Nagulat si Trevor nang bigla ay maghubad si Jessa sa kanyang harapan matapos sumang-ayon sa lugar kung saan sila magtatagpo upang alamin ang katotohanan hinggil sa anak nito. "Jessa, stop it! I'm not the old, Trevor, anymore. May pamilya na ako at hindi na ako madaling maakit," turan niya sa babaeng hubad ba nito ang pang-itaas at tanging bra na lamang ang tumatakip sa matayog nitong dibdib. "Talaga ba? Mahal na mahal mo nga noon si Angel pero nagawa mong pagtaksilan, eh, asawa mo lang kayang ipinakasal lang sa 'yo," sabad nito na may pang-uuyam. Napasinghap si Trevor upang kalmahin ang sarili. "Nagpunta ako rito upang malaman kung anak ko ba siya," aniya tukoy sa anak nito. Tumawa si Jessa na tila walang pakialam kung nakatambad ang cleavage nito sa kanya. "May nakakatawa ba sa sin