Ang buhay ni Lina

1366 Words
"Linaaaaaa....." ang malakas na sigaw ng kanyang ina at ito'y napabalikwas na lamang sa pagkakahiga. "tanghalina ng bata ka hindi kapa bumabangon jan, halika at tulungan mo akong mag balot ng mga kakanin dito" ngayon kasi ang balik ng kanyang ina sa pinapasukan nitong amo sa Maynila at maya maya nga ay kasama na siya nito upang mamasukan sa kapatid ng pinag tratrabahuan ng kanyang ina. bumagon na si Lina at inayos ang higaan pagkatapos ay dumeretso muna sa banyo upang maghilamos at pagkatapos ngang maghilamos ay napatitig siya sa salamin tinitignan ang kanyang maamo at magandang mukha. Bukod kasi sa taglay na kagandahan ay mayroon din siyang balingkinitang katawan at mala porcelinang kutis. Salamat na lang talaga at nagmana siya sa kanyang half Spanish na lola. "sana lang ay maging mabait ang amo na mapupuntahan niya sa Maynila" wika niya sa kanyang sarili. Nagmigrate na kasi sa ibang bansa ang kanyang dating amo at hindi na rin siya nkapag aral dahil sa hirap ang kanilang ina na itaguyod sila sa pag-aaral. Maaga kasi silang naulila sa kanilang ama kaya naman hirap ang kanyang ina na pag aralin pa silang pitong magkakapatid. Lumabas na si Lina mula sa banyo at nagtimpla ng kape tsaka ito dali daling kumuha ng bangko at umupo sa harap ng mesa at tulungan ang ina na magbalot ng kakanin na ipapasalubong mamaya sa mga kasamhang kasambahay ng kanyang ina. Habang gumagawa nga ay natanong nito kung ano ang ugali ng magiging amo nito. "Nay, ano po ba kaya ang magiging amo ko?" "Naku Lina keysa mabait man yan o hindi kailangan mong mamasukan at kumayod para may maipadala tayo na pambili ng pagkain at pang matrikula ng mga kapatid mo" saad ng kanyang ina. Natahimik na lamang si Lina sa kanyang narinig, simula kasi naulila sila ay naging katuwang na siya ng kanyang ina sa pagbuhay sa mga bunsong kapatid niya. sanay naman siya sa mga gawaing bahay at sa katunayan nga sa dati nga niyang pinapasukan ay lagi siyang binibigyan ng bonus ng kanyang ma'am at sir dahil napakasipag niya. Muli ngang nagsalita ang kanyang ina napansin siguro nitong nasaktan niya ang damdamin ni Lina sa hindi na pag imik nito sa kanyang sinabi "kaya sana anak kahit 28 years old kana ay wag mo munang balakin na mag- asawa hanggat hindi pa nakakapagtapos si Jenna". Si Jenna ay sumunod sa kanya at isang taon pa ay magtatapos na ito sa kolehiyo. "Opo inay" ang sabi na lang ni Lina. Pero sa isip isip niya ay wala pa naman talaga siyang balak mag asawa kahit asa 28 na siya kahit na ang daming nanliligaw sa kanya dahil sa taglay nitong kagandahan at isa pa gusto niya munang mag ipon din para sa sarili niya at nang makapag apply din siya patungo sa ibang bansa. Pangarap niya din kasi na makapag trabaho sa ibang bansa dahil mas mataas ang pasahod duon. May mga kaibigan din kasi siya na nasa abroad na at inaaya siya at nag sabi pa na gusto siyang pahiramin nito ng pera na kanyang gagamitin sa pag apply pero ayaw nyang umasa sa ibang tayo kaya mag iipon na lang muna siya at hintayin na makapag tapos ang kanyang kapatid sa kolehiyo. Nasa bus station na nga silang mag ina naghihinay ng oras ng byahe hinatid sila ng kanyang mga kapatid. Medyo may kaba at pananabik siyang nararamdaman bukod kasi sa bago ang kanyang amo ay first time niya din sa Maynila. Nasa Maynila na po tayo ang sigaw ng konduktor ng bus na kanilang sinakyan at mas nakaramdam siya ng takot ngaun at kaba. "Lina ihahatid muna kita sa iyong papasukan tsaka ako pupunta sa bahay ng amo ko" wika ng kanyang ina. tumango lamang si Lina, napansin ata ng kanyang ina na kinakabahan ito kaya naman nasabi nitong "wag kang mag- alala ang mapupuntahan mo ay kapatid ng amo ko kaya naman tinitiyak kung mabait ito at mag isa niya sa kanyang bahay kaya hindi ka mahihirapan masyado sa paglilinis". Nabuhayan ng siya ng loob sa sinabi ng kanyang ina. Sumakay na nga sila ng taxi at nagpahatid sa address na nakasulat sa papel na binigay ng amo ng kanyang nanay. Ilang oras pa ay nakarating din sila. "wow sobrang laki at ganda naman ng bahay na ito inay " ang wika ni Lina. Pumasok nga sila sa loob at sobrang namangha si Lina, "grabe iba talaga pag mayayaman ang gaganda ng mga gamit at mukhang mamahalin pa kaya naman kailangan kung mag ingat sa bawat galaw ko" saad nito sa kanyang isip. bukod kasi sa mga nag gagandahan at naglalakihang mga plorera na nakadisplay ay mayroon ding mga paintings na ang gaganda na nakasabit sa mga dingding. "anak, ano bang nangyayari sayo at nakatulala ka jan ang sabi ng kanyang ina. umayos ka nga jan. O, siya maiwan na kita dito alam mo na ang gagawin mo, kung may sasabihin ka tawagan mo na lamang ako". "opo inay, mag -iingat po kayo ang saad naman ni Lina". Mula sa kanyang pagkakatayo ay isang boses ang kanyang narinig "magandang umaga sayo ang bati nito, kunin mo yang mga gamit mo at sumunod ka sa akin" ang wika nito. At agad nga niyang kinuha ang kanyang mga gamit at sumunod dito. Habang naglalakad ay nagpakilala ito. "Ako nga pala si Dhalia 2 taon na akong kasambahay dito at paalis na ako inaantay ko na lang ang kapalit ko at ikaw nga iyon." saad nito. nagtanong naman si Lina "bakit ka aalis dito?" Humarap si Dhalia sa kanya at nagsabing "uuwi na kasi ako ng probinsya, may naipon naman na kaunti pang simula ko ng negosyo- ung kahit maliit na tindahan lang at lumalaki na din kasi ang aking mga anak kaya kailangan ko silang alagaan." sambit nito "pero wag kang mag-alala mabait si sir Franco at hindi rin siya maselan sa pagkain. Ang tanging ayaw niya lng ay madatnan na makalat at madumi ang bahay basta ginagawa mo lang ang trabaho mo walang magiging problema." dagdag pa nito. Muli siyang napaisip "hmmm Franco pala ang pangalan ng boss niya mukhang pang matinee idol hindi bagay na pangalan sa may edad na" sambit niya sa kanyang isip."Lina, ito ang magiging kwarto mo nilinis ko na ito at tinanggal na ang mga gamit ko aalis na din kasi ako mamaya pauwi sa aming probinsya kaya sumunod ka sa akin at i tour kita sa buong bahay" saad nito. Sumunod naman si Lina "Maaga pa lang ay umaalis na si sir Franco- workaholic kasi un kaya dapat maaga pa lang at magtitimpla kana ng kape at magluto ng breakfast at tsaka nga pala bawal kang pumasok sa kanyang kwarto kapag hindi niya sinasabi. Maglilinis ka lang duon kapag sinabi niya. umikot nman tayo sa labas ito ang kanyang pool madalas niya ito gamitin tuwing Friday night para magrelaxat kapag anjan siya ay bawal kang magtungo jan" at bakit naman tanong ni Lina "basta sumunod ka na lang kung ayaw mong... at tumawa si Dhalia" hmmm okay ang sambit ni Lina "Filipino Dishes pala ang mga gustong kainin ni sir' dagdag pa ni Dhalia. "O, siya magpahinga ka muna at ako na ang gagawa ngaun dito sa mga gawain alam kung pagod ka sa byahe" Ang sambit ni Dhalia. Hindi namalayan ni Lina na nakatulog pala siya sa kwarto niya at pagkatingin sa orasan ay 3 na pala ng hapon. Agad siyang lumabas at saktong nakita si Dhalia na paalis na dala ang mga gamit nito. "O, Lina paalis na ako ikaw na ang bahala kay sir. Alagaan mo siyang mabuti'. Ang wika nito. "Salamat Dhalia" ang sambit nito. Inayos na ni Lina ang kanyang mga gamit at pagkatapos ay nagluto na ito ng hapunan at pagkatapos nun ay dumeretso na sa banyo upang magshower. Pagkatapos nga magshower ay naupo siya sa sofa at di niya namalayang nakaidlip na pala siya. Naalimpungatan si Lina ng may narinig siyang boses. Napakakisig ng boses na un at pagkakita nga ay isang matangkad, matipuno at napakagwapong nilalang. Napabalikwas siya sa pagkakahiga at agad na napatayo at muntik pang matumba buti na lang ay nasalo siya kaagad ni Franco at nag wikang"mukha ba akong nakakatakot?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD