito at agad na naghanap ng karton. Bakas sa mukha ni Rose ang kalungkutan, pero hindi niya ito maaaring ipahalata sa kapatid para hindi na ito mag-usisa.
Wala sa sarili nang napatingin si Rose sa kapatid, ipinilig ang kanyang ulo na tila nag-aalala rito. Gumuhit ang sakit sa kanyang dibdib. Tumarak iyon sa kanyang puso at bumaon na tila ba'y mga bubog na gawa sa yelo.
Hindi sinasadyang napalingon si Trisha sa kapatid. Napansin nito na tulalang nakatingin ang kakambal sa kawalan. Ang sandaling pananahimik ni Rose ang siyang nagpabagabag sa kanyang isipan.
"Uy, Rose! Ano na naman ba 'yang iniisip mo, ha?"
"W-wala." Pero alam ni Trisha na kasinungalingan lamang ang sagot na iyon ng kapatid.
Sa kabilang banda ay gusto ng sumigaw ni Rose at magbasag ng kung ano para lang mailabas nito ang kanyang hinanakit. Nais na rin nitong kumawala sa madilim at magulong mundo na kanilang ginagalawan. Pero kakayanin ba nitong baguhin ang kanilang kapalaran kung ang buhay niya at ang buhay ng kanyang kakambal ang kabayaran?
Lumipas ang buong magdamag saka lang naisip ni Rose na pumikit at magpahinga. Ngunit sa kanyang pagpikit ay isang tinig ang kanyang narinig na nagpamulat muli ng kanyang mga mata. Tinig iyon ng isang estranghero na nasa kanyang harapan. Napabalikwas ito at agad na tumayo.
Natulala at tumitig si Rose sa estranghero. Hindi nito magawang sumigaw dahil sa baril na nakatutok sa kanya. Nanatili itong nakatitig sa lalaki. "S-sino ka?" Ang tanging tanong na namutawi sa kanyang bibig.
"Akin na ang lahat ng gamit niyo. Bilisan mo!"
Sa taranta at takot ni Rose ay naibigay nito ang lahat ng kanilang gamit. Even the remaining pictures of the late father were also taken by the stranger.
Hindi pa sumisilip ang unang sinag ng araw nang magmulat si Trisha ng mata. Hindi nito alintana ang nangyayari sa kapatid. Nagulat na lamang ito nang makita niya ang estranghero na hinahalungkat na ang lahat ng kanilang gamit. Hindi pa nakakahakbang si Trisha nang mahagip ito ng tingin ng lalaki at kaagad siyang tinutukan ng baril. Sa takot ay napaatras ang dalaga at agad na nagtago sa likuran ng kapatid.
Bahagyang lumapit si Trisha kay Rose at bumulong, "Why is he taking all our stuff?"
Hindi magawang sumagot ni Rose. Sinenyasan na lamang niya ito para tumahimik. Habang abala ang estranghero sa paghahalungkat ng kanilang mga gamit ay kaagad na nakaisip ng paraan si Rose. She looked around. She saw a piece of wood behind Trisha. Dahan-dahan itong humakbang papalapit sa kinaroroonan ng kahoy. At nang makuha niya ito ay kaagad niyang hinambalos ang ulo ng lalaki hanggang sa ito'y bumagsak at mawalan ng malay.
Nagulat si Trisha sa ginawa ng kapatid. But that was the only way for them to escape. Sa takot na muling magising ang lalaki ay kaagad na tumakbo ang magkapatid.
"Trisha, come on. Hurry up!" said Rose.
"Wait! Hindi na ba natin babalikan ang mga gamit natin?"
"Ano ka ba naman, Trisha? Hayaan mo na 'yun!"
Sa di-kalayuan ay may nakapansin ng kanilang ginawa. Hinabol sila nito at sa takot na sila'y maabutan ay binilisan pa ng kambal ang kanilang pagtakbo, ngunit kahit na anong bilis nila ay naabutan pa rin sila nito.
Hanggang sa…
"T-teka lang mga miss. Huwag kayong matakot. Hindi ako masamang tao. I just wanted to talk to you."
Sa pagod ay napilitan na huminto ang kambal sa pagtakbo. The man approached them and spoke to Rose.
"I saw what you did. That's cool! Matapang ka bata!"
Napakunot ng noo ang dalawang dalaga. "Sino ka ba at anong kailangan mo sa amin?" untag ni Rose habang hinahabol ang hininga.
Napahawak ang lalaki sa leeg at pinigil ang sariling hilahin ang suot nitong necktie. "Relax! Hindi niyo ako kaaway. Ako nga pala si Jimmy."
For some strange reason, nakaramdam ng inis si Rose. "Jim–"
Inilahad ng lalaki ang kanang kamay na tinanggap naman ng dalaga. "Kaibigan niyo ako. Tutulungan ko pa nga kayo," usal nito.
"Tutulungan? At ano naman ang kapalit ng iyong tulong?" Bastos na tanong ni Rose saka nagsalubong ang mga kilay nito.
Ngumisi ang lalaki. "O, edi naniniwala na kayo sa akin na kaibigan niyo ako?"
"Depende," ani Rose. "Pero kung tutulungan mo kami at pakakainin baka sakaling maniwala pa kami sa sinasabi mo."
"You two… come with me," Jimmy said.
"Come with you? Saan?" pagtatakang tanong naman ni Trisha sabay sulyap sa kapatid.
"Basta! Nobody's going to harm you. Don't worry. You're going to be fine."
Nanlaki ang mga mata ni Trisha at mabilis itong sumagot, "No!"
Trisha approached her sister and asked, "Sasama ba tayo sa lalaking 'yan?"
Lumingon si Rose sa kapatid at inosenteng kumurap sabay sabing, "Oo."
Medyo lutang si Rose nang sagutin nito ang tanong ng kakambal. Napahalukipkip ang dalaga saka nito sinuri ang lalaki. He looked like one of the powerful businessmen that he was in his all-black attire.
Nang mapansin ng lalaki ang pananahimik ng kambal ay muli niya itong kinausap, "I will tell you everything later, promise."