PROLOGUE

262 Words
Kaba. Yan ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad papunta sa room kung saan ako pansamantalang magtuturo. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang palapit ako ng palapit sa room na pupuntahan ko! Pa'no ba naman akong hindi kakabahan eh elite school ito. Puro mayayaman ang nag-aaral dito at mga anak ng mga tanyag na businessmen. Balita ko pa ay mga spoiled brat ang mga estudyante rito kaya mahirap pakisamahan. Hay! Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng kunin na substitute professor eh ako pa? Pero kung sabagay malaking opportunity din ito para sa'kin. Maipapakita ko sa kanila na hindi lang public school ang kaya kong turuan. Ayun! Sa wakas narating ko na din ang classroom. Grabe ang ingay ng mga estudyante sa loob! Maddy breathe! Kaya mo 'yan! Inhale. Exhale. Dahan-dahan na akong pumasok sa classroom. Napanganga ako. Seriously?! Classroom ba na matatawag 'to? Gulo-gulo ang upuan. Nagkalat ang mga crumpled paper sa sahig at kung anu-ano pa. Ang gulo! Batuhan ng papel dito, batuhan do'n! Talaga bang anak-mayaman ang mga 'to? Eh bakit parang wala man lang proper behavior ang mga 'to? Tumikhim ako sandali upang kunin ang atensyon nila pero mukhang walang epekto. "Ahm, class. Quiet please?" bahagya kong nilakasan ang boses ko pero wala pa rin. Matindi pa 'to sa inaasahan ko. Samantalang sa public school na tinuturuan ko eh sandali ko lang silang nasasawata dahil marunong sila makinig at sumunod. Pero dito? Mukhang mahihirapan ako. 'Lord, tulungan nyo po ako rito.' piping dasal ko na lang. ***** So ayan na po ang Prologue. Haha ~Claudette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD