#TMNFABKabanata17 Hinintay MARIA “Tash?” Binalingan ko ng tingin si Lazarus mula sa pagsulyap kay Perseus na nakapasok na sa loob. Nginitian ko siya. “Pasok tayo sa loob?” anyaya ko, tingin ko naman ay hindi mamasamain nila Ma’am Crisanta kung papasukin ko ang kaibigan ko. Umiling siya. “Can we go somewhere else?” Napakamot ako sa batok ko. “Eh kasi Laz, hindi ako pwede magpagabi na, at kailangan kong magpahinga agad.” “Just an hour, Tash. Please?” Sa huli’y hindi ko rin naman natanggihan ang pakiusap ng kaibigan ko. Malayo pa ang pinanggalingan niya at halatang wala pa siyang pahinga dahil matapos kong masabi kung nasaan ako ay dito na ang naging diretso niya. Ite-text ko na lang si Portia. “Iyong lalaki kanina. Iyon ba iyong Kuya no’ng boss mo? Iyong lalaki din kaninang kasam