Chapter Twenty Eight Ella’s Point of View Nandito ako ngayon sa Mall. Kasama ko ‘yong anak no’ng friend ni Dad na kasama daw niya sa work. Four days na akong absent dahil sa mga pinapagawa ni Dad. Gawin daw ba akong tour guide nitong Amerikanong Hilaw na ‘to? Buti na lang Pilipino Nanay niya, ang lupet magtagalog eh. Pero kung titignan mo siya, iisipin mong mano-nose bleed ka, hehe. "Kain muna tayo there." sabi niya sabay turo sa Fast Food chain dito Kaninang umaga pa kasi kami gumagala. Naghahanap sila kasi ng magandang pwesto ng bahay dito sa Maynila. Ako ang inutusan ni Dad na sumama dito. Stress nga eh, after nito resthouse daw ang next na hahanapin namin. Take note, pwesto ng resthouse! Meaning, lupain pa lang tapos magpapatayo pa sila do’n! Nakakainis. Binabawi ko na