Chapter Twenty Seven Ella’s Point of View Maaga akong nagising, kasi hindi naman talaga ako nakatulog. Kaya bumangon na rin ako kaagad after kong makaidlip ng paputol putol. Lumabas ako ng kwarto at nagtimpla ng kape sa kusina. Habang hinahalo ko ‘yong kape, naisipan kong lumabas sa garden kakausapin ko sana ‘yong mga halaman ni Madam, ilang araw ko na rin kasi silang hindi nakakabonding eh baka stress na sila kagaya ko. Pagbukas ko ng main door, may nakita akong nakaputi! Nanglaki ang mga mata ko. "Dad!" sigaw ko Nakahiga siya do’n sa duyan sa may garden. Bigla siyang tumayo no’ng makita ako. "Ilang lock ba ginagawa niyo diyan sa pinto? Hindi umubra ‘yong kopya ng mga susi ko." sabi niya "Dad! Ikaw nga! Daaaad!" sigaw ko tapos tumakbo na ako palapit sa kanya "Ana