Lesson One

2023 Words
Maddison's POV Nandito ako ngayon sa canteen having lunch. Second day ko na sa school na ito and okay naman so far. Kaya lang kulang ng isa ang mga estudyante ko, at ang estudyanteng iyon ay walang iba kundi ang nag-iisang anak ng may-ari ng school na ito. Si Theion Samaniego. Mukhang pa-petiks-petiks lang ang batang 'yon por que anak ng may-ari ng school huh? Wala 'kong ideya kung anong klase ng ugali meron sya, pero base sa naririnig ko minsan na tsismisan ng mga estudyante ko ay may pagka-basagulero at suplado daw 'yon. But still, kinahuhumalingan ng mga kababaihan dito. Heartthrob kumbaga. Super good-looking siguro. Napatangu-tango na lang ako saka muling nagpatuloy sa aking pagkain nang biglang umingay dito sa loob ng canteen. Anong meron? "OMG! He's so gwapo talaga!" "Nalaglag 'ata panty ko!" Napakunot ang aking noo sa mga narinig. Nilibot ko ang aking paningin. Then I saw four male students entering the canteen. Really? Ito ba pinagkakaguluhan nila? Well, kung looks lang naman ang pag-uusapan ay check na check silang apat. Mala-koreanovela pa ang entrada nila. Pero napako ang tingin ko sa lalaking nauunang maglakad sa kanila. Maangas kasi ang dating at nakapamulsa pa ang isang kamay sa suot nitong black slacks. Habang ang isang kamay naman ay may hawak na gusot-gusot na blue polo. Kaya tanging white fitted shirt lang ang ang pang-itaas nito. In all fairness sa batang 'to. Nasa tamang pwesto ang mga muscles. Napansin ko ring putok ang gilid ng labi nito dahil may konting dugo pa. Hmm, napaaway ang mga 'to for sure. Ganun din kasi ang itsura ng mga kasama nya. Nakatitig lang ako sa kanya kaya di ko namalayan na nasa tapat ko na pala sila. Nakatingin silang apat sa'kin at napansin ko ang biglang pagkunot ng noo nitong lalaking nasa unahan nila. He must be their leader. Well, hula ko lang naman. Kasi ganto yung setup ng mga siga sa school sa mga napapanood kong Koreanovela. Then he suddenly spoke, that pulled me out from my deep thoughts. "You must be a transferee. Mukha kasing di mo alam na sa amin ang pwestong 'to." Feeling ko gininaw ata ako. Sobrang cold naman kasi ng boses. Daig pa yelo. Pero what? Pwesto? Kaya ba pinagtitinginan ako ng mga students dito kanina pa? But I don't like the way he talks to me. Isn't it obvious that I'm older than him? Masyado syang maangas. Walang galang. At teka, anong transferee pinagsasabi ng batang 'to? What the-- Mukha ba 'kong estudyante? I'm a professor for goodness sake! Huminga muna ako ng malalim at tumayo. Well, feeling ko nanliit ako. Matangkad pa sa'kin ang batang 'to eh. Alagang Cherifer siguro. Nakapamewang ko syang hinarap. I want to make sure na malaman nya kung sinong kausap nya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Excuse lang hijo, noh. Pero may pangalan mo ba na nakasulat dito?" mataray kong tanong sa kanya. Tinaasan ko pa s'ya ng kilay. Bigla namang nagsalubong ang kilay nya, at kung nakamamatay lang ang titig nakabulagta na 'ko sa sahig. Grabe makatitig eh, kala mo mangangain ng tao. The nerve of this kid! Baka tumiklop 'to pag nalaman nyang isa ako sa mga professors dito! "Well, I guess being the son of the owner of this school was enough to tell you that I have all the rights in whichever things were inside the premises of this school." sabi nito, at nginisian pa 'ko ng loko! My jaw dropped in his statement. Son of the owner of this school?! Kaya naman pala ang yabang. So this is Theion Samaniego. Ang magaling kong estudyante na hindi pumasok simula kahapon. Humalukipkip ako, at tinitigan sya ng deretso sa mata. Aba't ang magaling, nakipagtitigan din. "So, you are Mr. Samaniego? Well, sorry to say. I don't care whether you are the son of the owner of this school or the son of the President of the Philippines. As long as you are my student and I am your professor. I have the authority." I said emphasizing the word "I". Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Lalo na 'tong Theion na 'to. Akala siguro n'ya eh uubra sa'kin ang angas n'ya. Pwes, nagkakamali sya! "My professor? I know every professor in this school. And as of you, you're not one of them." nakakunot ang kanyang noo habang matiim na nakatitig sa'kin. "You were absent in my class yesterday until now so you didn't get the opportunity to know me. So I guess, it's not my fault then." Sabi ko tsaka ko sya nginitian ng pagkatamis-tamis. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay nya. Kapagkuwa'y binalingan ang kasama n'ya na gwapo rin. Medyo singkit ito, mukhang may lahing Hapon. "Bumili na lang kayo ng lunch natin. I'll wait for you on the rooftop." utos nito sa mukhang Hapon at sa iba pa. Pagkasabi non ay saglit nya pa kong tinignan tsaka na sya naglakad palabas ng canteen. Maya-maya ay nagsalita itong mukhang Hapon, "Pasensya na po kayo sa kanya, ma'am. Please excuse us po." Bahagya pa syang yumuko sa harap ko tsaka naglakad na papunta sa food counter kasunod ang dalawa pa nyang kasama. Meron naman palang magalang na student dito. Bumuntong-hininga na lang ako at umupo tsaka muling nagpatuloy sa pagkain. Mahaba-haba pa ang bubunuin ko ngayong araw. Naglakad na ako pabalik ng classroom. Nagulat pa ako ng makita ang maangas kong estudyante na nakaupo sa likuran. Pati ba naman pag-upo nito maangas din? Nakadekwatro na medyo pabukaka, tapos ang isang kamay ay nasa sandalan ng kanyang upuan, habang ang kabilang kamay ay nakapamulsa. As usual. Bahagya rin itong nakayuko dahil nagbabasa ito ng kung ano. Tinawag ko sya. "Mr. Samaniego." Nag-angat sya ng tingin sa'kin at salubong ang kilay, "What?" "Would you mind telling me kung bakit wala ka sa klase ko kahapon?" I asked. At ang loko! Nginisian lang ako! Napataas ako ng kilay. Wala talagang modo ang bubwit na 'to! "Stop smirking, will you? Kung hindi mo ititigil 'yan palalabasin kita." Seryoso na 'ko Hindi pa 'ko nakaranas ng ganto sa school na pinagturuan ko, at feeling ko nababastos ako bilang nakatatanda lalo na bilang isang guro. "Then do it, if you can." deretsong sagot naman nito habang nakatitig sakin. Hindi pa rin nabubura ang nakakalokong ngisi nito. I'll wipe that smirk off of your face, kiddo. "Out.of this room.NOW!" Gigil na sabi ko sabay turo sa pinto. Di ko na napigilan. Kailangan maturuan ng leksyon ang batang 'to. Parang nagulat pa sya sa sinabi ko dahil napaawang ang mga labi nya. Pero agad ding bumalik yung ngisi nyang mapang-asar. "It's a great pleasure. 'Cause I don't even want to waste my time on such a boring lessons. And you're calling yourself a professor?" Saad nya na parang nakikipag-usap lang sa kaedad nya. Bahagya akong nailang nang hagurin nya ko ng tingin mula ulo hanggang paa. Saka sya muling nagsalita, "You're not even wearing a proper uniform." Kasalanan ko ba kung hindi pa ako nabibigyan ng uniform? I just started yesterday for crying out loud! At wala naman akong nakikitang problema sa suot ko. I'm wearing a white blouse with long sleeves, black fitted slacks and a white doll shoes. I'm wearing decent clothes as far as I remember. Napapikit ako ng mariin at bahagyang hinilot ang aking sentido. Matutuyuan ako ng dugo sa batang 'to. Kapagkuwa'y nagmulat ako tsaka sya tinignan ng masama. "I don't have any obligation to explain myself to you. You're just my student. Ngayon, kung ayaw mo sa klase ko malaya kang lumabas ng kwartong 'to. You're dropped in my class. 'Wag na 'wag na kitang makikita sa klase ko kahit kailan." madiin kong sabi. Tumayo sya at ipinasok na sa bulsa ang kamay na kanina'y nakasabit sa sandalan ng kanyang upuan at naglakad palapit sakin. Napasinghap ako nang bahagya nyang ilapit ang mukha sa akin. I was caught off guard. This boy is really getting on my nerves! Ganto ba talaga pag anak-mayaman? Akala eh lagi nilang masisindak ang mga kagaya kong may-kaya lang sa lipunan? "Thanks for dropping me out." Then he smirk and left. Napatulala na lang ako sa ginawa nya. Hindi ko kinakaya ang isang 'yon. Pero simula ngayon wala na 'kong dapat intindihin. Wala nga ba? Pa'no kung makarating sa Dean ang ginawa ko sa anak nya? Baka mapatalsik ako. Masisira ang reputasyon ko sa iba pang school. Nagulat na lang ako nang kalabitin ako ng isa kong estudyante. Sa pagkakatanda ko Mylene ang pangalan nya. "Ma'am, wala na po si Theion. Pwede na po ba tayong mag-start?" Tanong nito. "Ah, oo. Sige maupo ka na." Utos ko sa kanya at kinuha ang lesson plan sa aking bag. Mabilis lang na lumipas ang oras hanggang sa mag-uwian na. "Class, we will be having a long quiz tomorrow. Fifty items. Make sure to make a review of today's lesson." bilin ko sa sa kanila habang nag-aayos na ako ng mga gamit. Nakakapagod ang araw na 'to. Sobra. Idagdag mo pa ang pasaway na si Theion. "Yes, ma'am." Boring na sagot nila at isa-isa ng nagsilabasan. Kasalukuyan akong nagbubura ng sulat sa whiteboard nang May kumatok sa pintuan at nakita ko ang nakangiting si Mr. Sudalga. Ngumiti ako at hinarap sya, "Mr. Sudalga. May kailangan ka?" "Nah. Pinapatawag ka lang ni Dean sa office nya." Sagot nya na ikinabigla ko. "Si Dean?" bigla ay sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Ito na ba ang katapusan ng career ko? Nalaman na ba nya ang ginawa ko sa anak nya? Lagot na! "Okay ka lang, Miss Altamirano? Namumutla ka." kunot-noong tanong nya. Napahawak ako sa mukha ko at pilit na ngumiti. "Oo, susunod na lang ako. Salamat." "Okay." Yun lang ang sinabi nya at umalis na. Pagkaalis nya ay nagmamadali ko ng ipinasok sa bag ko ang mga quiz papers kanina at inayos ang nagusot kong sleeves. Ni-lock ko na ang pintuan ng room bago lumabas. Abot-abot ang kaba ko habang papalapit ako sa Dean's Office. At hindi nga nagtagal ay nasa tapat na akong pinto ng office ng Dean. Hindi ko alam kung kakatok ba 'ko o hindi? Kinakabahan talaga ako eh. Huminga ako ng malalim. Yung tipong kasing lalim ng Pacific Ocean. Pero joke lang. Mauubusan ako ng hangin pag ganon. Akmang kakatok na ko nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang galit na mukha ng estudyante kong si Theion. Magkasalubong ang mga kilay nya at matalim ang titig nya sakin na tumagos at hanggang kaluluwa ko. "Mabuti naman at nandito ka na." Pagkasabi non ay tinalikuran na nya ako. Iniwan nyang bukas ang pinto kaya sumunod na rin ako. Nanlalamig ang mga kamay ko habang dahan-dahan kong isinasara ang pinto. Napatingin ako kay Theion na nakaupo malapit sa desk ng Dean. Wala na ang maangas na dating nito. Para itong maamong tupa na hindi mo aakalaing gagawa ng di maganda. Kapagkuwa'y napatingin na ako kay Dean na nakatingin din pala sakin. Blangko lang ang ekspresyon nya kaya di ko mawari kung galit ba sya o ano? "Have a seat Miss Altamirano." Iminuwestra pa nito ang upuan na katapat ng kay Theion. Agad akong sumunod at nagsalita sya ulit. "Nakarating sakin ang nangyari kanina. Sa canteen at sa classroom." Seryoso itong nagsasalita. Alam kong ako ang kausap nya pero kay Theion sya nakatingin. "Ahm, Dean. Sorry po talaga sa nang---" He cut me off and spoke, "No, I'm sorry for my son's behavior, Miss Altamirano." Bahagya akong napanganga sa sinabi nya. Hindi ito ang scenario na inaasahan ko. "In fact, I'm glad. This is the very first time na may naglakas ng loob na gawin 'yon, despite knowing him being my son." Ang kaninang seryosong mukha ng Dean ngayon ay nakangisi sa akin. At masasabi kong sa kanya nakuha ni Theion ang facial features nito especially that playful smirk. "Anyway ipinatawag kita dahil may sasabihin sayo ang anak ko." Napakunot-noo ako saka sumulyap sa estudyante kong nakasimangot pa rin. Ano naman kayang sasabihin nya sakin? **** Plano ko talaga is wag galawin ang mga nakalagay sa old story, kaso nabasa ko ang daming dapat baguhin. So I decided to revamp this chapter. Hopia like it! ~Claudette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD