Agad na napangiti si Angel sabay hakbang papalapit sa babaeng nakatayo sa harap ng kaibigan at co-partner na si Marie. "Jessa?" hindi maiwasang iwika. Ngumiti ito ng matamis sa kanya. "Hey, Angel? Oh, my God, how are you, long time no see?" masayang bati ni Jessa aa kanya. Sa bagay ay wala naman siyang naalalang naging alitan nila ng babae noon. Bigla la namang itong nawala noong third year sila at wala na siyang balita pa rito. "I'm good," tugon sabay beso rito. "So, magkakilala kayong dalawa?" maang ni Marie. "College classmate," tugon ni Jessa sa kaibigan. "So, kayo ba ni Trevor ang nagkatuluyan?" anito. Natigilan sila ni Marie at nagtinginan sa isa't isa. "Sorry, dapat ay hindi na ako nagtanong pa," dagdag ni Jessa. "It's okay, well, may mga bagay na hindi natin hawak, tungko