#TMNFABKabanata7 Mrs. Carbonelle MARIA Nagising ako sa ingay sa paligid ko pero pinananatili kong pikit ang mga mata ko. Hindi ko pa kasi alam kung paano aakto sa oras na magkaroon na ako ng malay sa harap nila. “Oh my gosh, bakit hindi pa rin siya nagigising? Talaga bang ayos lang siya? Maybe we should bring her to a doctor.” “Tita, I’m a doctor. Wala akong nakikitang dahilan para dalhin siya sa hospital. She’s breathing well.” “Ay doktor ka nga pala, dude, hindi ramdam ni mommy eh. Walang tiwala sa ‘yo, Grant, doktor kwak kwak ka kasi.” “Damn you, Tu.” “Language, Grant Voltaire.” “Walang nakikitang dahilan? She’s still unconscious, Grant.” Ang boses na ‘yon… “Naubusan ata ng hininga dahil nilaplap mo sa harap ng mga bisita, Kuya. Damn, parang siya talaga iyong bride kung hali