“Amelia, ipagpaumanhin mo, pero mukhang mahihirapan na tayo na makakuha ng healthy eggs mula sayo kung gagamit tayo ng mga makabagong pamamaraan para magkaanak kayo ng Mister mo. Napakaliit kasi ng chances na makakuha pa tayo lalo na at hirap ka makabuo ng mga healthy eggs. Sabi ko naman sayo. Wag mo pabayaan ang sarili mo at ingatan mong mabuti. Umiwas ka sa mga stress at mga trabaho na makapagbibigay sayo ng sobrang stress. Iwasan mo rin yung mga tao na nagdadala sayo ng mga problema at nagpapabigat sayo. Isa pa yan, tingnan mo nga ang itsura mo. Halos buto ka na, kumakain ka pa ba sa lagay na yan? Mukhang sa tingin ko kahit ang kumain ay di mo na nagagawa at puro ka nalang trabaho sa bahay niyo habang pinagsisilbihan ang asawa mo at pati na mga pamilya ng asawa mo. Bakit di kasi sabihin mo kay Ramil na ibukod na niya ng bahay ang pamilya niya at bakit pumayag pa siya na manatili at tumira ang pamilya niya sa sarili niyong pamamahay? Kita mo na, nakikita mo ang nagiging ipekto ng pagtira nila sa bahay niyo. Ikaw yung nahihirapan, ikaw ang nagdadala ng lahat at siyang nagpapasan. Imbes na sarili mo nalang at si Ramil ang asikasuhin mo maging pamilya niya siya ring pagsisilbihan mo. So, anong balak mo? Titiisin mo nalang lahat? Kahit kapalit nuon ay posibleng pagkawala ng chance mo na magkaanak pa kayo ni Ramil?" patuloy na panenermon ng kaibigan kong doktor. OB-GYNE na siyang nangangalaga sa kalusugan ko at nagmomonitor sa akin para sa kagustuhan ko na mabigyan ng anak ang asawa ko.
“Ilang taon na kayo nagsasama ni Ramil? Dalawa, Tatlo o mag-aapat na nga ata? Pero hanggang ngayon ay maliit pa rin ang chance mo na mabuntis dahil sa mga problema mo na patuloy mo pa ring dala-dala at ayaw mo naman bitawan. Amelia..." nang hawakan niya ang kamay ko. Tumitig siya sa mga mata ko. “Makinig ka, kung gusto mo magkaanak. Kausapin mo na ngayon pa lang ang asawa mo. Ibukod na niya ang pamilya niya at ikuha ng sariling bahay. Nang sa ganuon ay makahinga ka na, makapahinga ka sa maraming problema. Kita mo iyang mga pasa at sugat sa mga braso mo. Palagay mo ba maniniwala pa ako sayo na dala lang yan ng mga pagkakabangga mo habang nagtatrabaho ka sa bahay niyo? Akala mo ba maniniwala ako na iyang mga mugto mong mata ay dala ng pagkakapuwing mo? Hindi, Amelia, kahit minsan lahat ng mga palusot mo sa akin, ni minsan di ko pinaniwalaan. Dahil alam ko naman ang pagkakaiba ng mga pasa at sugat na dala ng pagkakabungo sa sinasadya ng dahil sa p*******t sayo. Iyang mga mugto mong mata na namamaga sa tuwing dadalawin mo ako rito. Palagay mo dahil napuwing lang habang nasa biyahe ka? Hindi Amelia, dahil iyan sa pag-iyak mo ng walang tigil dahil sa mga sama ng loob mo at bigat na dinadala mo na pilit mo lang sinasarili. Haist!" nang mapabuntong hininga si Rosa, habang hawak pa rin ako sa kamay at nakatitig sa mga mata ko. Maging ako nakatitig lang sa mga mata niya habang nakikinig lang sa mga sinasabi niya at panenermon na pawang mga totoo naman.
Alam kong maling mali ang desisyon ko ng pumayag ako sa mga desisyon ng asawa ko na patuluyin ang buo niyang pamilya sa mismong bahay na kapwa namin mga naipundar. Kinailangan ko pa ang tumigil sa pagtatrabaho upang mapagsilbihan lang ang kanyang pamilya ayon sa kagustuhan ng kanyang pamilya. Nang Ina ni Ramil na siyang naging batas sa bahay.
“Amelia, nakikiusap ako sayo. Kausapin mo na ang asawa mo at sabihin mo sa kanya ang tunay na kalagayan mo bakit di ka magkaanak anak dahil sa matinding stress at dahil sa napapabayaan mo na rin ang sarili mo dahil kailangan mo pa sila unahin bago mo pa maalagaan ang iyong sarili at maasikaso." ani ni Rosa na ngitian naman ako ng bahagya. “Amelia, subukan mong kausapin ang iyong asawa oras na makauwi ka na, subukan mo ahh! Unahin mo naman ang sarili mo. Isipin mo naman ang sarili mo at nang baka sakali, mapagbigyan na ang mga kahilingan mong mabiyayaan ng anak. At baka sakali na mabago na rin ang sarili mo sa oras na mawala na ang mga biyanan mo na patuloy na kumokontrol at nagdidikta lang sayo. Baka sakali na gumaan lahat, maging okay na rin ang kalusugan mo once mawala ang mga bagay na pinapasan mo ng matagal." muli na sabi ni Rosa at bago pa kami makapaghiwalay. Binigyan niya ako ng set ng mga vitamins na makakatulong raw upang mapalakas ko ang aking pangangatawan.
Kinuha ko iyon, nagpasalamat kay Rosa at nagpaalam na rin ako upang umuwi na at baka hinahanap na rin ako sa bahay ng umalis ako saglit ng magpaalam ako na aalis muna upang may bilhin sa labas. Masyado na ako nagtagal dito sa clinic ni Rosa, kaya makailang minuto pa ay tumayo na ako. “Salamat, ulit, Rosa." sambit ko ng ngumiti ako kahit manipis. Mabigat pa rin sa dibdib ko ang marinig sa kanya ang kawalan ko ng pag-asa na magkaanak. Ang kaunting chance nalang sana, subalit mukhang talagang wala na pag-asa na kinanlumo ko at kinabuntong hininga ko nalang habang tumatayo sa upuan. Naiiyak ako, nais na mangilid ng mga luha ko subalit pinipigilan ko lang bumagsak sa harapan ni Rosa. Ayoko sana makita niya na pinanghihinaan ako ng loob sa lahat ng tamang sinabi niya. Sa lahat ng mga binanggit niya lahat pawang mga tama. Lahat naman aminado ako na ako rin ang may mali. Ako rin ang nagpaubaya kung bakit ako nalalagay sa ganito na sitwasyon. Dahil pumayag ako. Sumang-ayon ako ng di ko alam na magkakaganito.
Ilang minuto pa ay nakauwi na ako ng bahay. Bago pa man ako pumasok sa gate, nagpunas na muna ako ng mga luha sa mga mata ko. Malapit lang naman ang clinic ni Rosa sa bahay na nabili naming mag-asawa. Kaya anuman at maisip ko ang dumaan duon. Nakakadaan ako para makapagpatingin at kamustahin ang kalusugan ko. Pero sa makailang ulit na pagdalaw ko. Iisa lang ang madalas na sagot ni Rosa, maliit ang chance ko na magkaanak dahil sa kalusugan ko at sa patuloy na pagbaba ng mga nabubuhay na itlog na napo-produce ng katawan ko.
Haist! Ano bang nagagawa ko? Kinabuntong hininga ko habang naibulong at inikit na ang pagkakalock ng gate upang mabuksan ko. Nang makapasok ako. Dahan-dahan ko pa iyon itinulak pasara at muli na ini-lock. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako pumabaling sa likod para papunta naman sa bahay. Paharap sa bahay na kinagulat ko pa. Hindi pa man naihahakbang ang mga paa ko. Mukha na agad ng biyanan kong babae ang nakasalubong sa akin. Yumuko ako bilang paggalang habang ito naman nakabusangot na ang kanyang mukha. Mukhang galit na naman dahil sa natagalan kong pagbalik ng bahay. Medyo lumagpas ako sa oras na dapat ay oras na ng aking pagbalik. Natagalan dahil sa mga sinabi pa ni Rosa at ang ginawang pagcheck up sa akin pagdating ko sa clinic.
“Saan ka na naman galing?" sigaw na agad nito na sabi. ”Pumunta ka na naman sa clinic? Ano para magpatingin kung may pag-asa pa ba na mabubuntis ka ng anak ko? Asa ka... Wala ka naman pakinabang dahil hanggang ngayon wala pa rin naman pagbabago hindi ka pa rin mabuntis buntis. Baog ka kasi ano pa ba ang iniisip mo at patuloy ka nagpupunta roon iisa lang naman ang sinasagot sayo sa tuwing pupunta ka ng clinic. Hindi kaylanman ikaw mabubuntis, malabo kang magbuntis, Misis." na pinagdiinan na sabi ni Mama. Nanginginig ang katawan ko, naiiyak ng tumulo na rin ang luha ko habang dumadaldal pa rin ang biyanan kong babae.
“Kung bakit sinasayang mo pa ang oras mo na pumunta sa doktor kesa ang magtira ka rito sa bahay at pagsilbihan ang anak ko. Dahil ilang beses ka pa man magpunta sa clinic at kahit anong gawin mo di ka na mabubuntis talaga, kaya wag ka na umasa, dahil di naman mangyayari ang iniisip mo, bakit di mo nalang tanggapin iyan, Amelia? Bakit di mo itatak sa isip mo na baog ka at di ka magkakaanak..." sigaw agad ni Mama ang biyanan kong babae na nakatira sa bahay.
Napaiyak na nga ako. Dahil sa mga panunumbat at pagpapamukhan pa nito. “Pumasok ka na nga, nabubwisit lang ako sa tuwing makikita kang umiiyak." ani na sabi muli ni Mama. “Ipagluto mo ako ng makakain. Nagugutom ako." utos na sabi Mama at tumalikod na ito.
Habang ako naiwan at umiiyak dahil sa masasakit pang mga sinabi niya. Bakit di raw ako umalis nalang dito sa bahay ng anak niya at magpakalayo dahil wala naman akong silbi sa anak niya. Wala akong silbi dahil baog ako. Dahil baog ako na makailang beses pa nito sinambit. Iyak ako ng iyak nalang sa kinatatayuan ko. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Hindi ko maisip na sasabihan ako ng ganuon sa mismong pamamahay ko. Sa mismong sariling bahay ko ay papaalisin ako.