AMELIA'S POV'S
“Amelia, kelan mo ba balak magboyfriend? ilang taon nalang mukhang mapag-iiwanan ka na ng mga pamangkin mo. Aba't dalian mo at sa susunod na taon mawawala ka na sa kalendaryo. Baka maunahan ka pa nitong si Abby at naliligawan na nga ata ayaw lang umamin. Nahuli ko nung isang araw, kinikilig habang nakikipagchat sa cellphone niyang hawak." ani ni Tiya Nelia, kapatid ng mother ko pero siyang kasama ko dahil maaga naman nawala ang mga magulang ko at si Tiya Nelia nalang ang naiwan na nagpalaki sa akin at siyang sumuporta sa lahat ng pangangailangan ko hanggang makatapos ako ng aking pag-aaral. Hanggang ngayon naman ay siya ring kasama ko dahil sa bahay niya pa rin naman ako nakapisan. Ayaw na ayaw niya na magbabanggit ako na aalis ako at bubukod. Pwera nalang raw kung mag-aasawa na ako, baka payagan na raw niya ako na kumawala sa kanya at mamuhay na mag-isa dahil may tao na magtitingin sa akin at mag-aalaga.
Si Tiya Nelia kasi ay baby kung ituring ako. Para na niyang tunay na anak kung ituring ako. Grabe mag-alaaga at bantayan ako. Para tuloy di ko na enjoy ng masyado ang pagkadalaga ko sa sobrang higpit niya pagdating sa mga taong sinasamahan ko. Kaya heto, dalaga pa rin ako hanggang ngayon sa takot ng mga kalalakihan sa Tiya Nelia. Syempre, sa kanya muna kasi magsisipag daan ang mga nais manligaw. Mahirap na raw, baka malusutan pa siya at pagkanalingat raw siya ay buntis na agad ako. Mahirap raw magaya sa ibang kabataan na madikit lang sa kung kani-kanino, maaya lang sa kung saan, mainom lang, matabi at pagdating ng isang buwan nagbunga na agad. Nag-umpisa sa tuksuhan at sa huli magigising nalang mga walang damit. At pagmabuntis na, magtuturuan nalang kung sino ang mga may kasalanan. Syempre ang sabi ni Tiya Nelia ang siyang kawawa. Ako na babae, dahil sa ako ang magdadala ng lahat at ang lalake puro lang sarap. Matapos lahat, si babae ang maiiwan. Kaya naman ayan tuloy... Di nakapag-asawa. Umabot na ako ng trenta, hanggang ngayon kahit isa, wala man lang mga nais manligaw. Lahat pa rin sila umiiwas at baka mamaya masigawan ni Tiya Nelia. Pero nagbago na siya, mabait na nga. Kaya nga si Abby, okay lang na magpaligaw basta ang sabi ni Tiya Nelia dalhin sa bahay ng makilala niya.
Ako, wala pa ako maipakilala sa kanya kasi nga wala pang nagkakamali na sumubok na maligawan ako. Pero kung meron naman bakit hindi. Kahit sa office, puno rin ako ng tuksuhan duon. Minsan nahihiya na rin ako. Kasi nga dahil sa paghahanap nila ng lalake para maging boyfriend ko. Baka raw di na ako magkaanak at matuyo ng diretso ang matres ko. Kaya laman na ako ng tuksuhan sa opisina na minsan ay di ko nalang pinapansin sila.
“May oras para diyan, Tiya Nelia." sagot ko nalang din sa kanya.
“May oras ka pang nalalaman. Bakit di ka maghanap na at tumatanda ka na baka mamaya tumulad ka pa sa kapitbahay natin sa tindera duon sa grocery. Sarili at tindahan nalang ang inasawa. Kasi nga, wala na makuha at nagkaubusan na raw ng lalake para sa kanya." biro na sambit ni Tiya Nelia. Talaga naman at isa pa itong Tiya Nelia ko ang nangunguna sa mga pagbibiro. Nuon ayaw niya na makapag asawa ako agad. Ngayon na tumatanda na ako nais na niya agad agad ay makapulot na agad ako para asawahin ko na raw ng magkaanak. Kamot nalang ako sa ulo at tinawanan siya. Hindi na ako nakasagot at kailangan ko pa ang tumungo sa opisina.
Araw ng lunes, ay martes na nga pala. Teka nga, bakit ba tila nag-uulyanin na rin ako. Biyernes na pala at sasahod na kami mamaya. Kailangan ko pa pala magtungo sa bangko ng makapaghulog ng pera sa time deposit account ko. Saka ako mamimili ng mga pagkain para rito sa bahay.
Kada sahod naghuhulog ako ng pera sa account ko sa bangko. Pinag-iipunan ko ang posibleng baka sakali ay dumating ang araw na makapag-asawa ako ay mayroon man lang ako naipon at naitabi para sa magiging mga anak ko. Nangangarap lang pero madalas mga pinagtatawanan ako dahil sa wala naman raw ako boyfriend pero ang hilig ko paghandaan lahat. Paghandaan ang posibleng pag-aasawa ko at pagkakaroon ng isang pamilya.
Tumatanda na nga talaga ako. Dahil makakalimutin na ako nasa trenta pa lang naman ako.
“Ate!" nang mapalingon ako matapos na marinig ko ang pagtawag ni Abby. Lumalakad ito palapit sa akin habang papapunta na sana ako sa kwarto ko upang maghanda sa aking gagawing pagpasok.
“Bakit?" tanong ko ng malingunan siya.
“Papasok ka?" Tumango ako.
“Kala ko wala kang pasok ngayon..." bigla naman siya napaisip. “Sayang!" sabay sambit na napanguso.
“Bakit naman ganyan ang itsura mo?" nagtataka na naitanong ko sa kanya. Nagkipit naman siya ng balikat at sinabi.
“Wala lang, may sinet kasi akong blind date para sayo. Kaya lang may pasok ka pala." ani na sabi na kinalaki ng mata ko.
Blind date? isa pa pala itong pinsan ko makulit kasing kulit ng nanay niya. Pati ba naman siya ay sinet-up pa ako sa isang blind date para lang makapag asawa ako.
Ganuon na talaga sila ata kadesperado na makapag-asawa ako. Haist! ani na napabuntong hininga ako.
“Kung available ka mamayang seven o'clock. Pwede ba pumunta ka sa may ShangriLa?" ani ng may ngiti na sabi at mukhang excited pa siya sa lalakeng i-meet ko sa lugar na sinabi niya.
ShangriLa? Malapit lang din naman sa office. Madali lang puntahan at mabilis lang kung magtaxi ako. Malayo pa kasi ang lalakarin kung magjeep naman ako. Napaisip tuloy ako.
“Ano Ate? Gora ka?" ani na excited nga. Napangiti siya ng maluwang ng makita na napapaisip ako sa alok niya.
“Not, sure. Pero try ko later pagka-out ko sa trabaho. Dadaan pa ako ng bangko para maghulog ng sahod. At maggrocery pa ako." sabay napaisip ako.
“Naku po, si Ate naman. Nag isip pa, ikaw na itong may kailangan." ani na sagot niya sa sinabi ko.
Aba't itong bata na ito? Talaga pala... Napailing nalang ako na kinatawa ko rin ng magbiro muli si Abby.
“Ate, gwapo naman yung blind date mo. Kaya wag kang mag aalala kasi di ka na lugi, sakto inipon mo, maganda tyak magiging lahi niyo pagmagkataon na siya na nga ang mapangasawa mo. Pero..." sabay na napahinto at nag-isip. “Kaya lang, ayos lang ba sayo na mas may edad sayo ng bahagya? Pero Ate, walang asawa ito. Promise, binata siya. Na-meet ko na nga siya minsan at alam kong binata kasi nga kaibigan siya ng... Ano kasi..." sabay napakamot sa ulo at natawa.
“Anong ano kasi?" ani na nagtaka rin ako at hinabaan siya ng nguso. “Ano kasi, may jowa na ako Ate. Bakit di mo pa ako diretsahin ng di naman maririnig ng Mama mo at wala na siya dito." ani ko na kinatawa ni Abby ng mailibot pa ang kanyang tingin. “Wala na, wag ka na matakot at hindi ka na maririnig kahit isigaw mo pa. Kangina pa umalis ng magpaalam na rin ako ng gaya mo ay pinipilit rin ako na maghanap na ng lalakeng pakakasalan ko." ani ko sa kanya.
“So, sure na pupunta ka mamaya?" sabi ni Abby may pangungulit. Kinatawa ko nalang ang pangungulit niya dahil sa wala naman ako magawa at mukhang desperate na rin siya at ilang ulit pa niya ako kinulit na pumunta habang parang bata siya na humawak pa sa braso ko at hinatak na parang bata na nagmamaktol o naglalambing ng di mo maunawaan ang nais pero ang nais ni Abby ngayon ay sumama ako at makipagkita sa kanyang boyfriend at sa kaibigan nito na siyang sinet-up para maging blind date ko.
College pa lang itong si Abby pero bata pa rin siya kung umakto na gaya ngayon. May mga kapatid pa siya na mas matanda sa kanya na kapwa may mga asawa na. May mas bata na isa sa kanya na nasa college na rin. Lahat naman sila mababait na magkakapatid. Pero itong si Abby ang may kakulitan sa lahat. At lihim pang tinago ang jowa niya sa takot na magaya siya sa akin na pinaghigpitan ng Mama niya nuon at ngayon naman pinagsisisihan dahil sa wala na nga ako naging boyfriend at tumanda ako ng di pa rin nakapag-aasawa. At kung tatagal pa nga ng ilang taon ng di pa ako nakapag-aasawa malamang na wala na rin ako pag-asa pa na magkaanak.
“Please, Ate, pumunta ka ahh! Ayoko naman mapahiya sa boyfriend ko at sa kaibigan niya. Syempre, kami ng boyfriend ko yung magka-date. Then, yung friend niya incase na di ka pumunta, tiyak na wala siyang makakasama o makakausap man lang. Baka maiinggit lang yun sa amin ni Jowa. Kung pupunta ka, di mas masaya kasi nga may makakausap siya at malay mo na capable pala kayo for each other di mas maganda dahil magkaka-boyfriend ka na. Di malayo na magkachance ka na, 'na magkaasawa." ani bulalas na makulit na masaya lang na pinsan ko. Para pa siya bata na nagtatalon sa tuwa habang nagpapalakpak pa ang magkabila niyang kamay habang nasigaw. “Yes!"
Talagang bata na ito na bata pa nga at sa pangungulit niya ay napaisip ako at sa huli ay pumayag na rin sa pamimilit niya na sumama na ako at pumunta sa ShangriLa mamayang gabi. Isa pa sa dahilan niya ay para di makahalata si Mama niya once na umalis siya kasama ako. Gagamitin lang pala ako ng batang ito kaya niya ako sinet-up sa isang date upang malaya na magkita sila ng jowa niya. “Thanks, Ate." ani na sambit at saka muli na sinabi. “Basta mamaya ahh, sure na yan. pupunta ka?" Tumango nalang ulit ako.
“Okay, sige Ate. Gumayak ka na at baka malate ka pa sa work mo. Basta later kita nalang tayo sa ShangriLa. Seven o'clock dapat anduon ka na, pwede maaga pero bawal malate ahh." ani niya pa at hinabilinan na magpaganda.
Talaga na batang yon. Napailing nalang ako at pumasok na sa kwarto ko. Hindi ko napansin yung oras na late na ako. Kinuha ko na gamit ko at nagmamadali na ako lumabas ng kwarto at buti nalang ay may 'na tyempuhan na ako na tricycle at sumakay na agad ako. Sakto rin pagbaba ko ng sakayan ay may jeep agad ako na natyempuhan. Pero ang nakakainis lang matapos ko maihakbang yung paa ko nagdumpilas yung paa ko at muntikan na ako malaglag. Buti nalang may isang humawak sa akin ng bigla rin kasi umandar yung jeep habang papasakay ako. Sakit sa ulo, sumakit ulo ko bigla at natakot ako ng bigla nalang umandar ng di pa ako ganap na nakakasakay. Hinila ako ng kamay na yun upang makasakay ng tuloy-tuloy at makapasok sa jeep.
“Salamat!" sambit ko ng di pa nalilingunan yung may ari ng kamay na yon. Napalingon nalang ako matapos na mapaupo at nagulat pa ako ng makita ang lalakeng humila sa akin kangina ng muntikan ako malalaglag.
“Hi!" ani sambit niya ng magkita na ang aming mata. “Buti nalang di ka nahulog. Pasaway si Manong driver, bigla nalang umandar ng di ka pa lubusan na nakakasakay. Ayos ka lang?" ani na sabi at tinanong din ako. Tumango ako, habang napatitig sa kanya.
Nagulat talaga ako na lalaki pala yon at nakangiti habang tinitingnan ako. “Ayos lang, salamat pala. Kung di sayo nalaglag na ako kangina. Salamat!" ani ko na nakadalawang beses na nagpasalamat sa kanya.
Napalunok ako at lumingon na sa driver habang dumudukot ng pera na pambayad ko, nakiabot ako sa iba. “Manong, bayad po. Pasuyo po paabot." sabi ko. Inabot naman ng katabi ko ang bayad ko at siyang nag abot ng pera sa driver. Buti nalang at may barya pa ako na naibayad sa jeep. Salamat naman at talagang naging safe ang biyahe ko matapos na mangyari ang muntikan ko na pagkalaglag kangina. Baka kung sakali ay nakaladkad pa ako ng jeep na sinasakyan ko ngayon.