ALOUDIA's POV
WALA akong pakialam kung may dress code sila rito. Umpisa naman ay wala akong interes na pumasok rito sa loob. Kaya bakit kung makatingin naman sila ay para na akong taga ibang planeta. May issue ba sila sa hitsura ko?
Kung bawal akong pumasok sa loob, then good for me. Walang problema para sa isang babaeng tulad ko. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon para dito, uubusin ko na lang ang oras ko sa pagbabasa ng mga libro o panonood ng discovery channels at may utak pa akong mapapala.
“Alice, umalis na lang tayo.”
“Ang KJ mo naman! Kapapasok lang natin, lalabas na tayo,” sabi niya sa akin na masama na ang tingin at naka-pout pa.
Pinalibot ko ang mga mata ko sa loob. Patay-sindi ang makukulay na ilaw at maraming mga taong nasa gitna ay nagsasayawan. Mula rito sa kinatatayuan namin ay nagkakarinigan pa kami ni Alice dahil medyo mahina pa ang music na nakapailanlang sa ere.
“Ayaw ko na rito, iba na ang pakiramdam ko. Let’s go home.”
“Don’t worry. Friend ko ang anak ng may-ari ng bar na ito kaya tayo pinapasok. And you are with me, no one will touch you here.”
Kaya naman pala nakapasok kami kaagad dahil sa influence. “But still, mali na narito tayo.”
“I know you’re a bookworm gist but you can’t stop me enjoying this night. Just one night. Believe me, at kakalimutan ko na ang cheater na iyon.”
Huminga ako nang malalim at tinatantiya ang mga sinabi niya. Napabuntong-hininga na rin ako kinalaunan. “Fine. One hour is enough, Alice.”
“Let’s go na.”
Nauna na siyang maglakad sa akin patungo sa gitna ng maiingay na crowd. Habang papalapit ang paglakad ko, mas dumidilim ang paningin ko dahil sa ilaw na masakit sa mata. Napalitan ng makukulay na ilaw at mas lumakas ang music.
“Alice!” Shocks! Hindi ko na makita si Alice. Kaasar naman!
Malamlam ang mga ilaw habang lumalakas ang tugtog sa bawat hakbang ng mga paa ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao... I mean. Hello, ngayon lang ba kayo nakakita ng tao? Diretso silang nakatingin sa akin.
Oh, man! Naiintindihan ko na, dahil hindi ako naka-dress code na katulad sa kanila. Well, wala akong pakialam kung mag-iisip sila ng kung anu-ano. It’s not my problem.
Kapag nakita ko talaga si Alice, hihilahin ko siya palabas.
Napakaingay nila at hindi ko rin nagugustuhan ang hitsura sa loob. Ibang-iba sa pinatatalastas sa mga TV program or movies. I still choose to study hard and lock myself in a library full of book. I can’t afford to stay here for this long. Wala pa ngang sampung minuto ang mga paa kong naglalakad pero gusto ko na ngang kumaripas ng takbo palabas sa gusaling ito.
“Nasaan iyon?” I don’t know how many times I blink, but I just stare around, then Alice vanished from my front. “Alice!” Sinubukan kong hanapin siya hanggang sa mapahamak ako at ma-stuck sa crowd.
They blocked my way. Sa kipot ba naman ng lugar dahil puno na ng mga tao, hindi ko na talaga makikita si Alice. How am I supposed to find her?
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong bahagyang huminto ang lahat at ilang sandali ay malakas na sigawan o tilian ang pumailanlang sa ere. Para akong mabibingi sa labis na ingay.
“Yuen, my love!”
“Ahh! Please be mine.”
“I’ll be yours!”
“Mamatay na ang lahat, maging akin ka lang!”
Napakunot ang noo ko sa nangyayari. Parang may KPOP idol silang nakikita. Wala naman akong ibang napapansin kung hindi banda ng mga lalaking tumutogtog at ang lalaki sa gitna na may naka-kwintas na gitara. I guess he’s the lead vocalist.
Hindi naman kagwapuhan. Mukha siyang Japanese nang tamaan siya ng liwanag ng spotlight at sa kanila na nga ang spotlight.
Nagsimula siyang tumugtog ng kanyang gitara habang nakahawak sa nakatayong microphone, napamaang ako nang biglang tumahimik ang lahat na karamihan ay mga babae. Hindi naman ganoon kaganda ang boses niya. He’s singing a romantic song and when I look around, parang na-in love ang mga babae sa boses niya.
Naghanap na lang ako ng mapupwestuhan. Baka nakigulo na rin sa mga iyon si Alice. Inip na sinulyapan ko ang sariling relo. Twenty minutes na ang nakalipas. Anong oras kaya kami uuwi? Ayaw ko naman siyang iwan dito.
Nakahanap ako ng mauupuan. May lumapit sa aking server at nag-alok kung ano ang order ko ngunit tinanggihan ko lang iyon. May pera naman ako, ngunit wala akong balak magtagal sa ganitong lugar. It’s not my type.
Kung mahiyawan ang mga tao lalo na ang mga babae ay parang wala ng bukas. Harass na harass na ang tainga ko at parang sasabog na ang eardrum ko sa labis na ingay.
Huminto rin ang music, ang pagkanta nanng mukhang Japanese.
Oh, there you are, Alice-kulit! I found her.
Tumayo ako sa kinauupuan para puntahan siya.
Mabuti pang mahila ko na siya palabas ng bar na ito.
Sa paglalakad ko ay may lalaking humarang sa daraanan ko. Kung saan nahawi na ang daan at nakaharang naman ang likuran niya. Five feet and four inches lang kasi ang height ko, si Alice naman ay five feet and six inches. Punggok na ako kung maituturing.
“ARAY!” Napahawak ako sa sariling noo nang tumama iyon sa malapad niyang likuran. “Excuse me lang! Kailangan mo ba talagang humarang sa daraanan ko? Baka naman po puwedeng tumabi kayo?” mabait at kalmadong sabi ko pa kahit sa totoo lang ay sumasagad na ang pasensya ko. Inip na inip na akong lumabas ng bar. Kung hindi ko nga lang naiisip si Alice ay baka kumaripas na ako palabas. She’s my best friend at ayaw ko namang hayaan lang siya rito.
Tuwing umuuwi nga sila ng mommy niya rito para bisitahin ang lolo at lola niya lagi siyang may pasalubong na chocolates sa akin or mga imported na pabango or anything na pasalubong niya sa akin. Kaya, bakit ko naman uunahin ang sarili ko lang?
Bahagya akong umatras at ganoon na lang ang gulat ko nang masama na ang tingin sa akin ng mga tao sa paligid. Na parang may kinuha akong bagay sa kanila at ang talas ng mga matang parang laser beam na gusto akong putaktehin.
Dahan-dahang humarap sa akin ang kinausap ko. Bahagya akong nalula sa tangkad niya.
Siya iyong… iyong nasa stage kanina na Japanese. Medyo Japanese ang mga mata, malaki na singkit. Hindi ko sure kung paano i-describe pero mukha siyang Japanese talga. Matangkad at maputi. Visible ang jawline, medyo mapanga at ang tangos ng ilong. Well, medyo papasa na nga siyang maging Japanese actor.
Ngayong nakita ko na siya sa malapitan, walang maingay na music, tilian at hindi nakapatay-sindi ang mga ilaw. Nakumpirma kong Japanese nga talaga siya. Hindi ko lang sigurado kung may lahi siyang pinoy or pure Japanese.
Napalunok ako dahil siya ang tinitilian ng mga babae kanina. Sumakit yata ang leeg ko sa pagtingala sa kanya. Hanggang baba lang kasi niya ang height ko. I even felt the crowd was trying to bury me alive, just because I was near to him.
“Hindi ka naman pala ganoon kagwapo. Mukha kang halimaw sa paningin ko.” Napatakip ako sa sarili kong bibig. I supposedly shouldn’t say that. It should be in my thoughts. Bakit lumabas? Darn!
Hala! Sumama na po ang tingin niya sa akin at parang gusto na niya akong lamunin ng buhay. I felt bad vibes here.
“I guess, you are new here.”
“Wala naman sigurong masama kung bago ako ri—” Natigil sa ere ang sinasabi ko nang pakatitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Sa tingin ko ay hindi naglalayo ang edad naming dalawa. “Huy, ngayon ka lang ba nakakita ng tao?” Hindi naman kailangan i-access pa niya ang hitsura ko na parang binabasa kung tao ba talaga ako sa paningin niya.
“You’re not belong here,” sabi pa niya na tinalikuran ako.
“Anong sabi mo?” naguguluhang tanong ko. “Sino ka ba sa akala mo? Bakit kailangan mong maging judgemental sa hitsura ng suot ng tao? Hoy, sandali lang!” Nainis akong bigla sa pagkakasabi niya. Masyado siyang judgemental. Sabi nga ‘di ba, bawal ang judgemental.
Napilitan akong habulin siya nang iwanan niya ako sa kinatatayuan ko. Napakabastos! Walang manner.
“Ganyan ka ba kapag kinakausap?” Hinila ko ang braso niya at humarap naman siya sa akin. “Sino ka ba para umasta ng ganyan?”
Natigil ang mahaba kong litanya nang manlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
“That will shut your mouth, boyish and it is Yuen Nakashima by the way,” sabi niya na iniwan lang akong basta.
Nagyelo yata ang katawan ko dahil sa ginawa niya at natulos ako sa kinatatayuan.
What on earth had happened?
Did he just…
Did he just steal my first and finest kiss?
Gigil na nakuyom ko ang mga palad ko dahil sa ginawa niyang iyon.
“Hoy, sandali lang!”
Akala niya ay makapapayag ako matapos ng ginawa niya. Smack man o hindi, it will not change the fact that he stole my kiss. He’s arrogant and worse than Alice’s cheater boyfriend.