ROUND 3: The rounds started

2416 Words
ALOUDIA'S POV “WALA na nga tayong pera!” Rinig ko mula sa kwarto ang palitan ng mga litanya ng mga magulang ko at tinig iyon ni Papa. Hindi naman sila palaging nag-aaway. Ngayon na lang muli. Hindi naman pala ang pagsuntok ko sa lalaking iyon ang dapat kong dasalan kung hindi ang mga magulang kong ngayon ay nagtatalo na. “Paano na tayo ngayon?” Boses naman iyon ni mama at mukhang may matinding pinagtatalunan silang dalawa. “Paano si Aloudia?” “Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito. Sinabi ko nga sa iyong huwag na natin siyang kunin.” “Oh, bakit mo ngayon sinasabi sa akin iyan? Nawalan tayo ng anak at kung hindi dahil sa pagkuha natin kay Aloudia, hindi tayo magiging masaya.” Bahagya akong nalungkot sa mga narinig ko. Alam ko na noon pa na hindi nila ako tunay na anak. Eight years old ako nang makuha nila ako at hindi na raw nila ako maibalik sa tunay kong pamilya. Masaya naman ako sa kanila. They treat me like their own. Namatayan sila ng anak, isang taon bago nila ako nakuha. Malaki nga rin ang pagpapasalamat ko at kinupkop nila ako matapos na ma-trap ako sa elevator kasama ang kuya ko noon. Tandang-tanda ko ang lahat at hindi ko malilimutan kung paano ako tinulungan ng kuya ko noon. Natatandaan ko ang mukha niya ngunit nang lumipas ang mga taon nakalimutan ko na buong pangalan ni Kuya Ex at ng mga magulang ko. Kahit nga ang apelyedo namin ay hindi ko na gaanong matandaan. Tuwing pinipilit kong alalahanin ang lahat, sumasakit ang ulo ko. Sinabihan na rin ako nina mama at papa na huwag ko na lang alalahanin ang lahat at kalimutan na lamang ang masamang alaalang iyon. Hindi man buo ang pagkatao ko, binuo naman iyon ng mga magulang ko. Hindi ako nagdaramdam sa mga tumayo kong mga magulang. They cared for me and give me the education I need. Pinag-aral nila ako mula elementary hanggang senior high and I wanted to finish my studies to help them too. “Masyado ka kasing maluho kaya nakasangla na itong bahay. Pati ba naman ang sasakyan na ginagamit ko sa uber, gusto mo ring isangla?” balik na sabi ni papa kay mama. “Ano na ngayon ang gagawin natin? Paano na natin mapag-aaral si Aloudia sa kolehiyo?” Napahinto ako sa pagtitiklop ng mga damit ko at pagsasalansang sa cabinet. Katatapos lang naming mananghalian at kinuha ko na nga ang mga damit ko para tiklupin. Wala na rin kasi kaming maid nang pauwiin na ni papa dahil wala na nga raw maipasasahod. Kaya ako na lahat ang gumagawa ng gawaing bahay. Si mama ay staff sa jewelry shop at si papa naman ay nag-u-uber taxi. “May naisip akong paraan.” Inilapat ko ang sariling tainga sa pintuan para marinig sila nang mas malinaw. Boses iyon ni mama. Ano kaya ang naiisip na paraan ni mama? Titigilan na ba ni mama ang pagiging maluho niya? “Anong naiisip mo? Don’t tell me, hahanapin na naman natin ang pamilya ni Aloudia? Gumastos tayo sa paghahanap sa mga magulang niya, wala namang nangyari.” “I have a great idea, honey. Nangangailangan ng tutor si Miss Xiana para sa anak niya.” “What? Magtu-tutor ka sa anak niya?” “Don’t be stupid, honey. Siyempre hindi ako. Kung hindi ang anak natin.” Inilayo ko na ang sarili ko sa pintuan. Magtu-tutor ako dahil wala na silang pera? Mababawi ba nila ang bahay na ito dahil sa pagtuturo ko? Hinawakan ko ang doorknob at binuksan iyon para makausap sila at tutulan ang sinasabi nilang iyon. Kung hihinto lang ako sa pag-aaral para lang magtutor, hindi ako papayag. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral. Gusto kong maging accountant someday. Hindi naman kami mahirap. Si papa ay dating nagtrabaho sa gobyerno ngunit nang makapundar ng bahay at sasakyan, huminto na siya sa pagtatrabaho at inilaan na lang sa pag-u-uber niya. Okay naman lahat. Nakapag-aral pa nga ako sa private school mula elementary hanggang senior level. Ngunit nabago ang lahat nang magsimulang malulong si mama sa pamimili ng mga branded na gamit. Bags, damit, sapatos at kung anu-anong mga gamit niya. Karamihan sa mga iyon ay one-time wearing lang. Kapag hindi na niya gusto ay idinaragdag na lang niya sa mga collection niya. Naiinis na nga minsan si papa sa kanya, pero dahil mahal siya ni papa, ay hinahayaan na lang siya at sinusuportahan sa mga nais niya. Hanga ako kay papa. Kahit na kasi alam niyang ganoon si mama at may bisyo ay hindi pa rin niya ito maiwan at mahal na mahal pa rin ito ni papa. Minsan ay naiisip ko rin kung paano na lang kung nasa poder na ako ng totoo kong pamilya. Ganito rin kaya ang mga magulang ko? Minsan, naiisip ko rin kung bukod sa kuya ay may kapatid pa kaya ako? Ilang beses din naman naming sinubukang hanapin ang tunay kong mga magulang ngunit nabigo lang kami nila papa. Kaya wala na ring saysay sa akin kung matagpuan ko ang tunay kong pamilya. Of course, I’ll be happy but there are pieces that might be missing. Mga panahong sana ay kasama ko sila habang lumalaki ako. NAPAHINTO sina mama at papa nang makita ako pagkalabas ko ng pinto ng kwarto. “Magbihis ka,” sabi ni mama sa akin. “Ma, kailangan ko po bang huminto ng pag-aaral?” malungkot na tanong ko. “Kaya ko pong mag-working student at handa akong tulungan kayo.” Lumapit si mama sa akin at buong higpit akong niyakap. “Sino naman ang may sabi sa iyong hihinto ka at hindi ka makatutuntong sa kolehiyo? We’ll do our best para ma-provide lahat ng pangangailangan mo.” Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin. “You know that we aren’t a perfect parents for you but we did our best para maalagaan ka,” sabi ni mama na nakatingin sa mga mata ko. Matangkad ako kay mama ng dalawang pulgada kaya tiningala niya nang kaunti para magtama ang direksyon ng tingin naming dalawa. “Magbihis ka na at dadalhin ka namin kay Miss Xiana.” Biglang nag-ulap ang mga mata ko sa sinabi ni mama. Ipamimigay na ba niya ako? Dahil ba hindi na nila ako kaya pang alagaan. Wala naman akong balak magpalit ng ibang pamilya. Masaya at kuntento na ako sa kanila. They ain’t a perfect parents but they are my family, a good and loving parents. “Huwag kang mag-isip ng ganyan. Tuturuan mo lang ang anak nila. You’ll become a tutor then you can study in a well-known school. Ang alam ko, asawa ni Mrs. Xiana ang isa sa may-ari ng school. Parang shareholders.” Hindi ko alam kung pinalalakas ni mama ang loob ko. Pero, kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Sinunod ko pa rin si mama. Kahit pa sinasabi rin ni papa na hindi nila ako ipagpapalit o ibibigay sa ibang pamilya. Napamahal na sila sa akin at alam kong ganoon din ako sa kanila. Nagpalit na ako ng damit. Navy blue na maluwang na T-shirt at tokong pants, terno pa rin ang rubber shoes na bigay sa akin ni Alice. Palabas na nga ako ng bahay. Nakagayak na rin si papa at nasa loob na ng sasakyang ginagamit niya sa uber. Kung tutuusin ay kaya pa sana nilang magkaanak noon, forty-one na ngayon si mama at forty-three naman si papa. Pero dahil ilang beses na raw nakunan si mama at ang miracle son nila ay namatay, malabo na raw na mabuhay pa ang baby sa loob ng tiyan ni mama. Kaya nagpapasalamat daw sila at dumating ako sa buhay nila. I am grateful to have them too, as my parents. Masasabi kong masuwerte ako at sila ang nakapulot sa akin nang mga sandaling kailangan ko ng mga magiulang. “Nasaan na ang mama mo? Napakatagal naman niya,” naiinip na sabi ni papa habang nakaupo na sa loob ng sasakyan at hinayaan lang na bukas ang bintana. Napatingin ako sa hinihilang suitcase ni mama. Luggage bag ko iyon ah. Bakit dala ni mama? Nilampasan ako ni mama at dumiretso sa trunk para ilagay ang luggage bag. Lalapitan ko sana si mama nang umikot siya sa kabila para tumabi sa driver’ seat. “Sumakay ka na,” sabi ni mama. Hindi ako nakaimik. Natameme na lang ako at sumakay sa uber taxi ni papa. “Natawagan ko na si Ms. Xiana at alam na niyang ngayon ang punta natin sa kanila,” sabi pa ni mama habang si papa naman ay binuhay ang sasakyan. Nagmamaniobra na si papa nang sumagot ito kay mama. “Sigurado ka bang magiging okay lang doon na mag-tutor ang anak natin?” “Oo naman. Nagkausap na kami over the phone at walang magiging problema roon si Aloudia.” Pinilit kong itago ang luhang nagsimula ng pumatak sa mga mata ko. Kung mag-usap sila ay parang wala ako sa likuran nila. Hey! Nandito po ako. Kulang na lang sumigaw ako sa likod nila para lang mapansin nilang nag-e-exist ako. Mas malakas pa sa busina ni papa ang nararamdaman kong kabog ng aking dibdib. Iba na talaga ang pakiramdam ko. Parang wala silang balak bawiin ako kapag nakatuntong na ako sa sinasabi nilang babaeng may anak na tuturuan ko. Sa lagay ng luggage ko ay parang hindi na ako babalik. Iyon ang luggage na regalo sa akin ni papa noong fifteen birthday ko at ginamit nga namin iyon nang magbakasyon kami sa Mindoro. Hindi ko alam kung gaano katagal ang biyahe namin. Abala ako sa pag-e-emote at pakiramdam ko ay lumipad ang sasakyan para makarating kami kaagad kahit na super dasal na ako na ma-flat-tan kami or masiraan ng sasakyan huwag lang kaming matuloy. Taga Malate, Manila kami pero, parang isang minuto lang ay nakarating na kami sa Quezon City. Base iyon sa nakita kong signage kanina. Huminto ang sasakyan at kasunod ang pagpatay ni papa ng makina. “Ito na ba iyon?” tanong pa ni papa. “Hindi pa. Wala pa tayo. Kakausapin lang natin ang guard para papasukin tayo sa exclusive subdivision.” Iyon nga ang ginawa ni mama. Lahat na yata ng dasal sinambit ko na, huwag lang kaming makapasok pero nabigo ako. Nadaanan na nga namin ang napakalawak na subdivision. Parang villa sa ganda. Mangilan-ngilan ang malalaking bahay at nang dumiretso ang sasakyan sa royal blue na gate mula sa oval na dinaanan namin, mala palasyo ang hitsura ng bahay na bumungad sa amin. May malaking fountain at ang palibot ay bermuda grass at iba’t-ibang klase ng mga bulaklak. Huminto ang sasakyan sa bandang fountain nang parang automatic na bumukas ang gate. May sensor yata. At halatang mayamang pamilya ang nakatira. Mabigat ang mga paa kong lumabas ng sasakyan. Halos hilahin ko ang sarili dahil ayaw ko talagang lumabas. Kinakabahan ako at natatakot sa magiging resulta. But no. I should have liked this. I need to be strong. Para ito sa mga magulang ko. Kung malaking-malaki naman ang ibabayad niyong Ms. Xiana sa mga magulang ko para hindi na maremata ng bangko ang bahay namin at iba pang nakasangla, I’m willing to help and do my part. Kayang-kaya ko namang i-share ang talino ko sa iba at kaya kong tumulong gagawin ko. Kailangan kong maging matatag at lumaban upang matuloy ko ang pangarap kong maging isang accountant. Sinalubong kami ng maid na naka-uniform. Ilang minuto ay lumabas ang isang babae. Mukha siyang nasa early twenties ang edad. Maputi, maganda, matangkad sa akin at puro alahas ang katawan. Simula sa pearl white necklace, pearl white na hikaw at gold bracelet. Nakasuot siya ng velvety na black ruffle dress. Halatang elegante at mayaman. Hindi naman siya mukhang masungit, mabait at para siyang anghel nang matitigan ko siyang mabuti. Pinaupo kami ng magandang babae. “Ito ang anak naming si Aloudia, Ms. Xiana. Mabait itong bata at kayang-kaya niyang turuan ang anak ninyo.” Hinila ni mama ang luggage na hindi ko napansing inilabas pala niya sa trunk kanina. Binuksan iyon ni mama sa harapan ng babaeng pinangalanan niyang Xiana. “Ito ang mga credentials niya.” Bahagyang napanganga ako nang ilapag ni mama ang mga school credentials ko sa ibabaw ng center table. “Nai-sent ko na rin sa email ang kopya ng ibang credentials niya para makasiguro po kayong legit at matalino talaga ang anak ko. Kayang-kaya niyang magtutor para sa anak ninyo.” Magkasalukap na ang dalawa kong mga kamay at nakikiusap na sana huwag pumayag ang tinawag na Xiana. Ngunit sa pagkakangiti niya ay alam ko na ang sagot sa dasal ko. “Don’t worry Lorna, ako na ang bahala sa anak mo. Paaaralin ko siya sa St. Charbel, sasagutin ko lahat basta makasiguro lamang akong titino na ang anak ko at huhusay muli sa pag-aaral.” No. Kailangan ko ito. Maaaring mabawi nila mama at papa ang anumang nakasangla at makababalik akong muli sa bahay plus makapag-aaral ako ng libre kaya hindi na ako puwede pang tumanggi. “Kung ganoon ay i-sealed na natin ang kontrata at baka naman puwede mo na rin ibigay ang paunang bayad,” sabi pa ni papa. Nakita kong siniko siya ni mama kaya natahimik si papa. Tumikhim si mama. “Alam mo naman ang usapan natin ‘di ba?” “I am so glad to meet you both, your husband, Renato and your daughter. Rest assure na magiging safe dito si Aloudia. Aloudia, right?” Tumingin sa akin ang babaeng may mala-anghel na mukha. Makinis at wala man lang bakas ng fine lines o pekas. Sagana siguro sa derma. “Yes po,” sagot ko. “Puwede po bang makigamit ng toilet, Ma’am?” “Call me, Tita Xiana. Sure.” Sinenyasan niya ang maid para samahan ako sa toilet. Iba talaga ang pakiramdam ko. Para akong naiihi sa labis na kaba. Pabalik na nga ako sa sala kung nasaan sila nang abutan ako ng tubig ng maid. “Inumin mo,” sabi nito. “Namumutla ka yata.” Ito ang problema ko kapag masyado akong kinakabahan, namumutla. “Come here, son. I want you to meet Mr. Renato Rivero and Mrs. Lorna Rivero,” sabi ni Ms. Xiana. Dumulas ang baso sa mga kamay ko nang makilala ko ang lalaking nakatayo ilang dipa lang ang layo sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa at hindi ko maiwasang matameme. Hindi sa kaguwapuhan niya kung hindi sa pamilyar na mukhang kinaaasaran at sinusumpa ko.a No! This can’t be. This is war!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD